00:00Tatlong ORW ang magkakahiwalay na inaresto sa Middle East
00:04kasunod ng pagbabahagi nila ng video online na mga missile attack doon.
00:08Nagbitiw naman ang isang opisyal ng Trump administration na hindi pabor
00:12sa pag-atake ng Amerika sa Iran.
00:15May unang balita si J.P. Soriano.
00:19Nagpahayag ng pagkadismaya si U.S. President Donald Trump
00:22sa mga kaalyado nilang bansa na ayaw makihalo sa military operation sa Iran.
00:27Partikular siyang dismayado sa North Atlantic Treaty Organization o NATO
00:32na binubuo ng mga kaalyadong karamihan ay mula sa Europa.
00:58Sa gitna nito, nagbitiw sa pwesto si U.S. National Counterterrorism Center Director Joe Kent.
01:04Aniya, di niya masusuportahan ang gyera sa Iran.
01:08Taliwas sa mga dating pahayag ni Trump, sabi ni Kent, wala raw imminent threat ang Iran sa Amerika.
01:14At kaya lang daw sinimulan ito ay dahil sa pressure mula sa Israel at suporta ng ilan sa Amerika.
01:20Si Kent, na isa rin combat veteran, ang una at pinakamataas na opisyal ng Trump administration
01:27na nagbitiw sa gitna ng sigalot.
01:30Ang imminent threat o agad-agad nabantao manunang Iran
01:33ang isa sa mga katwiran na sinabi ni Trump kaya sinimulan ang pag-atake, sabi ngayon ni Trump.
01:39When I read a statement, I realized that it's a good thing that he's out
01:43because he said that Iran was not a threat. Iran was a threat.
01:49Because the Iranian regime has told Sky News, if you put boots on the ground in Iran,
01:53it will be another Vietnam. Are you afraid of that?
01:56No, I'm not afraid of, I'm really not afraid of anything.
01:59Sa United Arab Emirates naman, dalawang Pilipino ang inaresto
02:03dahil sa pagbahagi umano online ng video ng nasaksihang missile attack.
02:07Bukod sa dalawang OFW na inaresto sa UAE kamakailan, isa pang OFW sa Saudi Arabia naman
02:14ang inaresto din dahil din umano sa pagkupost online ng mga missile strike na nasaksihan niya doon.
02:20Kaya paalala sa mga OFW, iwasan ang pagbabahagi ng video ng airstrike sa social media.
02:26We will help these three OFWs including the other OFWs na humarap sa kanyang kaso.
02:31While they are incarcerated, we respect their laws.
02:34We respect their processes but we will provide for legal assistance.
02:39Libre po yung abogado na ibibigay natin sa kanila.
02:42Kasabay nito, tuloy ang repatriation ng mga OFW at iba pang Pilipino sa Middle East.
02:47Lumipad ang ikatlong government chartered claim na susundus sa kanila.
02:51E ang Pilipinas kaya na matibay na kaalyado ng Amerika, hinirita na ng suporta ng Amerika?
02:57Secretary, has the United States asked the Philippine government to support its military operations against Iran in any way?
03:08Wala pang hinihingi na ganyan ang Amerika sa atin pero siguro I defer to the Department of Defense.
03:16At sila ang may kaalaman niya na directly sila nakikipag-usap sa Department of War.
03:22Pero not as far as the Department of Foreign Affairs is concerned.
03:26Wala silang hinihingi.
03:28Ito ang unang balita, JP Soriano para sa GMA Integrated News.
Comments