00:00Isang OFW nurse sa Saudi Arabia ay kinwento ang kanilang paghahanda sa gitna ng sigalot sa gitnang silangan.
00:07Kapilang dito ang pagkakaroon ng sapat na essential goods at go bag sa oras ng emergency,
00:14si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:21Binigyang din ng isang Pilipinong nurse sa Saudi Arabia ang kahalagahan ng paghahanda sa anumang emergency,
00:27lalong-lalo na sa gitna ng tensyon sa gitnang silangan.
00:31Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service,
00:34ibinahagi ng NARS na si Arlene Navarro sa kanyang social media ang kanyang go bags
00:39na magagamit hindi lamang sa oras ng gyera kung hindi maging sa iba pang emergency tulad ng mga kalamidad.
00:46It's part of the emergency response na magkaroon ang bawat OFW use ng go bag,
00:53kumpleto, especially yung kanilang mga dokumento na mahalaga ay kailangan nakatago na para isang bit-bit na lang yun
01:01pagdadalhin nila at kukuhanin na lang agad.
01:04Andun yung mga basic necessities na kailangan.
01:08Dagdag pa ni Navarro, bahagi na rin ang emergency measures ng mga OFW sa Saudi Arabia
01:14ang pamimili ng kanilang stocks in advance dahil inaasahan na rin na tataas ang mga bilihin dahil sa sigalot sa
01:21Middle East.
01:22Hindi naman nag-panic buying pero namili na sila, nag-groceries na sila ng mga basic necessities like water, rice.
01:32Kasi let's face it, hindi natin alam, baka biglang tumaas ang presyo nito.
01:38So meron na rin mga OFWs especially kasama yung family and mga anak nila
01:44na talagang at least nagkaroon na ng stocks ng kanilang basic necessities.
01:51Sa ngayon, nananatiling tahimik sa damam sa Saudi Arabia kung saan nakabase si Navarro.
01:56Kaya naman, ang ating mga kababayan doon tuloy-tuloy lamang ang pagtatrabaho.
02:01Wala namang patid ang pagbibigay ng impormasyon ng ating embahada sa Riyad
02:06sa pumagitan ng WhatsApp channel nito kung saan nasa 50,000 ng mga OFW ang nakasubscribe.
02:13Bukod sa ating embahada, ay nakatatanggap din ng direktang mensahe ang mga OFW mula sa Saudi government
02:20patungkol sa pinakahuling mga update kaugnay ng nangyayaring sigalot sa gitnang silangan.
02:26Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Público.
Comments