00:00Mabigat ang pasanin ngayon ang dating OFW na si Maria.
00:04Hirap siyang humanap ng trabaho rito sa Maynila.
00:07Namatay pa ang asawa niya noong nakaraang taon.
00:10Ngayon, mag-isa niyang itinataguyod ang tatlong anak.
00:14Mahirap, lalo na sa akin kasi syempre walang income.
00:18Bumiyahe siya pa Quezon City para lumhok sa job fair ng DMW Department of Migrant Workers.
00:23Dito namin nakilala si Rowena.
00:25Anim na buwan na raw siyang walang trabaho.
00:27Sa experience ko po is sobrang hirap paunahan po na magharap ng trabaho.
00:34Kabilang sila sa halos 3 milyong Pilipinong walang trabaho
00:37base sa pinakahuling Labor Force Survey ng PSA o Philippine Statistics Authority.
00:42Halos 800,000 ang nadagdag kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
00:48Ito na raw ang pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho mula June 2022, panahon ng pandemia.
00:54Maraming dahilan pero isa dyan may mga nawalan din daw ng trabaho matapos pumutok ang flood control scandal.
01:02Inaasahan na raw ng Philippine Statistics Authority na madaragdagan pa ang bilang ng mga walang trabaho sa mga susunod na
01:07buwan.
01:08Bahagi pa rin daw yan ang epekto ng nagpapatuloy na gulo sa gitnang silangan.
01:12When oil spikes, the prices of oil spikes, yung mga businesses natin, some of them hindi na nag-hire or
01:18hindi na rin sila,
01:20or some of them nagli-lay off, so it may, it might affect our labor market, yung spike ng prices
01:27of oil.
01:30So both, kasi yung mga na-repatriate din, babalik sila dito, so they will become part of the labor force.
01:36Ayon sa isang ekonomista, kawing-kawing ang epekto nito.
01:40Dahil nga bumagal ang economy, yung ating nang pagbagal, yung ating GDP growth rate na 4.4%,
01:47kaya maasahan din natin na ang mga labor statistics natin,
01:54yung employment, yung unemployment, underemployment, magiging malala.
02:00Ngayon, hindi pa lumalabas yung datos na ipapakita yung epekto ng Middle East War, mas malala pa yun.
02:09So ngayon, malala na ito.
02:11Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisaca
02:17na patuloy daw ang gobyerno sa pagresponde at pagsuporta sa mga apektadong manggagawa.
02:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.
Comments