Skip to playerSkip to main content
Noong nakaraang taon, tinampok natin ang bibong bata na may taglay na talino at talento. Ngunit sa likod pala nito, may iniinda siyang bukol sa likod ng ulo.


Makalipas ang isang taon, matagumpay siyang napaoperahan sa tulong ng ating mga volunteer doctors at partners.


Sa muli nating pagbisita sa kanila, nasaksihan natin ang kaniyang malaking pagbabago at sigla.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Noong nakaraang taon, tinampok natin ang bibong bata na may taglay na talino at talento.
00:09Ngunit sa likod pala nito, may iniinda siyang bukol sa likod ng ulo.
00:14Makalipas ang isang taon, matagumpay siyang napaoperahan sa tulong ng ating mga volunteer doctors at partners.
00:22Sa muli natin pagbisita sa kanila, nasaksihan natin ang kanyang malaking pagbabago at speeda.
00:37Abril noong nakaraang taon, nang makilala natin ang batang si Prince.
00:45Sa edad na apat na taong gulang, kabisado na niya ang matawat ng iba't ibang bansa.
00:52Hilig din niyang mag-solve ng math equations.
00:556 plus 4 equals 10.
00:58Pero sa kabila nito, may iniinda pala siyang bukol sa likod ng kanyang ulo.
01:05Nag-diagnose rin siyang may autism spectrum disorder.
01:09Since birth po talaga, may bukol na po talaga siya.
01:13Pero habang lumalaki siya, lumalaki din yung bukol niya.
01:16Known as a occipital meningocel.
01:19Nagkaroon siya ng protrusion ng brain tissue through a defect doon sa occipital bone sa likod.
01:26It's a developmental nung baby pa siya sa inborn niya talaga.
01:30Pag nag-fail mag-fuse yung pinakabuto.
01:34Sa kanaisang mapaoperahan, lumapit sa GMA Kapuso Foundation ang kanyang mga magulang.
01:41At nito lang Oktubre, matagumpay nang natanggal ang bukol ni Prince.
01:47Muli natin siyang binisita at kinamusta sa kanilang tirahan.
01:50Ngayon, malaya na siyang nakakagalaw at nakakahiga ng maayos.
01:56Mas naging aktibo at palakaibigan din siya sa kanilang klase.
02:01Yung pinagsama ko na po yung bata na yung natatakot sa kanila.
02:05At saka hindi na po natatakot yung bata, hindi na siya umiiyak.
02:09Malaki po ang pasasalamat namin sa GMA Kapuso Foundation
02:12dahil yung matagal na po naming hiling na maoperahan ang anak namin.
02:16Sila po yung naging daan.
02:18Mga Kapuso, patuloy po tayong maghatid ng pag-asa sa mga nangangailangan,
02:24lalo na sa mga kabataan.
02:26At sa mga nais mag-donate, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account
02:31o magpadala sa Cebuana Luwood Year.
02:34Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, Metro Bank Credit Card at PalawanPay.
Comments

Recommended