Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inatake ng isang lalaki ang isang daycare at templo ng mga hudyo sa Michigan sa Amerika.
00:06Napatay naman ng security personnel ang suspect na namatayan daw ng mga kaanak sa airstripe sa Lebanon.
00:13Ating saksihan.
00:18Napasugod ang mga polis sa Temple Israel Synagogue sa West Bloomfield sa Michigan sa Amerika.
00:23May narinig daw kasing putok ng baril sa lugar kung saan mahigit sandaang bata ang nasa daycare ng pasilidad.
00:31Makikita pa ang maitim na usok mula rito.
00:34Sa paunang ulat ng Sheriff ng Oakland County, sakay ng isang truck, pilit umanong pinasok ng isang lalaki ang gusali.
00:43Nabundol pa nito ang isang security personnel na nawalan ng malay.
00:47Ayon sa pamunuan ng sinagog, ligtas na nailika sa mga bata gayon din ang maguro at iba pang empleyado.
00:56Kalaunan, iniulat ng mga otoridad na napatay ng mga security personnel ang suspect.
01:01Kinilala ng US Department of Homeland Security ang 41-anyos na suspect na ipinanganak sa Lebanon bago naging US citizen
01:08noong 2016.
01:10Patuloy ang investigasyon sa motibo niya.
01:13Pero ayon sa mga otoridad, 10 araw bago ang insidente, nasawi sa airstrike ng Israel sa Lebanon ang dalawang kapatid
01:20at dalawang pamangkin ng suspect.
01:23Nakiramay naman si US President Donald Trump sa Jewish community sa Michigan.
01:28Tinukoy ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang antisemitism o puot at diskriminasyon sa mga hudyo bilang dahilan ng pag
01:36-atake.
01:42Nagkaroon naman ng walang habas na pamamaril sa isang universidad sa Virginia.
01:47Isa ang nasawi habang dalawang army personnel ang sugatan.
01:51Tinawag ng FBI na terorismo ang pamamaril.
01:54Ayon sa isang opisyal ng FBI, dati nang nakulong ang suspect dahil sa pagsuporta sa grupong ISIS bago siya napalaya
02:01noong 2024.
02:02Ayon sa FBI, nasawi kalauna ng suspect sa kamay ng mga estudyante ng Reserve Officer Training Corps na nagtulungang masukol
02:11ang gunman.
02:12Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.

Recommended