00:00Sinimula na ng mga agensya ng gobyerno ang pagpapatupad ng 4-Day Work Week,
00:05alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:07Nag-abiso sa publiko tungkol diyan ng Metro Manila Development Authority o MMDA,
00:12pati ang Department of Social Welfare and Development,
00:14na sinigurong hindi raw maantala ang kanilang mga programa at servisyo.
00:18Nananatiling fully operational din ang ilang servisyo ng PhilHealth, ang GSIS.
00:23Sinigurong bukas ang kanilang service counters kabilang ang Lobby at Pensioner's Lounge
00:28mula po lunes hanggang biyernes sa pamamagitan ng adjusted frontline shifts.
00:33Patuloy din ang operasyon sa SSS branches sa pamamagitan din ng shifting work schedule.
00:38Susunod din daw ang Department of Justice sa utos ng Pangulo,
00:41pero babalansigin daw nila ito para hindi maapektuhan ang akses sa ustisya ng publiko.
00:47Nagpatupad na rin ang 4-Day Work Week, ang ilang lokal na pamahalaan,
00:51at patuloy din ang essential services.
Comments