00:00May lulunsad ang kauna-unahang Vermosa Victory Games sa March 21-22
00:05sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imoscavite,
00:08bilang bahagi ng layunin na mas mapaunlad ang grassroots sports sa bansa.
00:13Ang dalawang araw na kompetisyon na pinangunahan ng exemplar sports
00:18sa pamumuno ng founder at CEO na si Robbie Devera
00:21ay magtatampok ng mga age group events sa swimming, football at cheerleading.
00:26Gaganapin ang mga paligsahan sa malawak na walong hektaryang sports complex
00:31na mayroong nine-lane track oval, aquatic center at football field.
00:36Bukas ang torneo sa mga school base at sports clubs
00:39kung saan maaaring sumali ang mga batang atleta na may edad na lima hanggang anim na taong gulang.
00:45Bukod sa mga trophy at medalya,
00:48magkakaroon din ng karangalan ang mga magiging kauna-unahang kampiyon ng Vermosa Victory Games.
00:53Patuloy pa rin bukas ang registration para sa torneo na inaasahang aabot
00:58sa humigit kumulang isang libong partisipante sa tatlong sporting events.
01:03Sa cheerleading competition naman,
01:05sinabi ng tournament director na si Javier Barron
01:08na limang kupunan lamang ang tatanggapin sa bawat kategorya.
Comments