- 31 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bumulusok sa 60 pesos at 10 centavos ang palitan ng kada dolyar ngayong araw,
00:07ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan.
00:11Matagal ng pababa ang halaga ng piso pero pinagrabe pa ng patuloy na gulo sa Middle East.
00:17Ang dagdag kalbaryo nito sa mga Pilipino sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:25Sa kasaysayan ngayon lang sumadsad sa ganito kababa ang halaga ng piso kontra dolyar.
00:30Nagsara kanina ang palitan sa record low na 60 pesos at 10 centavos kada dolyar.
00:36May punto pa sa intraday trading na umabot ito sa 60 pesos and 40 centavos.
00:41Pababa na ang halaga ng piso mula pa noong Pebrero pero pinilala pa ng sumiklabang gulo sa Middle East.
00:46Ayon kay Philippine Exporters Confederation President Sergio Ortiz Luis,
00:51inaasahan na raw nila naaabot talaga sa lagpa 60 pesos ang foreign exchange rate.
00:56Ang importante anya, hindi mabilisan ang pagbagsak ng piso at hindi tulubhang makaka-apekto sa inflation ngayon.
01:03What is important is that it doesn't come very fast, yung depreciation ng peso, and it doesn't create inflation.
01:15In this case, hindi siya mabilis and I don't think it would create inflation.
01:23Noong Enero, sinabi ng Malacanang na ayaw sana ng Pangulo na umabot sa 60 pesos ang palitan sa dolyar.
01:28May kapangyarihan ng Banko Sentral ng Pilipinas na makontrol ang paggalaw ng halaga ng piso
01:33sa pamagitan ng pagbili ng dolyar o pagbenta nito mula sa dollar reserve sa bansa para hindi masyadong sumipang forex.
01:40Pero sa isang pahayad, sinabi ng BSP na batay sa Flexible Foreign Exchange Rate Policy
01:45ang iniiwasan lang nila ang malaking ang paggalaw ng palitan ng piso na maaring makaka-apekto sa inflation.
01:51Hindi ron ito polisiya na may pako ang piso sa isang level.
01:56Kapag mataas ang halaga ng dolyar, lamang ang pamilya ng mga OFW na tumatanggap ng dollar remittance
02:02gaya ni Lola Shoney na may anak na nasa Amerika.
02:05Pero na nga aming tanungin ang kanyang reaksyon sa balitang pumalo sa 60 pesos kada dolyar ang palitan ngayong araw.
02:10Hindi ako pabor doon sa 60. Gawa ng lahat ng bilihin ay tumataas.
02:19Eh, syempre kami mga nanay na apektuhan dahil mga bilihin, mahal.
02:26Kung ano man ang inilalaki ng kanyang natatanggap na remittance, baliwala at tila hindi makahabol sa bilisang pagtaas ang presyo
02:33ng mga bilihin.
02:34At bilang isang Pilipino, hindi ron niya maiwasang maisip ang iba na hindi naman tulad niyang may ganitong bentahe mula
02:41sa nakukuhang padala mula sa abroad.
02:43Walang kwenta. Mas maganda pa kung ibaba na lang para bababa din ang mga bilihin. Nakakawa yung mahirap na, lalong
02:54naghihirap.
02:55Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
03:01Apektado ang ilang commuter sa nationwide transport strike ng ilang grupo, kasunod ng walang prenong oil price hike at naun
03:10siyaming taas pasahe.
03:12Ilan sa kanilang ditutol sa fair hike, pero umihingi rin ang solusyon sa epekto nito sa kanilang bulsa.
03:20Nakatutoklay si Joseph Borong. Joseph?
03:27Well, nahirap ang sumakay ang ilang mga pasahero dahil nga sa ikinasa na tigilpasada ng grupong piston ngayong araw.
03:34Dahil nga sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, dagdag pa dyan yung pagkadesmaya nila dahil sa
03:40pagkakasuspindi ng fair hike o yung dagdagpasahe na inasahan nila na ipatutupad sana ngayong araw.
03:50Inabot ng siyam-siyam bago nakasakay ang ilang pasaherong papasok sa trabaho na nag-abang sa Filcoa sa Quezon City.
03:57Wala kasi siyang makuha agad na jeep kaninang umaga.
04:14Si Samuel galing pang San Mateo Rizal at dito sa nasasakay ng jeep pa kubaw.
04:19Halos walang jeep na bubiyahe ko konti.
04:21Wala rin masakyan ang ilang mga pasahero sa E. Rodriguez Avenue ng Lungsod.
04:26Kahit yung from Camuning papunta sana rito, wala rin pong jeep eh.
04:30Maswerte dahil may libreng sakayang Quezon City Hall.
04:33May ganyan din sa Baklaran, Paranaque.
04:35Sa assessment ng MMDA, naging normal naman ang trapiko at walang nastranded na mga pasahero.
04:42Nag-tigil pasada ang ilang mga jeepney bilang protesta sa di mapigilan taas presyo ng langis kabilang akinakarga nilang diesel.
04:49Itong welgang ito ay pangkalahatan.
04:55Laban ng operator, laban ng driver, laban ng mananakay, laban ng mamimili.
05:01Nationwide ang tigil pasada at may mga protesta rin sa iba't ibang probinsya.
05:06Sa kwenta ng piston, sa presyong 120 pesos kada litro sa ilang gasolinahan,
05:12ang jeepney na may average na konsumong 30 litro kada araw ay mamumuhuna ng 3,600 pesos.
05:19Mababawi sana yan ang piso hanggang 2 pisong dagdag pumasahe kahit papano,
05:24pero ipinagpaliban ang Pangulo ang fair hike ng mga jeepney, bus, TNVS at airport taxi.
05:29Sa isanda na pasahero namin, bali isanda ang piso lang po ang magiging karagdagan sa aming koleksyon.
05:37Ngayon binawi pa po. Magkano na po ang prudo ngayon?
05:40Sabi ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB, suspendido yan hanggang wala silang pasabi.
05:47Para may isang kahit konting katiting yung paghihirap namin bilang chopper.
05:53Kasi 100 plus na po yung diesel eh. Tapos biglang kakansalahin ang Pangulon.
05:58Bakit mo pa sinuspindi? Lapakasama po ng loob namin nun.
06:01Ngayong araw din sana ang simula ng dagdag singil sa pamasahe sa mga pampasaherong sasakyan katulad ng mga jeepney.
06:08Piso yan sa mga tradisyonal at dos sa mga modern jeepney bagay na maintindihan naman daw ng ilang mga pasahero
06:15kung sakaling natuloy.
06:17Ito po yung efekto ng pag-spone ng fair hike po nila. Apektado rin po ang mamamayan.
06:22Dapat pag-itaas o hindi?
06:25Para po maging fair sa mga namamasada, I think dapat na rin naman. Nakakaawari naman po sila.
06:32Pero I think hindi lang naman din po yun yung dapat na gawing solusyon. Dapat po pangkalahatan yung solusyon.
06:39Tulad na ano pa?
06:41Kasi po kapag tinaas natin yung pamasahe, apektado naman din po kaming mga mananakay. Di po ba? Paano naman din
06:47po kami?
06:48Dapat pa pangkalahatan.
06:51Sweldo?
06:52Okay lang naman din po na itaas. Pero huwag naman masyadong mataasa na. Yung kayang-kaya lang po.
06:57Piso, okay lang?
06:58Apo, okay lang naman.
06:59Tulong na din po sa mga drivers.
07:00Sabi ng isang P2P bus operator, kailangan na talaga magtaas pamasahe dahil sa nagmamahal nilang gastos pero wala naman ani
07:08ang magagawa at kailangan tumalima sa utos ng Pangulo.
07:16May sa ating mga motorista na magagawi dito sa Welcome Rotonda sa mga orsa ito ay tuloy-tuloy naman ang
07:22daloy ng trafico pero may mga pagkakataon na magbabattle neck ng konti.
07:26Pero pagkatapos naman dito sa bilog ay magdedire-diretsyon na kayo sa Manila.
07:32Doon naman sa mga may pasok bukas, ang tanong meron ba ulit natigil pasada ang grupong piston?
07:37Sabi nila, meron ulit.
07:38So, ihanda ng inyong mga sarili sa kakakulangan ng mga sakyan ko sa kasakali.
07:43At sa lunes naman ay yung ibang mga transport group ay nag-iisip rin na magkasanang kanilang kilos protesta, Mel.
07:51Maraming salamat sa iyo, Joseph Monong.
07:54Mga kapuso, walang takas sa pulisya ang lalaking wanted sa kasong attempted murder na nagtagu sa Batangas.
08:00Ang naging susi para matuntun siya alamin sa eksklusibo kong pagtutok.
08:09Batay sa tip na natanggap ng mga pulis, isang lalaking pinagkahanap ng mga otoridad ang madalas daw lumalabas sa isang
08:16social media page kung saan ipinapalabas ang mga iligal na tupada.
08:24Pati sa page ng mga motorsiklong ibinibenta.
08:30Sa post na ito, bagamat hindi kita maririnig ang boses niya.
08:37Kinaibigan siya online at chinat ng isang undercover policewoman.
08:41Itong suspect natin ay sigurista din. Kung ito ay totoo nga talaga yung itsura ng operatiba natin.
08:49Pero hindi daw agad bumigay ang target. Ang demand daw nito, meet up.
08:55Nagka-interes siya. Sa madaling salita, nagkaintindihan sila at nag-usap na magkakaroon ng meet up.
09:04Sa kanilang pakikipagkita, dito na rin ahulog sa kamay ng mga alagad ng batas ang suspect na wanted sa kasong
09:10attempted murder.
09:11Nangyari rin po sa inuman, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
09:16Tapos umuwi po, kumuha ng patalim.
09:21Bumalik po sa biktima ay inunda yan agad ng saksak.
09:26Malapalos.
09:27Mula sa Marikina, sa Alitagtag, Batangas, nagtago ang suspect na dooy trabahador sa isang sugar cane plantation.
09:35Tumagi siyang mabigay ng pahayag. Patuloy namin siyang sinusubok na makunan ng panig.
09:40Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 oras.
09:46Panahon na! O panahon nang hawakan mo ang BIP para gamitin sa MRT-3 at LRT-2.
09:54Simula lunis kasi, tatapyasan ang kalahati ang singil sa mga tren bilang tulong sa mga commuter.
10:01Pero ang hirit ng isang mambabatas, baka kayang libre na lang?
10:06Hmm, nakatutok si Salima Refran.
10:12Sa gitna ng tuloy-tuloy na taas presyo sa langis at pagbawi ng Pangulo sa dagdagpasahe sa mga PUV,
10:19bawas pasahe naman ang handog ng MRT-3 at LRT-2.
10:23Simula sa lunes March 23, kalahati na lang ang babayaran ng mga pasahero sa MRT-3 at LRT-2.
10:29Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, alinsunod ito sa utos ng Pangulo na pagaanin ang buhay ng mga commuters sa
10:37kabila ng epekto ng gera sa Middle East.
10:39That's really very good news. Kaya ang ano nga po dapat noon pa natin inaayos yung public transport system natin.
10:47Syempre nakakatuwa po. Lalo na po sa aming mga estudyante, sobrang importante po talaga nun kasi kami, andami na po
10:53talaga naming gastusin.
10:55Masaya, yung mga tao na nangangailangan na minimum level is mas nakakatulong para sa kanila na mabawasan yung kanilang gastusin
11:03sa pang-araw-araw.
11:04Ang MRT-3 handa raw sa pagdami ng mga pasahero sa pagsisimula ng bawas pasahe sa lunes.
11:10Nasa P450,000 hanggang P475,000 ang ridership araw-araw ng MRT-3.
11:17Wala raw ilalabas ang dagdag na budget para rito at bibilangin ang mga diskwento bilang revenue loss.
11:23Ang LRT-1 na pinamamahalaan ng private company na Light Rail Manila Corporation o LRMC, wala pang opisyal na anunsyo
11:31kung magkakaroon rin ang bawas pasahe.
11:33Sabi ni Akbayan Representative Percy Sandania, bagamat maganda ang diskwento sa pasahe, mas maganda raw sana kung gawing libre na
11:42ang pasahe sa mga tren.
11:43Hawak ang beep card pati mga placard hinikayat ng grupong Akbayan Youth ang mga dumaraan sa labas ng MRT North
11:50Avenue Station na makiisa sa kanilang panawagang gawing libre ang pamasahe hindi lang sa MRT, LRT, pati sa BUS.
11:59Sabi pa ni Sandania kung kaya raw magbigay ng diskwento, bakit hindi raw lubos-lubosin na?
12:05Malakihan niya may tutulong nito sa gastusin ng mga mamamayan.
12:09Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, Nakatutok 24 Horas.
12:15Inilakad ng isa sa tatlong Pilipinong na bistong nage-espia o mano para sa China kung paano siya nirecruit para
12:22magbigay ng informasyon.
12:23Kaugnay sa Rotation and Resupply Mission o yung RORE ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
12:29Sa kauna-una kanyang pagpapa-interview sa telebisyon, isiniwala siya kung paano siya nakakuha ng informasyon mula sa isang opisyal
12:37ng Philippine Coast Guard.
12:38Nakatutok si Chino Gaston.
12:43Sa isang secure military facility, nakilala ko si alias Danny, isang sibilyan na may negosyo sa Palawan.
12:50Hindi sinabi kung ano ang tunay niyang pangalan at nakatakip rin ang kanyang muka.
12:55Pero isa siya sa tatlong na bistong Pilipino na nag-i-espia daw para sa China.
13:01Hawak siya ngayon ng Armed Forces of the Philippines.
13:03Kwento ni Danny na contact siya ng kanyang foreign handler sa isang messaging app noong 2024 na nagpakilalang grupo ng
13:11mga journalist na nakabase sa US.
13:12Nagsimula ko sir dahil na contact nila ako by internet.
13:19Kasi nagpost ako sir doon sa, ag-a-apply ako sa job part-time.
13:25Then nakuha nila ako doon sir, nag-contact sila sa akin.
13:29Bale, nauna sila mag-contact by WhatsApp.
13:33Doon kami nagsimula mag-usap.
13:38May pinapagawa silang mga ganito na simula nagtatanong-tanong kung ano yung mga kagamitan ng Philippine Coast Guard, ng Navy,
13:51which is ano naman sa internet available.
13:55So madali lang po yung mga napapagawa nila.
13:58Hindi naman mahirap para sa akin.
14:00And kumikita rin ako.
14:02Lalong nagka-interes rao ang kanyang foreign handler nang magpanggap siyang miyembro ng Philippine Coast Guard.
14:08Taong 2024, binigyan siya ng cellphone kung saan idinadaan ang lahat na komunikasyon.
14:14Yes sir, yung cellphone lang sir.
14:16Cellphone na mayroong laman na games.
14:20Special games na kailangan ng code para mapasok yung mismong communication na andun sa game.
14:28Tapos yung communication na pwede ka tumawag, pwede ka man text.
14:31Yes sir, pwede tumawag, pwede mag-text, pwede mag-send ang files.
14:37Tapos ikaw lang nakakabukas na?
14:39Ako lang siya nakakabukas.
14:40Ano yung by fingerprint?
14:42By code.
14:43By code siya.
14:43Nang lumalim na ang impormasyong hinihingi, pumalit daw bilang handler si Peter na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Rotation and
14:51Resupply Mission o RORI ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
14:56Lumaki rin daw ang bayad.
14:57Ayaw niya sabihin kung magkano, pero abot daw ito sa daang libong piso.
15:01So, anong sinasabi naman itong mga adlers mo pag nagbibigay?
15:06Bale sir, interesado lang sila sir sa RORI ng vision, sa visit ng ibang bansa sa Palawan.
15:37Dahil dito, lumapit si Danis sa isang kaibigan na opisyal ng Philippine Coast Guard
15:41at palihim na kinuha na ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-access sa messaging app at email.
15:47Dahil sa tiwal niya sa akin sir, nakuha ko yung account niya.
15:52Bale, ang Android sir may dual messenger kasi.
15:56So, pwede ka maglagi ng dalawang account.
15:59Nakuha ko yung account niya, bale, hawak ko yung cellphone niya para lumabas yung authentication, hindi niya makita.
16:07So, dinidelete ko yan sir para di niya makita.
16:10So, hawak ko yung cellphone niya?
16:11Yes sir.
16:12Hindi niya napansin na?
16:14Hindi niya sir napansin.
16:15Nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Danny at Peter ng banggain ng China Coast Guard at BRP Cape Enganyo sa
16:22Sabina Shoal.
16:22Ilang araw lang matapos magbigay siya ng schedule at detalya ng RORI mission.
16:27Sisingsisirao si Danny sa nangyari kaya nasingil niya ang kanyang foreign handler.
16:32Para sa akin, hindi yung coincidence sir.
16:36Kasi nabigay ko yung details ng RORI mission.
16:40Doon binangga nila yung ano.
16:44Tapos malaking halaga pa yung ibinigay niya sa akin.
16:48Siyempre sir, kung iisipin mo sir, asaglit yun sa kanya.
16:52Kasi hindi siya sir nagbibigay ng gano'ng halaga sa akin.
16:55Dahil nagalit ako, nagbigay siya.
16:58So, hinala na?
16:59Tapos pumunta pa siya dito sir.
17:00Para pakalmahin si Danny, nakipagkita sa kanya si Peter noong December 2024,
17:05ang inakala niyang Amerikano mukha raw Asian.
17:08Nagpakilala raw itong Korean National na nakabase sa US.
17:12Yes sir, kasi nung bago kami siya mag-meet ni Peter,
17:18sinyabi niya sa akin na it's okay na makipag-meet daw ako
17:22kasi hindi lang daw ako yung mga hirang sa goberno na may meet niya.
17:28Na parang gano'n din?
17:30Yes sir, para mag-usap.
17:33So may iba siyang pamiting?
17:35Yes sir.
17:36December no, 2025?
17:38Yes sir.
17:38Kama ba? December 2024 sir.
17:40June 2025, nahuli si Danny ng mga otoridad
17:43sa pamamagitan ng Insider Threat Program ng gobyerno
17:46para tuntunin ang mga security leaks.
17:49Ayon sa AFP, patuloy ang kanilang counter-intelligence operation
17:53para malaman kung sino-sino pang mga Pilipino
17:56ang maaring bahagi ng spy network.
17:58It doesn't mean pag may nailabas kami,
18:01yun lang ang alam namin.
18:02There are active cages ongoing as we speak right now
18:05that are designed again to unearth
18:10yung lawak ng network nila dito.
18:12Naglabas ng hotline ng AFP para sa mga tao kagaya ni Danny
18:16na maaring napasama o di kaya naiipit sa ganitong espionage operations.
18:21Para sa GMA Integrated News,
18:23Sino gasto na katutok 24 oras?
18:26Sa sampahan ng reklamong kriminal at administratibo ng DILG sa Ombudsman,
18:33ang 45 dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Fire Protection.
18:39Kagna ito ng maanumalyam anong pagbili ng mga fire truck
18:43mula 2018 hanggang 2024.
18:48Nakatutok si June Veneracion.
18:53Sa tuwing may sunog,
18:55karaniwan ng reklamo ang kakulangan ng truck ng bumbero
18:58ng Bureau of Fire Protection o BFP.
19:00Sa datos na nakalat ng GMA News Research,
19:03kulang ng mahigit 1,100 na fire truck ang BFP.
19:06Noong nakalang taon nga,
19:08mahigit isang daan na local government unit sa bansa
19:10ang walang truck ng bumbero.
19:12Pero ayon kay DILG Sekretary John Vic Rimulia,
19:15hindi raw sana ganito kalaki ang problema ngayon
19:18kung malinis lang sana ang mga kontrata ng BFP
19:21sa pagbili ng mga fire truck.
19:22Dahil sa corruption na ito,
19:25dahil sa overpriced na ito,
19:27we could have bought an additional,
19:29I think, 400 trucks.
19:32Sa isinigawang investigasyon ng DILG,
19:35nadiskubre na taddad daw ng anomalya
19:37ang pagbili ng BFP ng 350 fire trucks
19:40mula 2018 hanggang 2024.
19:43Noong 2014,
19:45halos 6 million lang ang 1,000 gallon na fire truck.
19:48Pero pagsapit ng 2024,
19:50bigla na lang daw sumipa ang presyo
19:52ng mahigit doble sa halos 15 million pesos.
19:57Hindi inflation na nagpataas
19:59ng presyo ng mga fire trucks.
20:01Corruption.
20:02Ang maanumalyang pagbili ng truck ng bumbero,
20:05ang dahilan kaya magsasampa ang DILG
20:08ng reklamong kriminal at administrativo
20:10sa Office of the Ombudsman
20:11laban sa 45 kasalukuyan at dating opisyal ng BFP.
20:17Nasa taas ng listahan ng mga magiging respondents,
20:19ang tatlong dating BFP chief na sina Jesus Fernandez,
20:23Louis Purakan at Leonardo Banyago.
20:26Hinihingan pa namin sila ng pahayag.
20:29Damay din sa isasampang criminal at administrative complaint
20:32sa Office of the Ombudsman,
20:34ang dalawang supplier ng mga fire truck
20:36na pinaburan daw ng BFP
20:37sa pamamagitan ng pagmanipula sa bidding.
20:40Even before procurement began,
20:43they already have a supplier in mind.
20:46The law requires that dapat
20:48all deliberations between the Bids and Awards Committee
20:51have to be recorded.
20:53Dito, there was a failure,
20:55a deliberate failure at that
20:57to record deliberations at wala rin minutes.
21:00Hiling din ang DILG sa Ombudsman
21:02na ilagay sa preventive suspension
21:04ang mga opisyal na nasa active service pa.
21:07In our eyes, sa team na binuho ko,
21:10we think this is a slam dunk case.
21:13Nakukulong lahat yan.
21:14Para si GMA Integrated News,
21:17June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
21:20Inirekomenda ni Agriculture Secretary Francis Chulaurel.
21:24Nalimita ka na sa 50 piso kada kilo
21:26ang presyo ng imported rice.
21:28Tasunod yan ang pagbahal niya
21:29ng 5 piso kada kilo.
21:32Pati, Lokalabigas, nagbahal na rin.
21:34Nakatutok si Bernadette Reyes.
21:39Mula 55 pesos,
21:41tumaas na ng 3 piso
21:43ang kada kilo ng well-milled rice
21:44sa pwesto ni Diana
21:46sa Poblasyon Market sa Makati City.
21:48Pinasan na raw kasi sa kanila
21:50ng mga supplier ng bigas
21:51ang mataas na presyo
21:53ng produktong petrolyo.
21:55May 58 pa po kami.
21:56Sa iba, puro 60 na po eh.
21:58Mataas na.
21:59Konti lang naman po tinaas.
22:02Hindi katulad sa iba na may 70 na.
22:04Ang suki niyang si Leonora
22:06na may-ari ng Karindiria.
22:08Ilag na ipasa ang dagdag presyo
22:10sa kanin
22:10dahil baka lumipat sa iba
22:12ang mga customer.
22:13Pinabawasan namin
22:14ng takal ng kanin.
22:16Dahil nga mahal nga yung bigas eh.
22:182-7 lang yung kuha ko dati.
22:19Naging 3,200 na.
22:21Sa monitoring ng Department of Agriculture,
22:24tumaas na ng hanggang 3 piso
22:26ang presyo ng local rice
22:27kung ikukumpara noong March 9
22:29o isang araw bago ipatupad
22:31ang mega oil price hike.
22:33Ang imported rice,
22:35tumaas na hanggang 5 pesos per kilo.
22:38Inirekomenda ni Agriculture Secretary
22:40Francisco Chulaurel Jr.
22:42na magtakda ng price cap
22:44na 50 pesos kada kilo
22:45sa imported rice
22:47para hindi maapektuhan
22:48ang presyo ng palay
22:49ngayong panahon ng anihan.
22:51Ang landed cost lang ngayon
22:53na 35 eh.
22:55So kung plus 10 pesos yan
22:56sa merkado,
22:58meron nakita ang importer,
23:01trader, retailer.
23:03Dapat 45 nga lang yan.
23:04Ito 48 nga.
23:05Dapat ang imported rice
23:07nasa 45 to 50 yan.
23:09Anything above that is
23:11tingin ko profiteering talaga
23:13and taking advantage.
23:14Ayon sa ilang rice retailers,
23:16malaking tulong rin daw
23:17kung maibibenta dito
23:19ang 48 pesos kada kilo
23:20na bigas
23:21na ibinibenta
23:22sa pakikipagtulungan
23:23ng Food Terminal Incorporated
23:25at Planters Products Incorporated.
23:28Maglalagay din po kami dito.
23:29Makabili rin naman
23:30ng makakayaan ng halaga
23:33yung mga nakapaligid dito
23:34sa palengke.
23:35Sa ngayon,
23:3636 na pamilihan na
23:38ang nagbibenta
23:39ng murang bigas.
23:40Palalawigin daw ito
23:41para may mabilis
23:42sa Cebu,
23:43Cavite
23:43at iba pang mga probinsya.
23:45Mabenta ang bigas na ito
23:47sa Marikina Public Market
23:48kaya mabilis na naubos.
23:50Pinipinahan po.
23:52Pinapinahan po
23:52kapon lang.
23:54Siniguro naman
23:55na Department of Agriculture
23:56na sapat ang supply
23:58ng mga produktong
23:59agrikultura
23:59sa mga susunod na buwan
24:01kabilang ang gulay
24:02at karning baboy.
24:04I can safely say
24:05na hanggang June
24:06or even July
24:08walang issue
24:08sa supply
24:10of almost everything.
24:12Number one,
24:13main reason is
24:14marami tayong
24:14stock sa NFA.
24:15Almost 500,000 tons
24:17of rice.
24:18Then,
24:19kasagsagan ngayon
24:20ng peak harvest
24:22season ng bigas.
24:23Prices should remain
24:24stable at this time.
24:26Para sa GMA Integrated News,
24:29Bernadette Reyes
24:30nakatutok 24 oras.
24:35Good evening mga kapuso!
24:37Big winner with a purpose
24:38si Caprice Cayetano
24:39na ibinahagi
24:40ang kanyang napanalunan
24:41sa isang foundation
24:43na tumutulong
24:43sa mga batang lumalaban
24:45sa iba't-ibang karamdaman
24:46gaya ng cancer.
24:48At may sagot din si Caprice
24:49sa message
24:50ng kanyang ate heart,
24:51Ivangalista.
24:52Makichika kay Aubrey Caramben.
24:57Big winner with a big heart.
24:59Yan si PBB
25:00Celerity Collab
25:01Edition 2.0
25:02Kapuso Big winner
25:03Caprice Cayetano.
25:05Ngayong araw,
25:06bumisita si Caprice
25:07sa Little Arc Foundation,
25:09isang NGO
25:09na tumutulong
25:10sa mga batang may cancer,
25:12talasimya
25:13at iba pang karamdaman.
25:15Una nang sinabi ni Caprice
25:17na bahagi ng kanyang
25:18napanalunan
25:19ay idodonate niya
25:20sa charity.
25:21Kaya kanina
25:22ay itinurn over na ni Caprice
25:24ang kanyang donation.
25:25Bukod dyan,
25:26nakipag-bonding pa si Caprice
25:28sa mga bata.
25:28Napili po namin yung
25:30Little Arc Foundation
25:31dahil gusto rin po talaga
25:32namin makatulong
25:33at ako po gusto ko
25:34ma-experience nila
25:35kung paano po
25:36may being normal,
25:37gusto ko po ma-enjoy nila
25:38yung childhood nila
25:39at gusto ko rin po
25:40ipaalam sa kanila
25:41na hindi po sila
25:42nag-iisa sa laban na to.
25:44Lagi po ako
25:44nandito para sa kanila.
25:46Kinilig naman si Caprice
25:48sa natanggap na mensake
25:49mula sa kanyang idol
25:50na si Kapuso
25:51Global Fashion Icon
25:52Heart Evangelista.
25:54Caprice, call me
25:55if you need any clothes
25:56or anything you need to wear
25:57Ate Heart is here.
25:59Oo, kahit anong gusto mo
26:00kung kailangan mo
26:01ng gown,
26:01nandito ako.
26:02Siyempre po,
26:03sino pong hihindi?
26:04I would love to po.
26:05Grabe, willing po ako
26:06at na-excite na po ako
26:08na miging little heart
26:10kung sakali po.
26:12Gusto ko pong mag-thank you
26:13kay Miss Heart
26:14at saka na-appreciate ko po yun.
26:16Thank you Miss Heart.
26:18Unang nagkatrabaho
26:20si na Heart at Caprice
26:21sa Kapuso Telefantasha
26:22na Mulawin vs Ravenna
26:25kung saan gumanap si Caprice
26:27bilang si Tagaktak
26:28na anak naman
26:29ng karakter ni Heart
26:30na si Alwina.
26:32Kahapon naman sa kanyang
26:33endorsement contract signing
26:34nagkwento si Caprice
26:36ng kanilang muling pagkikita
26:37at pag-uusap
26:39sa Sparkle On
26:40Stronger Together
26:41kick-off event.
26:42Ang nasabi po sa akin
26:44ni Miss Heart
26:44na ano po
26:46na hinuhulaan niya po
26:47na big winner po ako
26:49for Kapuso
26:50kaya kinikilig po ako.
26:52Comment naman ni Caprice
26:53sa mga nakapansin
26:54ang kanilang resemblance.
26:56Si Miss Heart po talaga
26:57kasi marami rin po
26:59ako na-receive na comments
27:00na magkamukha daw po
27:01kami dati
27:02nung teenage years niya
27:03kaya nakakakilig po
27:04kasi sakto po na
27:05yung pigiging fashionista niya po
27:08and yung personality rin po
27:09talaga ni Miss Heart
27:10yung hinahangaan.
27:11Pobri Karampel
27:13updated sa showbiz
27:15sa avin.
Comments