00:00Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa pagsisimula ng pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD sa tricycle driver sa
00:09ilan pang payout sites sa Metro Manila.
00:11Si Bernard Perrer sa Sentro ng Balita, live!
00:17Trixie, nagpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD para sa mga tricycle drivers dito sa Quezon City at iba pang
00:25bahagi ng Metro Manila.
00:29Sampung taon ang namamasada bilang tricycle driver si Minardo sa Pasay.
00:33Halos araw-araw, nasa kalsada siya upang matususan ang pangailangan ng kanyang pamilya.
00:39Aminado siya ay naramdam nilang epekto ng patuloy na pagdaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, bunso ng tensyon sa
00:45Middle East.
00:46Kaya naman malaking tulong para sa kanya ang P5,000 na cash relief assistance ng DSWD sa ilalim ng Assistance
00:53to Individuals in Crisis Situation o IX Program.
00:57Maagis siyang nagtungo sa Coneta Astrodome upang makatanggap ng ayuda na magagamit pang tulong sa kanyang gastusin sa gasolina.
01:04Pasalamat rin kami na mayroon kami suporta sa aming pang araw-araw.
01:10Sa makauwi na lang ng 400.
01:14Tamang-tama lang sa ulam.
01:16Kabuhang 2,946 na tricycle driver sa Pasay ang target mabigyan ng nasabing ayuda.
01:22Samantala, saglit na pumasada si Brian bago magtungo sa Pacquiao Covered Court Sports Complex sa Bagumbong.
01:28Sa loob ng dalawang minuto, agad niyang nakuhang kanyang cash relief assistance.
01:33Pagkatapos, balak niyang magpakarga agad ng gasolina upang makabiyahe pa.
01:37Sobrang apektado po kami kasi yun lang po ang hanap buhay namin.
01:42Magkano na lang yung kinikita ninyo kada araw?
01:45Minsan, sapat na lang po.
01:46Tinatayang nasa 17,000 tricycle drivers ang mabibigyan ng ayuda sa Caloocan.
01:51Sa SB Park sa Batasan Hills, Quezon City, maaga rin nagpunta mga tricycle driver upang makatanggap ng ayuda.
01:58Humigit kubulang 2,600 tricycle drivers ang inaasang makatanggap ng ayuda rito ngayong araw.
02:03Isinasagawa ang pamamahagi ng cash relief assistance ng sabay-sabay sa 30 identified sites sa loob ng 17 local government
02:11units.
02:12Tinatayang 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila ang mabibigyan ng ayuda.
02:17Kinakailangan lamang magdala ng orihinal na driver's license at isang photocopy para sa verifikasyon.
02:23Nag-deploy din ang DSWD ng mga helpdesk upang agad matugunan ang anumang mga katanungan o concern ng mga binipisyaryo.
Comments