00:00Inalala ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaanak ng mga biktima ng drug war
00:06ang pag-aresto sa dating Pangulo sakto isang taon ngayong araw.
00:11Sa isang misa na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte sa Davao City,
00:16ipinagdasal nila ang ligtas na pagpapa-uwi kay Duterte.
00:19Sabi ng Bise, hindi sila titigil para hilingin sa ICC ang pansamantalang paglaya ng ama.
00:25May mga nagtipon din sa tapat ng Korte Suprema para ipanawagang aksyonan ang KBS Corpus Petition ng mga anak ni
00:34Duterte.
00:35Ang mga kaanak naman ng mga biktima ng madugong drug war nagpasalamat sa pag-usad ng kaso sa International Criminal
00:42Court.
00:43May mga nagsagawa naman ng kilos protesta para ipanawagan ang confirmation of charges ni Duterte.
Comments