Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Hindi dredging ang dahilan ng unti-unting pagka-uka ng Liwliwa Beach sa Zambales na ikinasira ng mga resort doon. Ayon 'yan sa Mines and Geosciences Bureau sabay punang hindi dapat tinayuan ng istruktura ang lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi dredging ang dahilan ng unti-unting pagkauka ng Liuliwa Beach sa Zambales na ikinasira ng mga resort doon.
00:07Ayon po yan sa Mines and Geosciences Bureau, sabay po ng hindi dapat tinayuan ng istruktura ang lugar.
00:14Nakatutok si Oscar Royda!
00:19Kung kahapon nagbabadya palang tumumba ng makuna namin ang nakataling istrukturan ito sa may barangay Liuliwa, San Felipe, Zambales.
00:30Kaninang umaga, tuluyan itong napatumba ng nagngalit na alon.
00:39Kasabay nito ang tuluyang pagbagsak ng pag-asa ng resort manager na si Gladys.
00:46Dalawa na kasi sa minamando niyang resort sa lugar ang na-wash out ng alon.
00:51Lalo ako po may anak po akong grade 10, may grade 5 and nasa ESPED, nasa bayan na nag-aaral.
00:57Eh kasi kami, tiga-baryo pa po kami. Malayo po ang baryo sa bayan.
01:01So yung panggastos namin araw-araw, dito lang namin yung kinukuha po.
01:07Napakalaki yung nawala sa amin ngayon.
01:10Sa ngayon, umaasa lang daw sila sa kung anumang mayaabot sa kanila ng may-ari ng resort.
01:16Mabigyan kami ng pagkain, pasalamat na ho kami.
01:20Wala rin po sa ngayon kasi hindi na ho nag-ooperate.
01:23Lahat po ng mga tiga-baryo saan manlopalop ng San Felipe, dito lang po sa liwa, nagtatarbaho.
01:29Dito lang po talaga umaasa.
01:31Kaakabakaban na raw araw-araw ang iba pang resort owner sa lugar na baka ganun din ang sapitin ng kanilang negosyo.
01:39Si Jojo, mayat-mayakong tutukan ng improvised reprap na ginawa nila pangontra sa alon.
01:47Nanbang namin ito, breaker sa alon.
01:49Karang di pumasok.
01:50Karang di pumasok ng alon.
01:52Dito nasira pa, hindi na kami maglalagay na.
01:54Advice na naman ka papasok.
01:56Kanina, namataan namin ang mga tauha ng Mines and Geosciences Bureau at PNP Maritime Unit
02:02na nagsasagawa ng pag-aaral sa lugar at kung ligdas pa ba itong puntahan ng mga turista.
02:09Para din po sa, masabihan po ramin yung mga ibang mga pupunta na siguro sa part na dito,
02:19medyo hindi pa siya po pwedeng paliguan.
02:21Para din na rin sa safety ng mga turista na pupunta rito.
02:25Ang sinisisi ng ilang mga tag-resort sa nangyari ay ang anilay patuloy na isinasagwang dredging sa lugar.
02:32Nakunan nga ng GMA Integrated News ang sinasabing dredging sa may Santo Tomas River.
02:37Ayon sa mayor ng munisipalidad, malaking tulong ang dredging para maibsa ng pagbaha sa kanilang lugar,
02:45lalo't heavily silted na ang kanilang ilog.
02:48Ayon naman sa Mines and Geosciences Bureau, hindi umano dredging ang sanhinang coastal erosion sa lugar.
03:16Meron na pong coastal erosion before dredging.
03:21So therefore, by situational analysis, hindi mo dredging ang mga kumilang dyan.
03:26Sabi ng MGB, malaking bahagi ng baybayin sa ilang bayan sa Zambales ay bahagi noon ng dagat bago pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.
03:37Noong pumutok si Pinatubo, 7 billion cubic meters po ang inyong luwa ng vulkan.
03:44Eh, saan ang pupunta yun, ano?
03:46Either tangulan ang mga nasa slopes ng vulkan ng vulkan or pumunta ng dagat.
03:52Matter of fact, we have the shoreline one kilometer to the east ng ating shoreline ngayon, ano?
03:59So ang abante sa San Felipe and San Narciso is one kilometer from the 1977 shoreline.
04:06Kaya nga raw itinuturing na unclassified land ang naturang lugar.
04:11Ang ating mga resorts dyan are standing on unclassified public land.
04:18Accretion po yan. So walang titulong yan.
04:20Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang ahensya tulad ng DNR
04:34para alamin kung ano ang pinakamainam na gawin sa lugar.
04:51Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida Nakatutok, 24 Oras.

Recommended