Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isa ang patay ng tumagilid ang isang bus sa bahagi ng Marilake Highway.
00:05Kasama ng biktima ang may git dalawampung iba pa na mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
00:11Nakatutok live si Rafi Tima.
00:18Vicky, nauwi nga sa trajia ang masayasanang ekskursyon ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa Quezon City
00:24matapos nga silang maaksidente sa palikulikong bahagi ng Marilake Highway sa bahagi ng Infanta Quezon.
00:35Basag ang mga salamin at gasgas ang kaliwang bahagi ng bus na ito nang abutan namin sa accident site
00:40sa kahabaan ng Marilake Highway sa barangay magsaysa Infanta Quezon.
00:44Naitayo na ang bus pero nagkalat pa rin sa paligid ang mga piraso ng basag na salamin,
00:49mga upuan at ilang personal na gamit ng mga pasahero nito.
00:54Sa video na nakunan ni Nelson Monsale, makikita pa ang bus na nakatagilid sa gilid ng kalsada.
00:59Ang langis at krudo ng bus, tumagas na sa kalsada.
01:03Makikita naman ang ilang sa mga pasahero nito na nasa gilid na ng kalsada.
01:07Sa 20 siyem na sakay ng bus, isa ang nasawi sa aksidente.
01:12Ang barangay tanod na si Mang Ramon ang isa sa mga unang nakaresponde sa aksidente.
01:17Nadaanan pa rin siya ng bus habang naglalakad siya sa matarik na pababang kalsada.
01:21Ang bilisyo, sir, ng takbo niya.
01:25Pagdating dito, nakarinig ko na lang ang kalampag niya.
01:29Palagay niyo ba? Parang nawalan pa ng breno, hindi naman?
01:31May breno, sir. Bakas naman dun ang breno sa minto.
01:38Sa dyan, mabilis na ho?
01:39Oo, mabilis talaga. Bago lang yata ang nakakaano sila dito.
01:43Hindi pamilyar?
01:44Hindi.
01:45So ano, parang lumagpas siya sa kalsada?
01:48Ay, tumama siya sa bariya ng gandyan, sir.
01:51Tapos, tumagilid na siya.
01:55Ang nasawi, dead on the spot daw matapos maipit sa tumagilid na bus.
01:59Ang mga sugatan, agad namang isinugod sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta.
02:05Nasa kustodya naman ng Infanta Police, ang driver ng bus.
02:07Kung makikita itong skid mark na ito, ay posibleng sinubukan pa ng driver na mag-preno pero hindi na nito kinaya
02:15at dumiretso yung bus dito sa may barrier na ito kung saan siya bumanga.
02:20Kung wala itong barrier na ito, ay posibleng dumiretso yung bus dito sa may bangin
02:24at mas naging matindi pa yung pinsala dito sa bus.
02:27Pagkatapos bumanga ng bus, ay tumagilid na ito sa badang baba nitong kalsada
02:32kung saan naipit yung isa sa mga nasawi.
02:34Nirentahan daw ng SK members ang bus para sa kanilang excursion
02:39pero ayon sa Infanta PNP, hindi ron dapat dumaan ang bus sa Marilake Highway
02:43dahil para lang ito sa maliliit na sasakyan.
02:46Actually, hindi rin po yan intended para sa mga bus.
02:51Ang Marilake Highway, hindi po dapat sila dyan dumadaan
02:54dahil uneven po yung roads, medyo sharp po ang curves
03:00at matatarik dahil yan po ay part ng Sierra Madre.
03:06Ang talagang ruta po nila ay dito po dapat sa may farming area.
03:10Ang pagkakabanggit ng driver ay gumamit na ways
03:15tinuro sila dito sa daan po ng Marilake.
03:19Kanina VK, namataan natin ang hindi bababa sa limang ambulansya
03:28na pakiat ng Marilake Highway patungo sa direksyon ng Maynila.
03:33Ayon naman sa Infanta PNP ay makikipagugnayan sila
03:36sa iba pang LGU na dinadaanan ng Marilake Highway
03:38para mas mahigpit na maipatupad ang pagbabawal sa pagdaan
03:42ng mga bus sa kalsadang ito.
03:44Yan ang latest mula rito sa Infanta Quezon.
03:46Vicky?
03:47Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended