00:00Naging emosyonal ang pagsalubong ng mga kaanak ng pinay caregiver na namatay sa missile attack sa Tel Aviv sa Israel.
00:07Ang buong detalye sa report ni Floyd Brantz.
00:12Naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng OFW caregiver na si Mary Ann De Vera na nasawi sa isang missile
00:18attack sa Israel.
00:19Sinalubong ang mga labi ng kanyang pamilya at mga opisyal ng pamahalaan para matiyak ang maayos na pag-uwi at
00:26agarang tulong para sa mga mahal sa buhay ni Mary Ann.
00:29Nakipagkita rin si Isaac Herzog, Pangulo ng Israel kay Bernie Lavarias, asawa ng yumaong Pilipina na si Mary Ann De
00:36Vera para personal na ipaabot ang kanyang pakikiramay.
00:40Nagpaabot ang Estado ng Israel ng tauspusong pakikiramay sa pamilya ng biktima at sa buong bansa, kasabay ng pasasalamat sa
00:48mga Pilipinong caregiver na malaki ang ambag sa kanilang bansa.
00:52Nagsagawa rin ang Philippine Embassy in Israel ng Visual Prayer sa Jerusalem para kay Mary Ann De Vera.
00:59Muling magbubukas ang Philippine Embassy in Tel Aviv para sa limitadong serbisyong OWA, MW at consular para sa mga Pilipino
01:08sa Israel.
01:09Limitado lamang ang papayagang makapasok kada oras dahil sa kapasidad ng bomb shelter at maaaring ihinto o kanselahin ang operasyon,
01:18anumang oras depende sa sitwasyong pansiguridad.
01:21Tatanggap lamang ang Migrant Workers Office ng mga OFW na nagbabakasyon at may flight pa-uwi ng Pilipinas sa loob
01:28ng isang linggo para sa progreso ng Balik Manggagawa o Versus Employment Certificate.
01:34Pinayuhan naman ang komunidad ng mga Pilipino na magpa-appointment muna at makipagtulungan sa ipinatutupad ng mga hakbang para sa
01:41kaligtasan ng lahat.
01:43Karagdagang siyampang kababayan natin ang naihatid ng DMW OWA Team ng Embahada sa Taba Border Crossing para makalabas ng Israel.
01:52Pagdating nila sa Taba, Egypt, agad silang sinalubong ng mga kawaninang Philippine Embassy at ng OWA Rapid Response Team.
02:02Idinaan naman ng ating mga kababayan na ito sa sayaw at good vibes ang kanilang pasasalamat matapos makatanggap ng relief
02:09package mula sa OWA.
02:14Patuloy ang Philippine Embassy sa paghahatid ng tulong at hinihikayat ang mga Pilipino na humingi ng assistance o magparepatrate sa
02:22pamamagitan ng online survey.
02:24Floyd Renz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments