00:00Tuloy-tuloy ang sinasagawang pagpapa-uwi ng mga Pilipinong na ipit sa gitna ng tensyon sa gitnang silangan.
00:06Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:10Halos 1,200 OFW at ang kanilang mga dependent ang kabuoang nabigyan ng repatriation services
00:18at posibleng umabot ito sa 2,000 sa mga susunod na araw.
00:22We are expecting mga kababayan natin from Bahrain, Kuwait and Qatar
00:30and also I think a batch from Israel will also join this charter flight.
00:37And sa utos po ng Presidente at sa kanisik hands ay magdagdag pa kami ng personnel on the ground
00:49dahil yung ating mga kababayan from Kuwait, from Bahrain, from Qatar
00:54ay kailangan po natin i-assist, be able to transition and travel to Manila safely.
01:01Dalawa ang inaasahang chartered flights na darating sa Pilipinas mula ngayon hanggang sa linggo
01:06kabilang na ang ilan pang mga commercial flight.
01:09Tiniyak din ang pamahalaan na may nakaabang na tulong sa mga OFW
01:13pagdating nila sa bansang pupuntahan at pagbalik nila sa Pilipinas.
01:17Patuloy po tayo sa pagbigay ng post-repatriation assistance.
01:23Ibig sabihin po ang gobyerno din ang nagpo-provide ng mga domestic flight tickets
01:30para sa ating mga returning OFWs, pati po yung kanilang temporary hotel accommodation
01:36at syempre po yung meals assistance nila.
01:38Pero nilinaw ng OWA na hindi agad na iuuwi ang mga OFW
01:43dahil kailangan muna dumaan sa mga proseso ng host countries
01:46tulad ng exit clearance at transit visa.
01:50Lalo na't karamihan sa mga Pinoy sa Middle East
01:52ay contract workers na may mga dokumentong kailangan ayusin bago payagang makalabas.
01:58Dagdag pa rito, ang biglaang pagbabago sa security situation
02:01na nakaka-apekto sa mga nakahandang biyahe.
02:04Patuloy rin naman ang pagmomonitor ng DMW sa kalagayan ng mga Pilipinong seafarer
02:09sa Strait of Hormuz at mga karateg na karagatan.
02:12Ayon kay Secretary Kakdak,
02:14ligtas ang labindalawang Pilipinong tripulante sa isang insidente malapit sa karagatan ng Iraq.
02:19Habang sa iba pang magkakahiwalay na pag-atake sa mga sasakyang pandagat sa region,
02:24umaabot sa hindi bababa sa limampung Pilipinong marino ang nakaligtas.
02:29Ngunit may isang Pilipinong seafarer pa rin nananatiling nawawala,
02:33matapos madamay ang isang tugboat na tumutulong sa isang inataking barko malapit sa baybayan ng Oman.
02:40Kaugnay nito, tiniyak ng DMW na may mga proteksyong maaaring hingin ang mga Pilipinong seafarer
02:46kapag itinuturing ng mapanganib ang rutang kanilang paglalayagan.
02:50Sa ngayon, we've given the directive to the ship owners to avoid the area as much as they could.
02:56And then, number two, yun nga, yung to honor the right to refuse sailing of a seafarer
03:03with attendant entitlements should a seafarer exercise the right.
03:08Dagdag ng DMW, kabilang sa mga karapatang ito,
03:12ang libreng repatriation, kaukulang sahod,
03:15at proteksyon laban sa diskriminasyon sakaling tumangging maglayag ang isang seafarer
03:20sa mga itinuturing na warlike operations area.
03:23Binigyang D&D ng mga opisyal na nakasentro sa kaligtasan,
03:27maayos na pag-uwi,
03:28at tuloy-tuloy na pag-aalaga sa mga Pilipino sa abroad
03:31ang operasyon ng pamahalaan
03:33habang nananatiling masalimuot at pabago-bago ang sitwasyon sa Middle East.
03:39Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments