Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Maging ang singil sa kuryente, kasama na rin siyempre sa mga posibleng madamay sa gulo sa Middle East.
00:05Kaya kausapin na po natin si Energy Regulatory Commission Chairman Attorney Francis Saturnino Juan.
00:11Magandang tanghali at welcome po sa Balitanghali, sir.
00:14Magandang tanghali, Connie.
00:16Mga kailan ho kaya natin malalaman kung sakaling may taasingil nga ho na ang mga electric cooperatives sa buong bansa?
00:24At siyempre, magkano ho ang ating paghahandaan kung sakasakali?
00:27Yung pagtataas ay inaasahan na natin dahil kahit paman walang krisis sa Middle East,
00:35sa tuwing magkakaroon naman ng pag-init ang panahon,
00:38ay tumataas talaga ang singil sa kuryente dahil mas tumataas ang demand.
00:44So sa pakasusunod na buwan, bukod dito sa inanunsyo ng Meralcon na pagtataas niya ng 64 centavos,
00:52na ito ay dahilan sa pagtaas naman noong kanyang kinukuhang or kinontratang supply noong nakaraang buwan pa.
01:02So para sa susunod na buwan, inaasahan na natin dito yung full impact noong nakikita natin pagtataas
01:09sa singil sa presyo ng langis, coal at natural gas, na nakadepende yung malaking bahagi noong ating supply.
01:19So bandang Abril o Mayo ho talaga natin mararamdaman?
01:22Oo, starting April at May, mararamdaman na natin asbunsod sa pagtaas ng presyo sa pamilihang pandigdig ng panggatong
01:36at yun na rin dahil sa pagtaas ng demand.
01:39So magkakasabay siya, so talagang inaasahan natin na magiging matmalaki ang pagsipa ng presyo sa kuryente.
01:49Oo, sabi ho kasi kanina, 13.81 pesos per kilowatt hour po ang singil sa Merarko.
01:56Maari ho itong tumaas pa? Ano ho ang inyong tansya?
02:00Oo, yung sinasabi ng iba na maari nga abot ng 15 pesos per kilowatt hour, hindi malayo na mangyari yan.
02:08Baka nga mas mataas dun sa iba pang mga utilities na malaki ang kanilang pinagkukunang supply
02:17na maa-afektuhan noong pagtaas sa panggatong.
02:21Especially sa mga electric cooperatives po sa mga probinsya dahil ngayon pa lamang daw,
02:26doble na ba ang singil sa kuryente?
02:30Oo, medyo may kataasan din yung sa ibang mga electric cooperatives natin
02:35dahil yung kanilang nakokontrata ay mas mataas kaysa doon sa ibang mga malalaking utility tulad ng Merarko.
02:44Kasi nga sila ay maliliit lang, kaya't kung sila ay naghahanap ng supplier,
02:50ay medyo may nag-o-offer sa kanila, pero hindi ganun kababa
02:56kumpara doon sa nagsisipag-offer sa mga malalaking utility.
03:00Okay, may hakbang na ho ba ang ERC para matiyak siyempre na hindi naman masasamantala po
03:06ng iba pong mga electric cooperatives kaya at dito po sa Merarko yung taas singil?
03:14Ang ating ginagawa ay imonitor talaga yung galawan sa merkado sa ating wholesale electricity spot market
03:21kung mararating naman yung presyo na sinet natin upang sumipa yung price cap
03:29o yung secondary price cap ay mamimitigate somehow yung pagtaas ng presyuhan dito.
03:36Kung magkakaroon naman through ng additional fuel cost or adjustment
03:43yung mga nagsusupply sa mga utilities under bilateral supply contracts,
03:49tinitingnan natin kung ito nga ay makatwiran at naaayon doon sa kontratang pinasok nila.
03:55Pagdating naman doon sa mga ibang utilities na nakikita natin na mataas ang kanilang exposure sa WESEM
04:07at kung magiging mataas ang presyuhan sa WESEM
04:11at meron namang mga pending na power supply agreements itong mga utilities na ito sa ERC
04:18ay a-actionan kagad ng ERC itong mga aplikasyon na ito
04:21para magamit nila kaagad yung mga kontratang napasok na nila.
04:25Pero ngayon po ay wala na talagang magagawa kung hindi tanggapin ng taong bayan.
04:33Siyempre na talaga hong magkakaroon ng taas presyo sa kuryente.
04:36At kung sakasakali ho, may magagawa ba ang ERC kung sakali na utay-utayin na lang kaya muna yung singil?
04:43Oo. Maaari naman na mag-interview ng ERC nang sa ganon,
04:48kung talagang magiging napakalaki ng adjustment na ipatutupad,
04:54ay gagawa natin ng paraan sa ganon ay makapag-implementa ng pag-uutay-utay
05:01or staggering na recovery ang ating mga utilities.
05:06Siyempre, kailangan din naman natin na isalang-alang yung sitwasyon ng mga generators
05:11o yung mga nag-supplier kasi yung mga nag-supplier kasi kakailangan din naman
05:16na magbayad sila doon sa kanilang pinagkuna ng panggatong at iba pang gastusin.
05:21Alright. Maraming pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Hali, sir. Thank you.
05:26Maraming salamat.
05:27Yan po naman si Energy Regulatory Commission Chairman,
05:30Atty. Francis Saturnino Juan.
Comments

Recommended