Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong March 2, 2026

- DFA: Halos 2.5 milyong Pilipino sa Middle East, naiipit sa giyera ng Iran at U.S.-Israel | PBBM, tiniyak na nakabantay ang pamahalaan sa sitwasyon sa Middle East; VP Duterte, pinag-iingat ang mga Pilipino roon | DMW, may nakahandang public shelters para sa mga Pilipino sa Middle East; tinutulungan ang mga apektado ng kanseladong flights | Nasa 400 OFW sa NAIA Terminals 1 at 3, apektado ng kanseladong flights sa Middle East
- Commonwealth Market, iinspeksiyunin ng DA at DTI kung sumusunod sa maximum SRP sa baboy, sibuyas, at carrots

- 2nd impeachment complaint vs. VP Sara Duterte, babawiin ng mga naghain nito; susuportahan ang 3rd impeachment complaint

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:30Mga kapuso, kung kayo po ay nasa Middle East o kaya naman ay may kaanak sa Middle East na nangangailangan
00:36ng tulong, may emergency hotline numbers at iba pang contact information, ang Overseas Workers' Welfare Administration na pwede ninyong tawagan.
00:45Meron din pong mga numero na specific sa mga apektadong lugar gaya sa Bahrain.
00:52Iran, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon,
01:16Oman, Qatar, Saudi Arabia,
01:27at United Arab Emirates.
01:34Natatakot ang maraming Pilipinong nasa Middle East sa gitna ng gyera ng Iran laban sa Amerika at Israel.
01:40Kabilang ang isang Pinoy sa mga nasawi sa palitan ng missile attacks.
01:44Tinayak naman ang ating pamalaan na minomonitor nila ang gulo sa Middle East at handang tulungan ang mga Pilipino roon.
01:50May ang unang balita si Darling Kai.
02:00Gulat sa pagsabog ang OFW na ito sa Qatar.
02:03Isa sa pitong bansa sa Middle East na pinuntiryan ng Iran dahil may mga US military base.
02:08Ganti nila ito sa pag-atake sa kanila ng Amerika at Israel.
02:12Sa Alwakra Municipality, natamaan ang missile ng mga sasakyan sa isang residential area.
02:17Walang namatay. Ayon sa isang Filipino worker doon,
02:20panay ang tunog ng National Emergency Alert sa kanilang mga cellphone.
02:24Mga siguro anim or walang.
02:27Oh my God.
02:29Oh my God.
02:33Ayan na naman.
02:34So it's not guys.
02:35Yung daughter ko sabi niya, talaga natakot siya.
02:38Yung panganay ko.
02:39Parang, what is that mama?
02:42So we're trying to explain.
02:44Nag-hawakaw kami ng tabay and we pray.
02:46Patuloy silang nakatatanggap ng mga anunsyo mula sa pamahalaan ng Qatar at Embahada ng Pilipinas.
02:52Sobrang lapit namin.
02:58Takot din ang nanaig sa OFW na si Edna Rio Castillo
03:01nang umabot ng pag-atake ng Iran sa Manama, kamisera ng Bahrain.
03:05Oh my God.
03:08Nabapasabi ko sila.
03:10Ayan.
03:11Oh my God.
03:12Kita niyo yan.
03:13Nakita niyo yun, guys.
03:16Ayan.
03:17Nagbibiparin yung mga ibon.
03:19Uwi pa ako, Lord.
03:21Uwi pa ako.
03:23Uwi niyo pa ako.
03:25Hanggang sa makapanayam siya ng GMA Integrated News, hindi pa rin daw tumitigil ang mga pagsabog.
03:30Halos, talapit lang talaga namin yung location ng Pilipasabog.
03:35Sobrang kabado talaga.
03:37Until outside, di pa rin namin, di pa rin ako makulit over talaga sa sobrang takot at asap nao.
03:43Nasa mabuting talaga tayo naman po.
03:45Sana po sila mag-alala.
03:47And pray lang po sa lahat ng mga kababayan ng Tinko World Tomanin.
04:00Ang OFW na si Randy, 30 minuto lang ang layo ng tinitirhan mula sa US Military Base sa Jouffier District
04:06na pinuntirya rin ng missile attack.
04:09Habang kausap siya ng GMA Integrated News, tila may narinig pa raw siyang pagsabog.
04:13Dapat daw malayo sa bintana.
04:20May, bakit? May ano? Wala naman.
04:23Mayroon po akong narinig ulit.
04:25Pinag-evacuate na raw ang ilan sa makatrabaho niyang Pilipino habang naghihintay ng abiso mula sa gobyerno kung kailangang lumikas.
04:33Sa isang video message, siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na patuloy ang pag-monitor ng mga kauni ng Embahada at
04:39Labor Attaché sa mga lugar kung saan may kaguluhan.
04:41Sa ngayon ay patuloy ang aming pag-monitor para tiyakin na nasa magandang kalagayan ang ating mga kababayan sa Middle
04:51East.
04:52Dagdag ng Pangulo, patuloy niyang binabantayan ng sitwasyon at magbibigay siya ng karagdagang impormasyon na darating sa kanya.
04:59Pinag-iingat din ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipinong naninirahan o naglalakbay pa Middle East.
05:04Siguraduhin valid at hawak ang inyong mga dokumento at pasaporte.
05:10Kung lalo pang lumala ang sitwasyon sa siguridad, maging handa na baguhin ang inyong mga plano anumang oras kung kinakailangan.
05:19Sa datos ng DFA Department of Foreign Affairs, may mahigit 2,400,000 Pilipino sa iba't ibang bansa sa Middle
05:26East.
05:27Ayon sa DFA, inabisuhan na nilang ating mga embahada sa rehyon na ipaalam sa mga Pilipino ang emergency hotlines na
05:33maaari nilang i-contact.
05:35Sabi ni Migrant Workers Secretary Hans Kakdak, nakahanda ang contingency plans ng pamahalaan.
05:40Nakatutok din sila sa pagtugon sa anumang pangangailangan ng mga OFW at kanilang mga kaanak.
05:45Meron nga yung in-country evacuation or potential assistance na maibibigay natin.
05:53Merong public shelters, host country, government-run shelters, at meron din sariling counterpart shelters ang Philippine side.
06:03So may kasapat naman na abiso kung saan ito.
06:06Tinutulungan din daw ng DMW ang mga apektado ng flight cancellations gaya ng pagbibigay ng pansamantalang tutuluyan, transportasyon at flight
06:14rebooking.
06:14Ayon sa ating Department of National Defense at AFP, walang direktang banta sa seguridad ng Pilipinas ang nangyayari sa Middle
06:21East.
06:22Dahil sa tensyon, nasa apat na raang OFW sa Naia Terminals 1 at 3 ang apektado ng mga kanseladong flights
06:28papunta sa iba't ibang bansa sa Middle East, ayon sa OWA.
06:32Stranded sa Terminal 3 si Aileen, domestic helper sa Barina, pabalik na sana galing bukid nun.
06:37Nung nag-vacation ako, one month ako nag-vacation, namatay yung nanay ko, tapos hindi pa natapos yung 40 days,
06:46mabalik sana ako ng Barin. Ito na naman nangyayari.
06:50Inaalala niya ang kalagayan ng anak na nasa Barin.
06:53Sa OFW lounge, meron silang pwesto dito, hindi sila pakalat-kalat sa airport. Kahit na yung iba, halos isang araw
07:02na dito sa pag-aantay ng anunsyo tungkol sa kanilang mga flights.
07:06May pagkain tayo dito, inumin, merong wifi, meron silang pepwestohan, matulugan.
07:13Ito ang unang balita, Darlene Kai, para sa GMA Integrated News.
07:23Patuloy ang pagbabantay ng Department of Agriculture, Ketuwang, ang ilan pang ahensya ng gobyerno kung nasusunod ba ang itinakdang maximum
07:31suggested retail price sa ilang bilihin.
07:34Live mula sa Quezon City, may unang balita si Bam Alegre. Bam.
07:42Susanne, good morning. Sasagawa ngayon ng monitoring dito sa Commonwealth Market sa Quezon City, ang Department of Agriculture, katawang ang
07:48Department of Trade and Industry, pati na rin ang PNP, pati ang GOCC na FTI.
07:57Bahagi ito ng special price and supply monitoring sa mga pamilihan.
08:00Ang target bantayan ngayong umaga ay kung maayos ang implementasyon ng MSRP o Maximum Suggested Retail Price sa bigas, imported
08:08pork, imported na sibuyas, pati carrots.
08:11Ang MSRP ng imported pork belly nasa P370 pesos kada kilo.
08:16P330 pesos naman kada kilo para sa kasim at pigi.
08:20Sa imported na pulang sibuyas, P150 pesos kada kilo.
08:24At P120 pesos sa kada kilo naman ng puting sibuyas.
08:28Ang imported na carrots naman, P120 pesos kada kilo.
08:33Sa mga oras na yan, ongoing yung pag-iikot. Ang una nilang sinilip dito yung mga karne.
08:39At alinsunod dun sa MSRP, mas mababa pa nga actually yung benta rito sa Commonwealth Market.
08:45At susunod nilang pupuntahan naman yung area doon sa may mga sibuyas at bigas.
08:49Ito ang unang balita mula rin sa Commonwealth Market sa Quezon City.
08:52Bam Alegre para si GMA Integrated News.
08:56Babawiin ngayong araw, ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
09:01ng mga grupong naghahain nito.
09:03Ayon sa isa sa mga complainant na tindig Pilipinas,
09:06susuportahan na lang nila ang ikatlong impeachment complaint
09:09dahil pareho lang anila ang mga batayan at ebidensya ang inilatag nila.
09:14Sa ganyang paraan, mapapabilis daw ang impeachment proceedings
09:17at lalakas ang chance ang umabot ang reklamo sa Senate Impeachment Court.
09:21suportado ng endorser ng second impeachment complaint na si Rep. Persis and Danya Angakbang.
09:27Ayon kay Bicolzaro Partilist Rep. Terry Redon,
09:30inaasahan nila ang formal na pagbawi ng mga grupo sa impeachment complaint
09:34kapag nagpulong na ang House Justice Committee ngayong araw.
09:38Dati ng sinabi ng kampo ng vice na sasagutin nila sa tamang panahon ng impeachment complaints
09:43alinsunod sa konstitusyon.
Comments

Recommended