Skip to playerSkip to main content
Naglalaro na sa P90 o higit pa ang presyo kada litro ng diesel sa ilang lugar sa bansa.


Sa Baguio City, kung saan halos P90 ang diesel, ay dati nang mas mahal ang langis kumpara sa mabababang lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naglalaro na sa Siyamnapung Piso o higit pa ang presyo kada litro ng diesel sa ilang lugar sa bansa.
00:07Sa Baguio City, kung saan halos 90 pesos ang diesel, e dati ng mas mahalang langis kumpara sa mabababang lugar.
00:14At mula roon, nakatutok live si Ian.
00:18Ian.
00:21Vicky, kung namahala na nga ang marami sa mega oil price hike gaya dyan sa Metro Manila,
00:25ito sa Baguio City, bago pa yan ay mas mataas na talaga na hanggang Sampung Piso ang mga presyo ng
00:31produktong petrolyo.
00:37Biyaya sa Baguio City, ang lokasyon itong kulang 5,000 feet above sea level na dahilan ng maginaw nitong klima
00:44at magagandang tanawin.
00:45Pero ang layo rin ito na dapat lakbayin ang mga produkto, ang dahilan kung bakit mas mahal ng hanggang Sampung
00:52Piso ang litro ng langis dito kumpara sa mabababang lugar.
00:56Ang diesel halimbawa, halos 90 pesos na ang presyo kada litro rito sa Baguio kumpara sa hanggang 77 pesos lang
01:04sa Metro Manila.
01:05Ang sinasabi nila sa akin, because of the logistics, logistics cost, ang sinasabi nila, mayor hindi namin kasalanan.
01:16Sa kwan yan, sa mga major players.
01:18Kabilang sa pinakamalapit nilang source, ang oil depot ng Poro Point sa La Union na nasa kapatagan at halos 60
01:26kilometro ang layo sa Baguio.
01:28Sa delivery po kasi, medyo mas malayo po dito, tapos paangas po, paangat po kasi yung delivery kaya medyo mas
01:34mahal po.
01:34Unlike po sa baba po na mas malapit po yung talagang pinagpukunan po namin ng fuel.
01:40Kanina'y inikot ng mautoridad sa lungsod ang labing walong gasolinahan doon para tiyaking nasusunod ang guidelines ng Energy Department.
01:48Different gas stations have their own price increases per day po kasi.
01:53At sinisigurado lang po natin na walang gasolin station that goes beyond that.
02:00Pero ang isang gas station malapit sa Baguio General Hospital, sarado kaninang umaga dahil kahapon pa ng umaga naubusan ng
02:07diesel at kagabi naubusan gasolina.
02:10Imbes na sa miyerkoles gaya ng tansya nila.
02:13Parang nagkaroon ng onting panic buying yung mga customers natin na dumating ng Friday, Saturday, Sunday.
02:19Ganito rin sa iba pang gasolinahan ay sa ilan kong nakausap.
02:22Wala na po rin po sa kabilang *** kaya pumunta po ako dito pero wala pa rin po. Out of
02:28stock daw po.
02:29Galing ako sa make one *** wala rin doon ako. Tapos dito wala rin.
02:34Tulad ng Baguio, mas mahal din ang presyuhan sa iba pang malalayong isla at lugar sa bansa.
02:40Sa Batanes halimbawa, nasa 95 pesos na ang kada litro ng diesel.
02:45Ang pinakamalapit na oil depot sa kanila nasa Ilocos region pa.
02:49Sa isa na ng katanwanes, nasa 88 pesos kada litro na ang diesel.
02:55Habang sa Masbati Island, hanggang 92 pesos ito kada litro.
03:05Vicky, bukod nga sa presyo ng produktong petrolo, pinamonitor din dito sa Baguio City ang basic goods para matiyak na
03:12walang nagsasamantala ngayong tumataas ang presyo ng langis.
03:15Balik sa'yo, Vicky.
03:17Iyan, sabi mo nga sa report mo, sa mga lugar tulad ng Baguio na mas mahal na nga yung presyo
03:22ng gasolina at diesel,
03:24mas malakas ang dagok ng mga big time oil price hike tulad ngayon.
03:28May balak bang gawin ukol dito yung gobyerno para ikangay maging patas naman yung laban?
03:33Sana naman may gawin yung mga lokal na opisyal para nga maibsan yung dagok nito sa kanilang nasasakupan.
03:42Vicky, talagang yung logistics, yung pagbabiyahe mula dun sa Kapatagan, papanik dito sa Baguio,
03:47at yung pagluluwas dun naman sa mga isla, gaya sa mga Batanes at sa Masbate,
03:52yung talaga ang nagpapatasang presyo.
03:54Pero napakahabang proseso, syempre, kung gagawa sila ng mas malapit na dipo.
03:58Ang sinasabi ni Mayor Magalong, ang dapat daw ay kausapin ang DOE at yung mga major players
04:03para magkaroon talaga ng official document na mag-stipulate kung ano ba talaga yung nararapat na presyo.
04:09Dahil sabi ni Mayor Magalong, dalawang beses na nga raw nilang naibaba yung presyo,
04:12pero pag walang nagbabantay at hindi na po-follow up,
04:15ay talagang unti-unting bumabalik dun sa presyong yun.
04:18Kaya dapat daw ngayon ay magkaroon na talaga ng official document ukol dito, Vicky.
04:23Alright, maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
Comments

Recommended