Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
SBD Philippine Nationals, daan tungo sa mas lumalakas na powerlifting community

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy na lumalakas ang komunidad ng strength sports sa Pilipinas,
00:04matapos magtipon ang mga pinakamahuhusay na lifters ng bansa
00:08sa isang matinding kompetisyon nitong nakaraang weekend.
00:11Para sa detalye, alamin sa ulat ni teammate JB Junyo.
00:18Naging sentro ng matinding lakas at determinasyon ng katatapos lamang
00:22SBD Philippine Nationals Championship nitong weekend sa Quezon City,
00:27kung saan nagtipon ang mga pinakamahuhusay na powerlifter mula sa iba't ibang panig ng bansa.
00:32Ang nasabing kompetisyon ay isa sa pinakainaabangang torneyo ng powerlifting sa Pilipinas
00:38dahil dito napipili at nakikilala ang mga atletang may potensyal na kumatawan sa bansa
00:43sa mga international na paligsahan.
00:46Ibinahagi ng defending champion na si Rafael Kahilig,
00:49isa sa mga nangungunang lifters sa kanyang division na bagamat may kompetisyon sa platform,
00:54nananatiling pagkakaisa ang diwa ng mga lifter
00:57dahil pare-pareho nilang layunin na iangat ang antas ng powerlifting sa Pilipinas.
01:03It's nice kasi we're able to push ourselves.
01:06Napupush ko sila, napupush nila ako to be better on myself.
01:12Like, kahit magkakalaban naman kami, we all represent the same factory.
01:18Bagamat matindi ang kompetisyon ngayon dahil sa paglahok ng maraming top lifters,
01:23kabilang mga dati ng national athletes at national champions na umangat ng weight class,
01:28nakamit pa rin kahilig ang kampyonato para sa men's open category.
01:32Dagdag pa niya, ang nationals ang pinakamagandang pagkakataon para ipakita ng mga atleta
01:37ang resulta ng buwan o taong paghahanda at sakripisyo.
01:42National Art is a good place to showcase everyone's trend, you know,
01:46to show na we need our best this whole entire year.
01:52Samantala, isa rin naging highlight ng kompetisyon ang pagbabalik ng isang veteranong lifter
01:57na tubong Mindanao na si Milenos Ocobillo na muling sumabak sa national stage
02:02matapos ang matagumpay na paglahok noong nakaraang taon.
02:05I have this privilege to really represent Mindanao or even Davao City mismo
02:14kasi like there's no one, like there's a few of us, maybe like 7 people from Mindanao
02:22and all of us are from Davao City so we are the few that represents the way down south.
02:30Ayon kay Ocobillo, malaki na ang paglaguan ng sports sa Pilipinas
02:34mula sa ilang gym lamang noon hanggang sa pagdami ng mga komunidad ng lifter sa iba't ibang probinsya.
02:41I've been around like yeah before the pandemic that's why before that like there's the era before that and the
02:49era after that
02:50it's very very different like I would say even in the Philippines the population quadruples.
03:00Sa patuloy na pagdami ng mga atletang sumusubok ng powerlifting mula sa iba't ibang panig ng bansa
03:07umaasa ang komunidad na mas marami pa ang makikilala at kakatawan sa Pilipinas
03:12sa mga international na kompetisyon sa mga susunod na taon.
03:16JB Junyo para sa Atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas
03:21there they are.
03:21But hold up now yes.
03:22If we have terrorism against that, you can draw on aliens inputs.
Comments

Recommended