00:02Wala pong winter o taglamig sa Pilipinas, pero nabalot ng yelo ang ilang puno at halaman sa Mount Pulag, ang
00:09pinakamataas ng mundok sa Luzon.
00:12Nakukuhaan ito alas 10 ng umaga kahapon kasabay ng pagbaba ng temperatura dahil sa Amihan.
00:18Ayon sa pag-asa, nakapagtala ng 7.5 degrees Celsius sa Benguet kahapon, pinakamababa ngayong Amihan season.
00:25Bukod sa mga nagyelong halaman, literal na chillin ang mga turistang dumayo sa Pulag para masaksihan ang pamosong tanawin doon
00:34na Sea of Clouds.
00:38Sugataan ang tatlong dalagita matapos ma-hit and run ng motorsiklo sa Imus, Cavite.
00:43Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Mav Gonzalez.
00:51Bibila lang dapat ng pagkain ang tatlong dalagitang ito na patawid na sa kalsada sa Imus, Cavite noong March 7,
00:57nang biglang masagasaan ang humaharurot ng batrosiklo.
01:05Tumila po ng tatlong biktima at sumemplang naman ang rider.
01:19Isinugod sa paggamutan ang mga bigtima.
01:21Nabali ang dalawang buto sa binte ng dalagitang 12 years old at halos isang linggo nang hindi makatayo.
01:27Napuruhan naman sa balakang at likuran ang kanyang kapatid na 13 years old.
01:31Habang ang kanilang kaibigan na tinamaan ang manibela ng motor, natamaan sa muka, balikat at tagiliran.
01:37Sobrang sama ng loob ng ina ng dalawang dalagita, lalo't graduation ng kanyang anak sa katapusan ng buwan.
01:44Nag-stop sign po sila sa inyo.
01:47Sana naman kuya hindi nyo sila tinakbuhan.
01:49Sana nakipagpumaya ka sa amin.
01:51Ang ginawa nyo, tinakbuhan nyo pa kami.
01:53Tapos ang tumulung pa sa kanya, yung mga nasa gilid ng mga kasamahan din ng motorista.
02:00Ang taas ng ilaw nyo eh.
02:02Kitang-kita nyo kung sino yung tatawid o hindi.
02:05Sobrang sama po talaga ng loob ko kasi nag-graduate yung anak ko.
02:09Tapos ginaw nito nyo.
02:11Ibabalik siya sa Orthopedic Hospital bukas para malaman kung uoperahan siya sa binte.
02:16Patuloy na inahanap ng polisya ang nakabanggang rider.
02:21Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
02:30Enjoy si Nachari Salomona at Buboy Bilyar sa pagkakaroon nila ng live audience sa Kapuso Vodcast na Your Honor.
02:36Excited naman ang isa pang vodcast host na si Cheska Pausto sa kanyang upcoming project.
02:42Iyan ang ang chika ni Athena Imperial.
02:44Ay! Wala na akong pakialam!
02:47Sa GMA Afternoon Series na Hating Kapatid, nalaman na ni Rosel na si Bel ang tunay niyang anak.
02:54Si Tali na ginagampana ni Cheska Fausto, ibinalik na sa totoo niyang ina.
02:59Mananatili ba si Tali na kontrabida or babait ba siya towards the end?
03:04There's gonna be like a change of heart ba?
03:06Kanino ba talaga siya sasama? Kay Melania o kay Rosel?
03:10Another blessing naman for Cheska ang pagganap niya sa bagong GMA Action Series na Firewalk.
03:16After all the drama with Hating Kapatid, iyakan, awayan.
03:20Ito naman, this is my first time ever doing action and action series.
03:24Naka-ilang trainings na rin kami for firing, especially for my character kasi sharpshooter siya.
03:31And also combat workshop kasi importante yun when we're doing operation scenes, yung nagra-raid kami, yung mga ganyan.
03:37Bukod sa upcoming action series na Firewall, isa rin sa pinagkakaabalahan ni Cheska ang Kapuso Vodcast na Triggered.
03:45Kasama si na Vince Maristela, Sean Lucas, Thea Astley at Jeff Moses.
03:53Ang isa pang patok na Kapuso Vodcast na Your Honor, may live audience na.
03:58Ang ganitong setup, nagustuhan daw ng mga host na sina Cherise Solomon at Buboy Villar dahil nakaka-interact nila ang
04:05audience.
04:06Ba yung parang yung kaba at excitement na dala namin?
04:10May pressure, yes, pero kasi iba yung confidence talaga namin doon sa group namin.
04:15Isa lang talaga yung pulso namin as a team.
04:18Platform ni na Cherise at Buboy ang kanilang vodcast to speak out their thoughts about social issues.
04:24Ngayong live na nilang kasama ang audience sa kanilang courtroom, may public verdict na rin.
04:30Kailangan din namin yung mga reaction ng bawat tao kasi sa kanila din kami humuhugot ng,
04:35oy, agree ka ba sa sinasabi na yun or meron ka pa mas gusto ng i-input?
04:39It's really an unlearning journey talaga.
04:42They're very socially involved and they're socially aware.
04:46Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
04:50Balik man sana rin ang mahigit 300 Pilipino mula Riyadh, Saudi Arabia at Bahrain
04:55na naipit sa nagpapatuloy na gera sa Middle East.
04:58Sa kabila naman ng walang patid na taas presyo ng lagis dahil sa gera,
05:03nagbanta pa ang Amerika at Iran na pasasabugin ang mga oil facility sa rehyon.
05:08Nakatutok si Jonathan Andal.
05:14Panay ang pasasalamat at wagayway ng watawat ng Pilipinas
05:17ng mahigit 300 Pilipinong nakauwi kaninang umaga mula Riyadh, Saudi Arabia at Bahrain
05:23sa kainang chartered flight ng OWA.
05:25Kabilang sa mga sumalubong si Migrant Worker Secretary Hans Leo Kakdak.
05:29Mga OFW ang karamihan, habang labing tatlo ay mga batang kaanak ng ilan sa kanila.
05:35Last passenger na ako.
05:38Siyempre nagpapasalamat sa Lord kasi nakalabas talaga sa lugar na yun.
05:43Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan sila sa iba't ibang ahensya para makapagpaabot ng tulong sa mga na-repatriate ng OFW.
05:50Kasama na dyan ng dole kung saan magpapajob fare din tayo, local and overseas jobs sa mga nanonumbalik na kailangan
05:57magkaroon ng bagong trabaho,
05:59meron ding livelihood.
06:01Naunang dumating kaninang pasado hating gabi ang 26 na OFW mula Qatar, kabilang ang siyam na magkakaanak.
06:09May mga nakauwi rin kahapon na mahigit apat na raang Pinoy mula Dubai, United Arab Emirates.
06:14Ayon kay Kakdak, isang OFW ang umuwing nakastretcher dahil na paralyzed siya matapos ma-stroke at ipagpatuloy dito on treatment.
06:24Ang pag-repatriate sa mga OFW ay kasunod ng patuloy na gyera ng Iran at aliyansa ng Israel at Amerika.
06:32Si US President Donald Trump nagbanta na pasasabogin nila ang Karg Island, na isa sa mga oil hubs sa Iran.
06:39Kung hindi anya ititigil ng Tehran ang pag-atake sa mga vessel na dumaraan sa Strait of Hormuz.
06:44Nagbanta rin ang Iran na kung gagawin niya ng Amerika, a-atakehin nila ang mga oil facility na konektado sa
06:51Amerika.
06:52Matapos ang drone attack ng Iran, sinuspindi kahapon ang mga oil loading operations sa Emirate ng Fujaira sa UAE.
06:59Kung nasaan ang Port of Fujaira, isang kritikal na oil infrastructure kung saan nakaimbak ang pang-export ng krudong may
07:06kapasidad na halos 1 million barrels per day.
07:10Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
07:16Sisimulan po sa Martes ang bigaya ng 5,000 pisong ayuda o fuel subsidy para sa mga tricycle drivers sa
07:22Metro Manila.
07:23Ayon sa DSWD, hindi na kailangan magparehistro dahil nasa database na ng mga LGU ang mga tricycle driver na may
07:30license to operate.
07:31Ang sabi ng DSWD, magtanong sa mga LGU kung saan at kailangan na bigay ng ayuda sa inyong lugar.
07:38Sunod na bibigyan na ayuda ang mga chauffeur at operator ng mga PUV sa probinsya pero hindi patyak kung kailan.
07:45Sabi ng DSWD, galing sa LTFRB ang listahan para dyan.
07:51Hindi na lang sa ibang bansa maachieve ang Sakura feels moment dahil sa pamumukadkat ng balat cherry blossom sa bulaklak
07:59sa ilang bahagi ng bansa.
08:00Sa San Fernando, Pampanga, IG worthy ang mga kulay pink ng mga bulaklak at talulot na ito.
08:08Pero ang bulaklak hindi sakura o cherry blossoms kundi pink trumpet flowers o tabebilla rosea.
08:14Nasilayan din ito sa Malungon, Sarangani province.
08:18Ayon naman sa Forest and Management Bureau ng DNR, hindi native sa Pilipinas ang pink trumpet flowers.
08:25Dahil ang bulaklak likas na nabubuhay rao sa North at South America.
08:29Pero hindi naman daw kinukonsiderang invasive species ang bulaklak.
08:38Nasa Road to Forever na sinang Mikoy Morales at kanyang non-showbiz wife na si Isa Garcia matapos ang kasal
08:44nila kahapon.
08:46Present sa kasal ang mga kaibigan ni Mikoy na sina Juancio Trevino, Charisse Solomon, pati ang kanyang best woman na
08:52si Mikey Quintos.
08:53Spotted rin si John Pair na nag-double check na muna kung nasa tamang kasal na ba siya.
08:59Sa post ni Charisse, kita na kasama na nila si John.
09:03At dahil sa malapatric moment ni John, noong January, nakatanggap siya ng Earliest Bird Award.
09:14And that's my chikarist weekend. Ako po si Nelson Canlas. Tia, Ivan?
09:20Thank you, Nelson.
09:21Patuloy po na nararanasan ang malamig na panahon sa iba't ibang bahagi na bansa, bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.
09:28Sa Baguio City, uy bumagsak sa 9.4 degrees Celsius ang temperatura ngayong araw.
09:3415.2 degrees Celsius naman sa Malay-Balay Bukidnon, habang 16 degrees Celsius sa San Ildeponso, Bulacan.
09:42Patuloy na nakaka-apekto ang Amihan sa Bicol Region, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Apayaw, Kalinga at Mountain Province.
09:50Gayun din sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, Northern Minanau at Caraga.
09:56Habang localized thunderstorms naman ang nakaka-apekto sa natitirang bahagi ng Mindanao.
10:01Base sa rainfall forecast sa Metro Weather, posibleng light to moderate rains bukas sa ilang bahagi ng Cagayan, Quezon, Oriental
10:08Mindoro at Palawan.
10:10May chance na rin ang pagulan bukas sa Aklan, gayun din sa Misamis Occidental at Surigao del Norte.
10:16Posibleng makaranas ang pagulan bukas sa Metro Manila.
10:21Mga kapuso, kapapasok lang po na balita.
10:23Ayon sa FIVOX, may ongoing moderately explosive eruption ang Canlaon Volcano sa Negos Island.
10:30Manatili po nakatutok sa GMA Integrated News social media pages para sa iba pang mga detalye.
Comments