Skip to playerSkip to main content
Ikinababahala ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero ang pananatili ng mga akusadong pulis sa kustodiya ng PNP.


Pagtitiyak naman ng PNP-CIDG, hindi binibigyan ng special treatment ang mga ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinababahala ng mga kaanak na mga nawawalang sabongero ang pananatili ng mga akusadong pulis sa kustodiyan ng PNP.
00:08Pagtitiyak naman ang PNP-CIDG. Hindi binibigyan ng special treatment ang mga ito.
00:15Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:20Bukod sa patuloy na pagtatago ng negosyanteng si Charlie Atong Ang,
00:25may ilang bagay na kinababahala ang mga kaanak ng mising sabongeros na ipinarating nila sa Department of Justice o DOJ.
00:33Kasama ang state witness na si Julie Dondon Patidongan,
00:37nakipagpulong ang mga kaanak ng mising sabongeros sa prosecutors ng kaso
00:41para raw ipaalam ang kanilang pagkabahala sa patuloy na pananatili ng mga pulis sa custody ng PNP
00:48imbis na nakakulong sa regular na piitan.
00:51Si Ang at iba pang akusado ay naharap sa 26 counts ng kasong kidnapping with homicide
00:56at kidnapping with serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero.
01:01Magkakaroon po ng special treatment, dapat sila malipat sa regular.
01:08Nananawagan po kami kay Sir Nartates and Morico na sana pagbiyan po nila yung hinihiling po namin.
01:16Huwag po nilang ibigay lahat ng simpatsya para po sa mga pulis na alam po naman natin na merong kinalaman
01:26sa kaso namin.
01:27Ayon sa PNP, 14 na pulis ang nakakulong sa PNP Custodial Center habang naghihintay ng commitment order para sa kanila.
01:35Pero hiniling daw ng abogado ng mga akusado sa korte na manatili sila sa PNP custody
01:41din sa umunay banta sa kanilang buhay.
01:43Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,
01:48partially approved ng korte ang mosyo ng mga akusado habang hindi pa ito isinasalang sa hearing.
01:55Ginarantyahan din ang PNP CIDG na hindi sila binibigyan ng special treatment sa kulungan.
02:01Hiniling naman ang mga kaanak ng nawawalang mga sabongero sa DOJ na i-consolidate ang mga kaso kaugnay dito.
02:08Sa ngayon kasi, dinidinig ang mga ito sa iba't ibang korte sa Lipa City, Batangas at sa Santa Cruz at
02:14San Pablo sa Laguna.
02:16Hirap din daw ang ilang sa kanila sa pamasahe para mapuntahan ang mga hearing.
02:20Kasi, syempre, sa totoo lang, ang hirap po ng pinagdadaanan ng complainant.
02:27Mahirap na, pinahihirapan pa. Biktima na, pinahihirapan pa.
02:31Bukod dyan, kumuha na rin daw sila ng private lawyer para makatulong sa prosecutors ng DOJ.
02:37Nagambag-ambag kami para sa private prosecutor para at least makamonitor po lalo,
02:44makatulong sa case namin na mabigyan kami ng linaw, ng mga updates.
02:49Wala pang reaksyon sa ngayon ng DOJ kaugnay sa mga idinulog na issue ng mga kaanak ng mising sa bongeros.
02:55Pinaghanap pa rin ng mga otoridad si Ang at may alok na 20 million pesos na reward sa sino mang
03:01makapagtuturo sa kanya.
03:03Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended