00:05Arestado ang isang lalaking nanutok-umano ng baril sa anak ng kanyang kumpare sa Valenzuela.
00:11Ayon sa polisya, naghinala raw kasi ang suspect na may isinumbong sa polisya ang biktima tungkol sa kanya.
00:17Tumanggi muna magsalita ang suspect.
00:19May unang balita si James Agustin.
00:24Inaresto ng polisya ang 43-anyos na truck driver na inireklamo ng panunutok ng baril sa anak ng kanyang kumpare
00:30sa barangay Karuhatan, Valenzuela City.
00:32Ayon sa polisya, naglalakad ang 23-anyos na biktima nang kumprontahin ng suspect.
00:37Tinanong ng ating biktima kung bakit at bigla na lamang nagalit yung ating suspect at sinabi na bistado ka na.
00:46Alam ko na yung mga pinagsasasabi mo. Dito ay binunot niya, bumunot siya ng kanyang baril at kanyang tinutukan ng
00:55ating biktima at sinabi, gusto mo barilin na kita dito.
01:00Base sa imbisigasyon, matagal na magkakilalang dalawa. Ang ugat nao ng komprontasyon, tamang hinala.
01:05Pinagihinalaan niya ang ating biktima na nagsusumbong ng iligal na aktividad kagaya ng paggamit ng iligal na droga sa lupang
01:13binabantayan ng kanyang ama.
01:14Nakakuha mula sa suspect ang isang revolver na kargado ng mga bala. Walang naipakitang kaukulang dokumento ang suspect.
01:22Ating sinabmit sa ating PNP Forensic Unit para sa cross-matching examination upang malaman kung ito ba ay nagamit sa
01:30iba pang shooting incidents.
01:34Sinampan ang suspect na reklamong grave threat at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
01:40Ito ang unang balita. James Agustin para sa GMA Integrated News.
Comments