Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong March 12, 2026


- DSWD: Pamamahagi ng P5,000 Ayuda para sa PUV drivers, sisimulan sa March 17 | P5,000 fuel subsidy mula sa LTFRB, ibibigay kapag isang buwan nang $80/barrel ang presyo ng krudo sa world market | DOTr: Magkakaroon ng taas-pasahe sa mga PUV


- DOTr, pinag-aaralan ang posibleng pagbawas sa ilang airport fees


- Dept. of Agriculture: Presyo ng bigas, posible ring tumaas dahil sa mega oil price hike


- Airstrikes sa Iran nitong Martes, pinakamatindi, ayon sa ilang taga-roon | Iran, sinabing tatargetin nila ang mga bangko at economic centers sa Middle East na konektado sa Israel at Amerika | 3 barko sa Strait of Hormuz, tinamaan ng mga pampasabog | Dapat tuloy-tuloy ang paghahanda sa epekto ng gulo sa Middle East kahit sinabi ni Trump na malapit na itong matapos, ayon sa ilang eksperto | Repatriation flights para sa mahigit 2,600 OFWs sa Middle East, inihahanda ng DMW at OWWA | Paalala ng DMW sa Pinoy seafarers: Puwedeng tumangging sumakay sa barko kung dadaan ito sa delikadong lugar


- VP Duterte, kinondena ang paggamit sa larawan ng anak para magpakalat ng maling impormasyon


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
 

Category

📺
TV
Transcript
01:00Mamimigay rin ang hiwalay na 5,000 pesos na ayuda ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board kapag gumabot ng
01:08isang buwan ang $80 kada barrel na presyo ng krudo sa world market.
01:12Kailangan ding may certification ng DSWD bago ipamahagi.
01:16Sinabi naman ng Department of Transportation na magkakaroon ng nagdagdag pasahe ngayong napakataas ng presyo ng petrolyo.
01:23Pinaparecompute parao nila sa LTFRB kung magkano ang itataas.
01:31Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagbawa sa airport charges.
01:36Ayon sa Department of Transportation, nakikipag-ugnayin sila sa mga paliparan kung posibleng i-adjust ang ilang bayarin ng mga
01:43pasahero.
01:44Kabilang dyan ang landing at take-off fees na ay pinatutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
01:50Sa ganyang paraan, sabi ng DOTR, ay mababawasan ang airfare costs ng mga BBI sa mga probinsya o abroad, lalo
01:57na ngayong papalapit ang Holy Week.
02:00Dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, pati presyo ng bigas, maaari rin tumaas ayon sa Department of Agriculture.
02:07Gumagamit kasi ng mga traktora, mga magsasaka sa pag-ani ng palay.
02:11Hindi pa tukoy ng DA kung magkano ang itataas ng presyo ng bigas sa ngayon.
02:15Posible rin daw na makaapekto ang Mega Oil Price Hike sa presyo ng ilang gulay, isda at karde.
02:21Maglalabas daw sila ng fuel subsidy sa mga kwalifikadong magsasaka at manging isda sa susunod na dalawang linggo.
02:27May 10 billion pesos din mula sa Presidential Assistance to Farmers, Fisher Folk and Families na nakalaan para sa panahon
02:34ng kalamidad.
02:35Pinag-aaralan ng gamitin ito ngayong mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
02:41Kahit sinabi ni US President Donald Trump na malapit na matapos ang gulo sa Middle East,
02:45sinabi ng ilang eksperto na dapat tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda sa epekto ng gulo noon.
02:50Kabilang sa mga tinamaan ng palitan ng missiles ng Amerika, Israel at Iran ang tatapang barko sa Strait of Hormons
02:57na pangunahing daanan ng supply ng langis.
03:00May unang balita si JP Soriano.
03:05Ilang beses umalinga-ungaw ang warning siren sa Tel Aviv, Central Israel at Jerusalem.
03:11Sa gitna yan ng labindalawang araw ng palitan ng airstrikes ng Amerika, Israel at Iran.
03:18Ayon sa ilang taga-Iran, naranasan nila nitong Martes ang pinakamalalang airstrikes mula ng magsimula ang sigalo.
03:25Sabi rin ang US Defense Secretary,
03:35Sabi ng Iran, tatargetin nila ang mga economic at banking centers sa Middle East na konektado sa Israel at Amerika,
03:43matapos tamaan ang gusaling konektado sa isa sa kanilang mga bangko.
03:47Sa Strait of Hormons, tatlong barko ang tinamaan ng dipamatukoy na mga pampasabog.
03:53Kabilang dito ang isang thigh-flat bulk freighter.
03:56Napalikas ang karamihan ng crew dahil sa sumiklab na sunog na apula na ang apoy.
04:01Mula na magsimula ang sigalot, labing apat na barko na ang nakaranas ng pag-atake.
04:06Nauna nang nagbabala ang Revolutionary Guards ng Iran na hindi sila papayag na makalusot ang langi sa Strait of Hormons
04:13hanggat tuloy ang mga pag-atake ng Amerika at Israel.
04:17Banta ni Trump sa social media kung haharangi ng Iran ang oil delivery.
04:20Ay, dalawampung beses na mas matinding pag-atake ang ikakasa nila.
04:24Kaya kahit sinabi na kamakailan ni Trump na malapit nang matapos ang digmaan,
04:29tingin ng ilang eksperto, hindi patiyak na patapos na ito.
04:32Pero ang mga factors na maaaring magpabilis na matapos yung digmaan,
04:37pero na magkikita rin natin may mga factors na maaaring patagalin ito.
04:41So ang analysis ko dito, let's wait and see kung talaga nga magtatapos ito.
04:46Sa ngayon, hindi raw dapat magpakakampante at huminto sa paghahanda ang gobyerno ng Pilipinas.
04:53I don't think that the Philippine government should be lax.
04:58If we're gonna look at the pattern of how Trump is looking at the world,
05:02we can really see that sometimes he wants to dictate it on his own terms,
05:05but it doesn't always follow na that's the reality.
05:08At habang wala pa talagang katiyakan, kung makakatotoong pahayag ni Trump,
05:13sabi ng mga eksperto dapat ito talagang maghanda ang lahat,
05:15hindi lang sa pagtaasang presyo ng produktong petrolyo,
05:17pati sa pinangangambahang pang matagalang epekto nito sa mga OFWs.
05:23Ayon sa DMW at OWA, may ikinakasan ng repatriation flights para sa mahigit 2,600 OFWs sa gitnang silangan.
05:31Pero i-aanunsyo pa rao sa mga darating na araw kung kailan magsisimula at kung saan manggagaling ang repatriation flights.
05:38Number one priority natin po, honorable chairperson, ay ang safety ng ating mga kababayan.
05:44So kung hindi po agad rin clear yung security or mayroon pa rin pong mga attacks,
05:52hindi po agad-agad masasabi ng itong araw na ito lilipad ang charter.
05:56I-pinaalala rin sa Pinoy seafarers na may karapatan silang tumangging ma-deploy sa mga lugar sa Middle East na
06:03itinuturing na mapanganib.
06:05Umaasa pa rin ang DMW na mahahanap ang Pinoy seafarer na hinahanap ng mga otoridad sa Oman,
06:11matapos atakihin ang sinasakyan nilang tugboat sa Strait of Hormuz.
06:14Tinutulungan ngayon ng gobyerno ang pamilya ng OFW para patuloy nitong matanggap ang sweldo at iba pang binipisyo.
06:21Ito ang unang balita, J.P. Soriano, para sa GMA Integrated News.
06:28Kinuntina ni Vice President Sara Duterte ang paggamit sa litrato ng kanyang anak paraan niya sa fake news.
06:35Base sa social media post ng Office of the Vice President,
06:38may gumagamit ng larawan ng minor de edad na anak ng bise para magpakalat ng maling impormasyon.
06:44Red flag yan sa Rated UB.
06:46Ay sabi siya hindi niya kailanman ginamit ang kanyang anak para sa pansariling interes.
06:52Pinagbabawalan din daw niya mga anak na sumali sa usaping politika.
06:56Panawagan ni Duterte,
06:58huwag gamitin ang kabataan saan niya yung maruming mundo ng politika.
07:03Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
07:08Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
07:15Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended