00:00Nagdulot ng traffic ang pagakyat ng isang lalaki sa biga ng isang LRT-2 station kahapon.
00:07Inabot ng 10 oras bago siya tuluyang naibaba.
00:12Nakatutok si Rafi Kima.
00:17Mahigit 10 oras pinakalma at matyagang kinausap ng mga rescuer mula sa Bureau of Fire Protection
00:22ang lalaking umakyat sa biga ng LRT-2 Antipolo Station kahapon,
00:26bukod sa mismong buhay ng lalaki ang nakataya.
00:29Agaw atensyon din ito sa mga dumaraan at panganib kung may mabagsakan sa baba.
00:34Naglatag na ng inflatable rescue air cushion ang mga rescuer sa ilalim ng istasyon.
00:38Nagdunot din ito ng mabigat na dawling ng trafiko sa Marcos Highway.
00:42Pero hindi basta maibaba ang lalaki dahil nasa delikadong lugar siya
00:45at posibleng malagay din sa alanganin ng mga nagsasagawa ng rescue.
00:49Pero dahil inabot na ng gabi, nagdesisyon na ang mga rescuer na puwersa hinangkudin ang lalaki.
00:57Ang sabi ko, i-attempt natin, aki-attempt, kinitingnan kung anong mayiging reaksyon niya.
01:01Kung medyo talagang alanganin, abort muna kami siya.
01:04Three times kami nag-abort kasi nga gusto niya talagang tumalon.
01:08Hanggang sa unti-unti, nakuha namin yung loob.
01:15Matapos tagumpay ng mga kuha ay pinusasan ang biktima para hindi na siya makapiglas
01:19bago siya ibaba mula sa matalip na biga na kanyang tinutuntungan.
01:25Bukod sa mga negosyators, kasama sa mga nakiusap sa lalaki ang kanyang ina at kapatid.
01:30Para napapacify siya, kahit pa paano, para mawala yung kanyang atensyon dun sa pagtalon.
01:39Gamit ang 56-meter ladder truck ng BFP Pasig, ay ligtas siyang nga ibaba.
01:48Ayon sa ina ng 42 taong gulang na lalaki, posibleng stressed ang kanyang anak.
01:53Dalawang beses na rin niya itong ginawa, una noong 2016.
01:59Bukod sa Antipolo at Pasig BFP, tumulong din ang Queza City Fire, Miralco at ang Philippine Red Cross.
02:05Hinihingan pa namin ang reaksyon ng pamunuan ng LRT Line 2
02:08kung paano nakakyat ang lalaki sa biga ng LRT 2 Antipolo Station.
02:12Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments