Ipinatawag na rin si Sen. Chiz Escudero ng Independent Commission for Infrastructure gayun din ang apat pang dating opisyal ng DPWH. Ang isa sa mga opsiyal ay nagsuko ng sasakyang hanggang P35 million ang halaga.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinatawag na rin si Sen. Cheese Escudero ng Independent Commission for Infrastructure, o ICI,
00:07gayon din ang apat pang dating opisyal ng DPWH.
00:10Ang isa sa mga opisyal ay nagsuko ng sasakyang hanggang 35 million pesos ang halaga.
00:16At nakatutok live si Joseph Moro.
00:19Joseph!
00:22Vicky, ito yung 30 to 35 million pesos na luxury vehicle na itinun over.
00:29Ito ang si dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez
00:34sa Independent Commission for the Infrastructure, o ICI.
00:40At katabi nito, Vicky, yung isa pang luxury vehicle din na 12 million pesos naman
00:45na itinun over din ni Hernandez sa ahensya.
00:48Ikalawa ito sa tatlong luxury vehicle ni dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez
01:02na ipinangako niyang isusuko sa Independent Commission for Infrastructure, o ICI.
01:08Isang Lamborghini Urus na ayon sa website ng kumpanya,
01:11ang mga urus ang kauna-unang sports utility vehicles sa mundo.
01:14Ang halaga nito, 30 to 35 million pesos.
01:18Ibinigay ni Hernandez kay ICI Chair at dating Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr.
01:24ang susi ng sasakyan.
01:25Hindi na nagpa-unlock ng panayam si Justice Reyes at si Hernandez.
01:29Ayon sa abogado ni dating DPWH 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez,
01:35yung pagsusuli niya ng kanyang mga luxury vehicle, dalawa na ito ngayon.
01:39Noong Friday, GMC 12 million at ngayon Lamborghini na 30 to 35 million,
01:44ay wala raw hinihinging kapalit sa gobyerno.
01:48It's the right thing to do.
01:49May mga mamahaling motorsiklo pa si Hernandez,
01:52nang sabi ni ICI Advisor at Baguio Mayor Benjamin Magalong,
01:56ay isusuli, pero ayon sa kampo ni Hernandez ay pag-uusapan pa.
02:00Sir, all you said, all, lot. Ilan yung isusuli niya?
02:03Ah, meron yung, yung binanggit niya.
02:05Binanggit niya. Yung GMC, yung, at may mga motor pa siyang isusuli.
02:10May yung yung Ferrari nandito na ngayon?
02:13Alam na namin kung saan ang location, kaya lang hindi ma-start.
02:16Kaya kailangan may dadalhin na kwan dun eh.
02:19Kasi kwan pala yun eh.
02:21Parang hybrid siya.
02:22Hindi ma-start kaya hindi nila madala rito.
02:24Pero makukuha na namin yun.
02:26Hindi pa namin na pag-uusapan.
02:28With regard to that.
02:29Sinabi na dati ng ICI na ipasusubasta ang mga isinukong luxury vehicles.
02:34Ngayong araw, ang mga itinuturong mga nasa likod ng kickback
02:38mula sa budget ng mga flood control projects
02:40ang ipinatawag ng komisyon.
02:43Sinadating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
02:47Assistant Engineer Hernandez,
02:49at Assistant Engineer JP Mendoza.
02:51Ipinatawag din si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
02:56na umanin naglako ng mga insertion sa National Expenditure Program ng DPWH
03:01kay Senador Tito Soto.
03:03Tumangbi silang magbigay ng panayam sa media.
03:05Si Alcantara halos dalawang oras na humarap sa closed door na pagdinig ng ICI.
03:10Pero wala pang inilalabas na pahayag ang komisyon tungkol sa naging testimonya ng apat.
03:16Ipinatawag din sa pagdinig si dating Senate President Chise Scudero.
03:20Si Escudero at si Akobe Cold Partylist Representative Sal Deco
03:23ang itinuturo ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno
03:27na nasa likod ng manomalyo mo ng insertion sa 2025 budget.
03:31Yan ay klarong paglilihis.
03:33Nakahanda kaming ipaliwanag yan kung sakasakali.
03:35There were no insertions?
03:37Amendment sa pinapanukala ng mga miyembro ng Senado.
03:41Amendment na pinapanukala ng mga miyembro ng Kongreso.
03:43Si Congressman Puno, hindi siya bahagi nga ng Kongreso pa noong panahon yun
03:48kaya hindi ko alam kung saan siya nagagaling.
03:50Itinanggi din ni Escudero na may small committee sa BICAM.
03:55Sure will the ICI ask you, is there a small committee that inserts flood control projects?
04:00Wala at hindi ako bahagi noon at hindi flood control projects
04:04dahil ang alam kong committee ay nagre-reconcile ng pagkakaiba ng dalawa.
04:08Vicky, dumating din dito sa ICI itong si House Speaker Faustino D. Bitbit
04:18yung mga dokumento ng House Infrastructure Committee.
04:20Ipinatigil na kasi ng House noong kanilang pagdinig
04:23at ipinaubaya na lamang nila ito sa ICI. Vicky?
04:27Maraming salamat sa iyo, Joseph Moro.

Recommended