Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I'm going to go to the Energy Department
00:02how to make the price of petrol
00:05for each oil price
00:06before the oil price hike in the Mates.
00:09But at the gasolina in Aurora,
00:11it's about 100 pounds of diesel.
00:14According to this,
00:16it's because they're going to get to the supplier.
00:19At from Quezon City,
00:22or from Quezon,
00:23we're going to get to the Darlene Kai.
00:25Darlene?
00:29Pia, hindi nawala ng pila sa buong maghapon
00:32yung ilang gasolinahan dito sa Quezon City
00:34tulad na lang dito sa kinatatayuan ko sa Filcoa.
00:37Dahil yan sa pagkukumahog ng ilang motoristang magpagas
00:40bago yung panibagong dagdag singil ngayong linggo.
00:43Yung ilang gas stations tuloy naubusan ng langis.
00:50Patuloy ang gantihan ng Iran at alyansang Israel at Amerika.
00:56At bukod sa mga nasasawi,
00:59apektado rin ang digmaan ng langis sa gitnang silangan.
01:02Ilang oil facilities ang tinatarget
01:04o nadadamay sa mga pagsabog.
01:07Paralisado rin ang paglalayag partikular sa Strait of Hormuz,
01:10ang kipot sa Persian Gulf na kontrolado ng Iran.
01:13Dahil walang makalayag na mga tanker ng langis,
01:16patuloy ang pag-alagwa ng presyo ng petrolyo
01:18na damarin sa ating bansa.
01:20Kaya mahigpit na abiso ng Energy Department sa mga kumpanya ng langis,
01:24mula March 6 hanggang bukas March 9,
01:27hindi dapat lagpa sa 76 pesos and 50 centavos
01:30ang kada litro ng gasolina.
01:33Ang diesel dapat hanggang halos 70 pesos lang
01:36at ang kerosene di dapat hihigit sa 100 pesos.
01:40Babala ng DOE, bawal ang hindi otorizado
01:43at hindi nakaschedule na taas presyo sa petrolyo
01:45bukod pa sa hoarding at iligal na bentahan ng langis.
01:49Hinikaya di Senate President Pro Tempore Ping Lakso ng publiko
01:52na i-report sa otoridad
01:53ang mga gasolinahang maagang nagtaas presyo.
01:57Para matiyak na nasusunod yan,
01:59may mga polis na nag-iikot sa ilang gasolinahan
02:01ayon sa post ni Energy Secretary Sharon Garin.
02:04Pero sa gasolinahang ito sa Aurora,
02:07ang dating 58 to 63 pesos kada litro ng gasolina at diesel,
02:11pumalo na ngayon sa 73 to 97 pesos.
02:14Paliwanag ng may-ari,
02:16wala raw silang control sa presyo
02:18dahil nakadepende sila sa presyong ipinasan ng mga supplier.
02:22Ang pagtaas po ng presyo ay
02:24beyond control po yan ng mga retailer na katulad namin.
02:28It all comes down from the distributor.
02:32Sila po ang nagkocontrol ng presyo.
02:35Sinusubukan namin kuna ng pahayagang DOE kaugnay rito.
02:38Sa Quezon City,
02:39tatlong gasolinahan sa Commonwealth Avenue
02:41ang naubusan na ng langis.
02:43Sa isang gas station sa Fairview,
02:45puro zero-zero na ang nakalagay sa price board,
02:48maliban sa isang klase ng gasolinang may natitirang supply.
02:52Wala na po kami ngayon ma'am,
02:53diesel po and then 91 po,
02:55unlimited po.
02:56Ang mara po kami ngayon ma'am,
02:5895 na lang po tayo.
02:59Apo.
03:00Isa na lang.
03:00Pagtitiyak naman ang Bureau of Customs.
03:02Dalawang buwan pa naman po yung ating supply,
03:05hindi dapat tayo kabahang kagad.
03:07May kakayanan naman po kami bisitain yung ating mga warehouses po
03:12o yung depo na tinatawag ng mga oil companies
03:16upang mabigyan po namin ng kaalaman din po
03:19ang mga taga Department of Energy,
03:21magsasama-sama po kami
03:22upang hindi po magkaroon ng artificial shortage.
03:25Sa ngayon, tumitingin na rao ng mga alternatibong pagkukuna ng petrolyo
03:30ang pamahalaan.
03:31Si Sen. Sherwin Gatchalian naman,
03:33naghain ng resolusyon sa pagbuo ng task force
03:35sa magbabantay sa presyo at supply ng petrolyo.
03:43Pia, kanikanina lang,
03:44nagkaroon na ng supply yung mga gasolinahan
03:46na nakuna namin na ubusan na,
03:48pero hindi pa rin lahat ng klase.
03:50At sa mga inikuta namin gasolinahan,
03:52Pia, dito sa Quezon City,
03:53bawal yung pagbili ng langis
03:56na ilalagay doon sa mga drum
03:57o malalaking container
03:58para maiwasan yung mga nag-whore.
04:00Yan ang latest mula rito sa Quezon City.
04:02Balik sa'yo, Pia.
04:04Maraming salamat, Darlene Kai.
04:07Kung kailan malapit na po ang Semana Santa
04:10at inaasang maraming babiyahe,
04:12nagtaas po ng pamasahe
04:13ang ilang shipping company
04:14dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.
04:17At may ilang biyahe rin ng barko
04:19na nagbawas muna ng mga biyahe
04:20para raw makatipid sa krudo.
04:22So, nakatutok si Darlene Kai.
04:27Sa kapuloang gaya ng Pilipinas
04:29na marami ang umaasa sa mga barko,
04:31masakit para sa ilang pasahero
04:33ang pagtaas ang pamasahe
04:34ng ilang shipping company.
04:35Sa Cebu City,
04:37nag-anunsyo ng pansamantalang fare increase
04:39ang ilang shipping company.
04:40Merong efektibo ngayong araw,
04:42meron ding simula ngayong lunes.
04:44May mga anunsyo rin
04:45ng pansamantalang suspensyo
04:47ng ilang biyahe
04:48bilang pagtitipid sa krudo.
04:50Ayon sa Maritime Industry Authority o Marina,
04:52bagamat karapatan ng mga operator
04:54na ayusin ang kanilang mga passenger at cargo rate
04:56alinsunod sa Republic Act 9295,
04:59may patakaran dapat para rito.
05:01Pwede ang hanggang 20% at taas pasahe
05:03pero sa gitna lamang ng krisis.
05:06At dapat maaga ang pag-abiso.
05:08Kailangan po nila na inform
05:10ang marina
05:12at ang publiko.
05:14Kailangan po ng publication
05:16pag ang trading route
05:18ng isang barko ay
05:19sa inter-region,
05:21dapat yung mga affected
05:22ng mga regions
05:24ay kailangan po nilang
05:26mag-pascale
05:27doon ng mga
05:28new rates po nila.
05:30Two weeks po ang requirement
05:31ng publication
05:33for upward rate adjustment.
05:36At bukod sa taas pasahe
05:38ayon sa Marina,
05:39dapat mag-abiso rin agad
05:41ng bawas pasahe
05:42ang mga shipping firm
05:42oras na magbawas presyo
05:44ang krudo.
05:45Kailangan din po nilang
05:47mag-posulit
05:48ng adjusted rates.
05:50Ito na po yung bumabang rates
05:51pero it will take effect
05:53immediately.
05:54Sa Batangas,
05:55may shipping company
05:56na magtataas ang pamasahe
05:57sa Roro sa rutang Batangas-Calapan
05:59simula March 23.
06:01May taas pasahe rin
06:03sa iba pang ruta.
06:04Maaga man ang abiso,
06:05dismayado pa rin
06:06ang ilang pasahero
06:07sa Batangas Port.
06:08Masyabe siyang mabigod
06:10sa bursa.
06:11Eh no,
06:12wala namang choice.
06:13Ang jeepney driver
06:14namang si Jesus
06:15nag-aalala
06:17sa pag-alagwa
06:18ng presyo ng petrolyo.
06:19Noong isang linggong araw,
06:21limandaang piso
06:22kada araw
06:22na agad ang natapya
06:23sa arawan niyang kita.
06:25Ano parawang matitira
06:26kapag may panibagong
06:27dagdag-sigil?
06:28Tigil muna biyay
06:29pag hindi na kinaya.
06:32Dahil?
06:33Wala na,
06:34wala lang kikitain yun.
06:35Apply muna sa ibang trabaho
06:37kung anong pwede.
06:38Ang grupong Manibela
06:39ipoprotesa sa linggong ito
06:41ang patuloy na taas
06:42presyo ng langis.
06:43Kung ganito po
06:44lagi ang pahayag
06:45ng ating gobyerno
06:46nang wala pong
06:48solusyon na nakikita
06:49kasi parang
06:51inaabangan na lang natin
06:52na tumaas
06:54at pasanin
06:56yung hirap
06:57itong tulot
06:57ng gera
06:58sa Middle East.
07:00Sabi nila,
07:01panahon na raw
07:02para sa pisong
07:02provisional fare increase.
07:04Bakit pa naman kami
07:05bibiyahe,
07:06mamamasada,
07:07kung malulugi lang din
07:08naman po kami.
07:08Sana
07:10maunawaan ito
07:10ng ating mga kababayan.
07:12Okay lang,
07:13kasi malulugi naman
07:14yung mga driver natin
07:15kung hindi
07:16sila magtataas
07:17ng pamasahe.
07:18Mabigat din po
07:19kasi wala naman
07:20kami magagawa.
07:21Sa ngayon,
07:22patuloy ang pakikipag-ugnayan
07:23ng Department of Energy
07:24sa mga oil company
07:25para sa pagpapatuloy
07:27ng fuel discount program
07:28sa mga motorista,
07:29lalong-lalo na
07:30sa mga PUV driver,
07:32TNVS driver
07:33at delivery riders.
07:34Para sa GMA Integrated News,
07:36Darlene Kai,
07:37nakatutok 24 oras.
07:44Darlene Kai,
Comments

Recommended