00:26Let's get started.
00:36Let's get started.
01:00Lahat na raw ng diskarte ng pagtitipid, ginawa na nila pero kapos pa rin ang kinikita.
01:04Ang ilan huminto na muna sa pahamasada dahil sa taas ng presyo ng diesel.
01:08Umahanap na muna sila ng iba mapagkakakitaan.
01:13Dati ang normal na kinikita po namin sa maghapon, kung hindi 800, 700, makikauwi na kami.
01:23Pero ngayon masaya na po kami kung may 200. 140, 130. Hindi na po makakasya sa pamilya.
01:30Bali, ang krudo ko kahapon, 2,145.
01:36Nagpapasalamat ako sa ating gobyano kahit pa paano may tulong sa atin.
01:41Pero kung tutuusin naman po, talaga naman po ang kulang yan.
01:50Susan, sa mga oras na ito, ongoing yung validation na ginagawa dun sa mga requirements na daladala nito mga jeepney
01:56drivers.
01:56Gaya na lamang noong mga nauna natin na i-report dito ng mga TNVS at mga tricycle driver.
02:01Ang requirement lamang ay yung driver's license at photocopy niyan.
02:04At binavalidate po yan ulit dito ng mga taga-taon ng mga TTMD.
02:09Yun nga lang kanina nakita natin may mga nagkakaroonan ng problema at nire-refer sila dun sa helpdesk.
02:14Ilang metro lamang po yung layo dito.
02:16Karanuyuan dun sa mga problema na nakikita natin dito ay wala sila sa listahan na mabibigyan ng ayuda.
02:22O di kaya naman po iba yung spelling ng pangalan at mali yung birthdate.
02:27Pero inaantabihanan yung pagdating ng mga taga-LTFRB at DSWD para matugunan din yung hinaiing ng mga driver na yan.
02:35At alas 7 ng umaga inaasahan na mabibigyan at magsisimula yung pamamahagi ng 5,000 piso ayuda.
02:43Doon naman po yung payout area.
02:45Ilang metro lamang din yung layo mula dito sa validation area.
02:48Yun mo na po yung latest mula po rito sa Quezon City.
02:49Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:54Isang milyong lito ng langis ang inaasahan darating sa bansa ngayon taon para makatulong sa problema sa supply nito ayon
03:00sa Department of Energy.
03:02Nagsimula na rin mamahagi ng fuel subsidy at Department of Transportation sa mga PUV driver at operator.
03:08Hiwalay pa yan sa ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development.
03:12May unang balita si Joseph Moro.
03:17Halos 30 operator ng bus ang nakatanggap ng fuel subsidy sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PTEX.
03:2410,000 piso kada unit ng ayuda na ipinamahagi sa pangungunan ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:29Hindi lamang dito sa Metro Manila pero all over the country na ito.
03:33Malaking tulong po ito sa pang-araw-araw po namin na operasyon.
03:37Pambili ng krudo, mga spare parts, pangsahod ng mga tao at iba pa.
03:43Ayon sa Department of Transportation, mahigit 21,000 unit ang saklaw ng fuel subsidy sa gitna ng walang prenong oil
03:51price hike.
03:52May hiwalay na 5,000 piso ang ayuda para sa mga chuper.
03:56Ganyan din ang ayuda para sa mga P2P operator at driver.
04:00Mas mababa naman ang ayuda para sa mga operator ng minibus at school service.
04:052,000 piso naman kada unit ang ayuda para sa mga taxi operator.
04:095,000 piso para sa mga driver.
04:11Sa mga tradisyonal na jeep, may ayudang 5,000 piso kada unit ang mga operator.
04:161,500 piso naman para sa mga chuper.
04:2010,000 piso naman para sa mga operator ng modern jeepney at 1,500 piso din sa driver.
04:26May matatanggap ding fuel subsidy ang mga operator at driver ng TNVS at UV Express.
04:32Pagkatapos naman ng Holy Week, mabibigyan ang mga driver ng tricycle at delivery service.
04:37Hiwalay pa ito sa mga ayudang natanggap na ng ilang sektor mula sa DSWD.
04:42Ipadadaan sa fuel cards, bank transfer, e-wallet o di kaya cash o cheque ang ayudang pinunduhan ng 2.5
04:48billion pesos para sa mahigit 200,000 driver beneficiary.
04:53Hindi naman kasama sa mga bibigyan ang mga konduktor na posibleng ipakausap na lamang sa DSWD.
04:58Yung mga konduktor, syempre masasabi din po natin na sila'y individuals in crisis situation.
05:06Maglalambing po tayo kay Secretary Rex. Kunti lang naman to yata, sir.
05:10Of course, pag in-endorse nila and they are in crisis, agad-agad natutulong ang Departamento.
05:17Inanunsyo rin ang DOTR ang PIS on Terminal Fee sa mga Roro para sa mga sakyan na nagkakarga ng produktong
05:23pangagrikultura
05:24gaya ng bigas, mais, prutas, gulay, isda at karne.
05:27Sa ngayon, umaabot yan ng hanggang 516 pesos depende sa sasakyan.
05:32Epektibo ang PIS on Terminal Fee simula April 15 at atagal ng 6 na buwan.
05:38Babawasan din ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang kanilang passenger service charge
05:43at airline aeronautical fees sa mga paliparan sa buong bansa simula April 1.
05:48For example, kung ang ticket po ninyo ay 2,000, but because of the reduction of the terminal fee,
05:55makakaasa po kayo na ang ticket nyo ay papalo na lang ng 1A.
05:59Sa gitna yan ang panibagong round ng mega oil price hike ngayong linggo.
06:03Batay sa datos ng Department of Energy, dumobile na ang presyo ng diesel ngayon
06:08kumpara naman magsimula ang taon.
06:10Ayon sa Department of Energy, paparating ngayong linggo ang dagdag na 1,000,000 litro ng langis.
06:14400,000 na litro galing sa isang bansa sa Southeast Asia at 600,000 litres galing sa labas ng Southeast
06:21Asia.
06:22Nagdag ito sa kasalukuyang supply na pang-45 araw.
06:25At patuloy raw ang pakipag-ugnayan ng Pilipinas sa South Korea, India, Japan at maging sa China
06:31para tuloy-tuloy ang supply ng langis.
06:33We have been assured these countries on the consistency of their supply.
06:37That is given that the situation is, we have to understand also their situation.
06:43But so far, how it is today, they've assured us on the deliveries of our orders.
06:51Kung gaano tatagal ang supply nakadepende sa lakas ng konsumo ng publiko.
06:55Worst case scenario, eventually baka magka-problema rin tayo sa supply at kailangan ng mag-rationing.
07:01Kasi ang sinabi ng Department of Energy, ang supply natin ng langis is just between 45 to 60 days.
07:071973, oil crisis, nag-oil rationing ho ang Pilipinas.
07:11Kaya naman ang presidente ay bumuo ng Oil Crisis Committee na kailangan na talagang i-convene.
07:17Ang iniiwasan ng Department of Energy at ng gobyerno ay ma-zero ang supply natin ng langis sa kalagitnaan ng
07:23Mayo.
07:24Bagay na hindi naman daw nila inaasahang mangyayari.
07:27Nakikipag-usap na rin ang DOE at Department of Federal Industry o DTI kung sakaling lumala pa ang tensyon para
07:33malaman na kung sino ang bibigyang prioridad kung sakasakali.
07:37Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
07:43Ipinadala na sa Office of the President ang panukalang magbibigay ng emergency powers sa Pangulo para suspindihin o bawasan ang
07:50excise tax sa langis.
07:51Sa ilalim ng Oil Excise Tax Suspension Bill, pwedeng gamitin ng Pangulo ang emergency powers kapag isang buwan ng $80
07:57o mahigit ang kada barrel ng Dubai Crude Oil.
08:00Now na rin ang sinabi ng Department of Economy Planning and Development o Dep-Dev na hanggang 6 pesos kada
08:08litro ang mababawa sa presyo ng diesel kapag sinuspindi ang fuel excise tax.
08:13Hanggang 10 pesos kada litro naman sa gasolina.
08:16Bago pa magamit ang emergency powers sa oil excise tax, nagdeklara na ng state of energy emergency ang Pangulo dahil
08:23sa problema sa supply sa langis, bunsod ng gyera sa Middle East.
08:29Exempted na sa truck ban at number coding sa Metro Manila ang mga fuel at cargo truck na may kargang
08:34essential goods simula kahapon.
08:36Inaprubahan niya ng Metro Manila Development Authority at ng mga mayor ng Metro Manila.
08:41Ayon kay MMDA Chairman Attorney Romando Artes, tugon nila ito sa hiling ng Department of Energy at Department of Trade
08:48and Industry.
08:49Kailangan daw kasi nito sa pagpapabilis ng pag-transport ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing produkto.
08:56Nakikipagunayan pa ang MMDA sa DTI para tukuyin kung ano-ano ang may tuturing na essential goods.
Comments