00:00Mga kapuso, arestado ang isang nagbebenta ng motorsiklo online ng bagsak presyo.
00:05Nabisto kasi ng buyer na iligal ang mga papeles ng kanyang biniling motor.
00:10Narito ang eksklusibo kong pagtutok.
00:16Bagsak ang presyo kaya hindi raw nakapagtatakang sunggaban agad ng buyer.
00:21Ang mga scooter na ito nakakapost lamang online.
00:25Sariwa ang itsura pati tunog daw ng makina hindi lasbag.
00:28Pero nang i-verify na ng isa sa mga nakabili ang papeles ng scooter.
00:41Lumabas na ang problema.
00:49Dahil diyan, agad na nagsumbong sa PNP Highway Patrol Group ang buyer sana na si Ed.
00:54At sa isang operasyon, nadakip ng mga polis ang suspect sa Angeles City, Pampanga.
01:00Lahat din halos ng mga dokumentong ipernesinta dito po sa kawabayan po natin bumili.
01:05Dito pong nakaw ng nasakyan ay lahat ay peki po.
01:08Ayon sa HPG, nakaw ang mga motorsiklo sa Calabar Zone at ibebenta sa Region 3, particular sa area ng Pampanga.
01:16Wala pang komento ang dinakip.
01:18Pina-follow-up naman ang isa pa rin itong kasabwat.
01:28Kung makikipag-transaksyon sa mga buy and sell ng mga sasakyan, tip ng polisya.
01:33Dapat sa mga sumusunod na lugar gawin ang pagbayad.
01:36Ang pinapayo po ng PNP Highway Patrol Group ay unang-una sa pinakamalapit na polisya station.
01:42Ikalawa sa Barangay Hall o kung saan po ang bahay ng mismong nagbebenta.
01:48Dito pong mga sasakyan po na ito para magkaroon po kagad tayo ng mga initial verification and validation.
01:55At kung may duda sa papeles ng binibiling sasakyan.
01:58Sa public po, maging mausisa po. Lagi po niyong itiak sa LTO. Sa pagbili, dapat po legal yung transaksyon nyo.
02:07Maraming tayong mga red flags na chinecheck. Unang-una kapag masyadong mababa ang presyo,
02:11yung mga dokumento kapag photocopy yung mga ORCR.
02:17Kung meron man kasuspe-suspecha sa talagang texture ng papeles.
02:23Para sa GMA Integrated News, Emile Sumangil. Nakatutok 24 oras.
02:29Aprobado na ng Kongreso ang panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulo
02:34para bawasan o suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo.
02:39Pero ang Pangulo, hindi paa niya nagpapasya kung gagamitin ito.
02:44At nakatutok si Ivan Mayrina.
02:49Ngayon lumampas na sa 100 piso ang presyo ng diesel sa mga gas station.
02:54Hinihintay na kung kailan maaaring suspindihin o bawasan ni Pangulong Bongbong Marcos
02:58ang sinisingil na excise tax sa mga produktong petrolyo
03:01para mabawasan o kaya maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.
03:06Aprobado na ng Senado at Kamara ang mga panukalang magbibigay kapangyarihan
03:10kay Pangulong Bongbong Marcos ay baba o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
03:15Pero ang Pangulo, hindi paa nagpapasya kung gagamitin ang kapangyarihan ito.
03:20It's a very complicated calculation. We will see. Depends on the trends.
03:25We have to watch the trends on oil prices.
03:31We just have to look. It's very hard to say because it's all speculation.
03:36We don't know how long this will last for. We don't know what the effects are.
03:40Isa raw sa tinitignan ng Pangulo ang sitwasyon sa Strait of Hormuz
03:43kung saan dumaraan ang tinatayang one-fourth ng supply ng langis.
03:48Hinaharangan ito ngayon ng Iran.
03:49We don't know what will happen in the States of Hormuz.
03:53So, you know, right now, we are just adjusting to the situation.
03:58And when the situation calls for it, then we will see when to exercise that power and how much by
04:07how much.
04:07Kapag sinuspindi ang excise tax, mapapababa ng 6 piso kada litro on diesel,
04:1310 piso sa gasolina, 5 piso sa kerosene, at 3 piso naman kada kila ng LPG.
04:19Pero kailangan daw balansihin dahil mababawasan ang koleksyon ng gobyerno.
04:23Batay sa datos ng Department of Finance, tinatayang 15 billion pesos ito kada buwan.
04:28Tinitignan din ang Pangulo ngayon ang lagay ng supply ng pagkain sa bansa
04:32na maaaring may epekto naman sa presyo nito.
04:35Pag mamalaki ng Pangulo, wala sila nakitang biglaang pagtaas ang presyo ng mga bilihin.
04:39Kasama ng Pangulo sa paginspeksyon, ang mga tauhan ng Agriculture, Trade and Industry Department sa Agoramarket sa San Juan.
04:46Hindi lamang ang food supply, kundi ang presyo ng pagkain ay at the very least na ibang kikita natin na
04:52ma-maintain lang natin sa dating level.
04:56Kaya tayong ating mga kababayan, sinasabi natin, hindi naman kailangan mag-horning at hindi tayo nagkukulang sa food supply.
05:05Pero ang paggalaw ng presyo, ramdam na ng mga mamimili.
05:09Si Aling Susan maala na malengke bago pa dumating ang Pangulo.
05:12Kahit pabaryang-baryang taas, ramdam daw niya, lalot nakaasa lang siya sa pensyon ng asawa.
05:18Ang ganitong sitwasyon, ramdam din ng mga nagtitinda.
05:21Budget ko lang sa isang araw, 500, hindi lang kami.
05:26O paano yung pagtumaas, paano kakasya?
05:30500, para sa ilang tao po yun?
05:32Lima.
05:33Paginipo niyo, siyempre, magkana rin o yun.
05:36Ano naman ho epekto sa benta ninyo?
05:39Matumal ho, sobrang tumal.
05:41Kaya tiyaga-tsyaga lang talaga kami ho.
05:44Pag wala rin kami suki, wala, hindi kami makakabenta.
05:47Pero dahil tumataas nga ang presyo ng gasolina,
05:49tumataas din ang gastos sa paghahatid ng bilihin sa merkado.
05:52We expect natataas ng 2 piso per kilo, at least lahat ng bagay,
05:58dahil sa logistics cost ng fuel pa rin.
06:03Para maparating nga yung ating mga produce to the market,
06:08at least yun, minimum 2 pesos per kilo yun.
06:10Ang Department of Trade and Industry, pinangakuan daw ng mga manufacturer
06:14na mga pangunahing bilihin na walang taas presyo sa kanilang mga produkto
06:17sa susunod na 30 araw.
06:19Pero pagkatapos nun,
06:21Of course, we can't guarantee because of the worldwide crisis that's happening now
06:26that's beyond our control.
06:28Mag-iang price control, isa sa mga posibleng ipatupad
06:31kapag masyado ng tubaas ang bilihin.
06:33Everything is on the table now, technically.
06:36Dahil nga sa situation ngayon, we don't know where it's going.
06:39Kung masyado mataas at mahirapan ng consumer,
06:42we might need to do something with the prices.
06:47Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
06:54Posibleng estrategiya ang matipid na sagot ni Vice President Sara Duterte
06:59sa House Committee on Justice kaugnay sa mga impeachment complaint laban sa kanya.
07:04Ang paliwanag ng political analyst sa pagtutok ni Maris Omani.
07:13Matapos i-deklara ng House Committee on Justice na sufficient in grounds
07:17ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte
07:20muling iginiit ng kanya abugado na may malalim na depekto
07:24ang mga reklamo laban sa pangalawang Pangulo
07:26at wala o manong matitibay na basihan ang mga paratang.
07:29Our position remains unchanged.
07:32The complaints for us really suffer from a fundamental defect
07:35because they are based on conclusions, speculations,
07:39narratives that are not anchored on the ultimate facts
07:42na sinasabi na rin natin sa answer namin.
07:45Kabilang sa mga alagasyon sa impeachment case laban sa pangalawang Pangulo,
07:49ay umano'y maling paggamit ng bises sa kanyang confidential funds.
07:53Uman'y di maipaliwanag na yaman at pagbabanta sa buhay ng Pangulo.
07:57Bumilis ang proseso ng impeachment dahil hindi na nagbigay ng sagot
08:01ang mga complainants sa tinawag na non-answer ng bise.
08:04Hindi raw kasi dito sinagot isa-isa ang mga alagasyon.
08:08Ipinaliwanag ni Atty. Michael Kowa kung bakit hindi detalyado
08:11ang kanilang isinumiting sagot.
08:12I think we have to remind the public na sa ating legal system,
08:17it is not up to the defense to prove the case of the complainants.
08:22It is the complainants that have the burden to prove their allegations.
08:27Sa tingin ng political analyst na si Atty. Paulo Tamase,
08:31posibleng estrategiya ang matipid na tugon ni Vice President Duterte.
08:34Posibleng nakatoon na ito sa mas mahalagang yugto ng paglilitis
08:38kung umakyat na ito sa Senado na siyong tatayong impeachment court.
08:41I think the advantage is that it keeps her cards close to her chest.
08:48Mahihirapan or mag-add ng complication yun on the part of the prosecution
08:51na hindi nila alam kung mayroong possible na ebidensya.
08:55Si BP Sara to defend herself,
08:58hindi nila mapaghahandaan there for as much as they would probably want to yung kaso.
09:04Well, talaga namang ang Senate trial,
09:06doon naman talaga ang magiging pagsusuri nito o paglilitis nitong kaso na ito.
09:11But as to strategy or not,
09:13even if it were a strategy, of course, it's not something for me to disclose.
09:17Kung estrategiya man daw ito ng kampo ni Duterte,
09:20nagbabala si Atty. Tamase na posibleng may panganib ang ganitong hakbang.
09:23Disadvantage nga is, binibigyan din niya ng fuel kahit pa paano
09:27yung perception na hindi ginagalang ng Vice President yung proseso
09:31o hindi siniseryoso itong proseso na hinahanap sa anong pananagutan sa kanya.
09:37Nakatakdang simula ng komite ang pagdinig sa March 25.
09:41Dito aalamin ang komite kung may probable cause para isulong ang impeachment complaint
09:45at dalihin sa Senado para sa formal na paglilitis.
09:48Ayon kay Atty. Poa, walang obligasyon ang respondent na dumalo sa mga proceedings sa komite sa Kamara.
09:54Gayunpaman, handa na raw sila.
09:56This is not something we did not expect naman.
09:58So, meaning this was quite expected.
10:01And we are ready to proceed.
10:03Para sa GMA Integrated News, Marise Umali nagtutok, 24 oras.
10:08Inadapt na ng Kamara ang versyon ng Senado
10:10kung na'y sa panukalang bigyan ang Pangulo ng Emergency Power
10:13para suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.
10:17Nakatutok live, si Mark Salazar.
10:20Mark.
10:23Kimil, at nasa kamay na ng Pangulo kung gagamitin niya iyang emergency power
10:28na binigay at napagkasundo ang ibigay ng Senado at ng Kamara sa kanya.
10:38Sa huling session day ng Kamara, bago mag-Holy Week break,
10:42nasa First Order of Business ng plenario na i-adapt ang versyon ng Senado sa batas
10:47na magbibigay ng emergency power sa Pangulo
10:50na isuspindit o bawasan ang excise tax ng mga produktong petrolyo.
10:55Yan ay kung isang buwan ang nasa $80 per barrel, ang average na presyo ng Dubai Crude.
11:00There's a motion to adopt Senate Bill No. 1982 as an amendment to House Bill No. 48418.
11:08Is there any objection?
11:11The chair hears none. The motion is approved.
11:14The Senate Bill No. 1982 is adopted as an amendment to House Bill No. 8418.
11:23In-adapt o tinanggap ng Kamara ang ilang pagbabago ng Senado
11:27sa panukalang nang galing sa kanila para mapabilis ang proseso.
11:31Kabilang dyan, ang kagustuhan ng Senado na maging tatlong buwan
11:34ang effectivity period ng emergency powers ng Pangulo
11:38imbis na sa nauna nilang panukala na anim na buwan.
11:42Maliba na lang kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng Dubai Crude Oil per barrel.
11:46Pumayag na rin ang Kamara sa gusto ng Senado na automatic na babawiin ang emergency power
11:52kung mas mababa na sa $80 per barrel ang crude oil
11:55imbis na ang orihinal na gusto ng Kamara
11:58na magkaroon pa ng joint resolution ng parehong kapulungan.
12:02Ibig sabihin yan, babalik na rin sa dating rate ang excise tax.
12:06Susundin na rin ang panukala ng Senado na Department of Energy
12:10at Development Budget Coordination Committee
12:12ang magre-report ng estado at epekto ng problema sa langis
12:16imbis na Secretary of Finance tulad ng orihinal na gusto ng Kamara.
12:21Kung sususpindihin ng Pangulo ang buong excise tax sa produktong petrolyo,
12:26inaasahang matatapyasan ng halos 10 pesos per liter ang gasolina,
12:31parehong unleaded at premium.
12:336 pesos per liter ang tapyas sa diesel,
12:365 pesos sa kerosene at 3 pesos sa LPG.
12:46Kapag napirmahan na yan, pareho ng Senate President at ng Speaker of the House,
12:50yung panukala at idiretso sa Malacanang,
12:53dalawa na lang ang pwedeng kahinatnan ng panukala na yan.
12:57Una, kung pipirmahan agad ng Pangulo, di kagyat magiging batas.
13:00Kung hindi naman niya aksyonan ng within 30 days,
13:04magiging batas pa rin.
13:05Or, i-vito niya.
13:07Ibig sabihin, inaayawan ng Pangulo at ibabalik sa Kongreso
13:11ang panukala ng emergency power.
13:14Emil.
13:14Maraming salamat, Mark Salazar.
13:20Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang ilang pamilya
13:24sa San Miguel, sa Catanduanes,
13:26ang bigat ng pinsalang iniwan ng Super Typhoon 1.
13:30Ang iba, nagtitiis pa rin sa Sirangiero at Trapal.
13:35Para may masinungan.
13:37Kami lang sila sa hinatira ng roofing materials
13:40ng Silong Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation.
13:48Matinding init o di kayang lamig ng panahon tuwing umuulan.
13:53Ang araw-araw na tinitiis ng pamilya ni Jona Lim,
13:57na taga-sityo sunduan, barangay pagsangahan San Miguel, sa Catanduanes.
14:03Ang kanilang bumungan kasi mula pa raw sa mga nilipad na yero
14:08noong Super Typhoon 1 noong Nobyembre.
14:12Kahit butas-butas na, pinulot nila ang mga yero
14:15at tinapalan na lang ng trapal.
14:18Nababasa pa rin po kami kasi tumutulok pa rin.
14:22Hindi po kami makabili niyang yero kasi po may tatlong anak po ako nag-aaral
14:27na yun po ang aming priority.
14:32Nawasak rin ang Super Bagyo ang hanging bridge sa sityo.
14:36Kaya ang barangay nagpapahiram ng bangka para makatawid sa lampas taong ilog.
14:42At kung walang bangka, si Jona Lim, napipilitang lumangoy.
14:49Sa pagpapatuloy ng Silong Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation sa Catanduanes,
14:56tayo na mahagi ng food packs at roofing materials sa 61 partially damaged na bahay doon.
15:05Maraming maraming salamat po sa pagbigay niyong importansya sa aming barangay.
15:09Malaking bagay po yun na tulong niyo.
15:12Tumawid din tayo sa sityo sunduan para magbayanihan din doon.
15:17Maraming salamat po sa JMA Kapuso Foundation.
15:22Maayos na po ang aming masisiluno.
15:24Nagbigay din tayo ng mga gamot sa Rural Health Unit ng San Miguel.
15:30Sa mga nais na makiisa sa aming mga projects,
15:34maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Rulier.
15:40Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, Metro Bank Credit Card at Palawan Pay.
15:53Maraming nakapansin sa resemblance ni Heart Evangelista at Caprice Cayetano na muling nag-meet sa isang event.
16:00Dream come true ito para kay Caprice lalo't open din si Heart na makatrabaho ang PBB Collab 2.0 Kapuso
16:06Big Winner.
16:07Ang iniwang message ni Heart sa kanyang mini-meet, itchichika ni Nelson Canlas.
16:15Mayroon ka pa bang gustong makatrabaho?
16:17Idol ko po talaga si Miss Heart. Gusto ko po siya maka-work po ulit talaga.
16:22Ang wish na ito ni Capuso PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano
16:26nang umupo siya sa GMA Integrated News Interviews, tila mabilis na namanipest.
16:34Dahil kahapon, muling nagkita si na Caprice at iniidolong si Kapuso fashion icon Heart Evangelista.
16:41Marami ang nakapansin ng tila resemblance ng dalawang bituin.
16:45Actually, nung nakita ko siya sa Pinoy Big Brother, talagang alam kong mananalo siya.
16:50She really has something very distinct about her.
16:52And it's once in a blue moon na may dumadating ng mga ganyan sa industry and I think she's one
16:57of them.
16:58Eventually, she'll be the one I'll first call pagbabalik na ako ng movies or teleserio.
17:02Why not? Pwede siya maging little heart.
17:05Heart sends this cute message to Caprice.
17:08Caprice, call me if you need any clothes or anything you need to wear.
17:12Ate Heart is here.
17:13Kahit anong gusto mo, kung kailangan mo ng gown, nandito ako.
17:16Balikbansa si Heart matapos ang pagdalo sa recent Milan at Paris Fashion Weeks abroad.
17:22Napabilang pa si Heart sa listahan ng top celebrities ng Milan Fashion Week,
17:27garnering more than $13 million in media impact value.
17:32Nagpapasalamat si Heart dahil hindi lang mga Pinoy ang nakaka-appreciate sa kanyang trabaho.
17:38All the ratings are ratings, but it's a nice stop sa back natin na parang,
17:42parang nabibigyan natin ang karangalan ng Pilipinas sa ganong klaseng mundo
17:46na hindi masyado pa na-discover ng marami.
17:49So sana marami pa makapunta, sana maraming maka-appreciate ng mga ginagawa namin doon.
17:54Are you ready? Are you ready?
17:55Happy rin si Heart dahil sa bagong season ng Heart World,
17:59mas nakikilala raw siya ng mga fans in the most organic way.
18:04Sobrang happy ako because this season,
18:07madami kayong mga characters na mga nakasama ko ng kabataan ko,
18:11hindi lang isa ang makikita nyo sa Heart World.
18:13So I'm so excited kasi hindi lang siya reality show.
18:16You know, it's really reconnecting with my childhood, my teenage life.
18:20Nelson Canlas updated sa Show This Happenings.