00:00Ikinagimbahal ng ilang taga Pililya Rizal ang paglapit ng isang helicopter sa ilang kabahayan bago tuloy ang bumagsak.
00:09Tagumpay mang naiiwas sa mga bahay, dalawa pa rin sa limang sakay nito ang namatay.
00:16Nakatutuklay.
00:17Kino Gaston? Kino?
00:22Mel, sa isang madamo at bakanting lote dito sa Pililya Rizal, bumagsak ang isang Bell 505 helicopter pasado alasete kaninang
00:31umaga at bagamat tuwid namang nailapag ng piloto ang nasabing aircraft, dalawa pa rin sa mga pasahero nito ang nasawi.
00:43Nasa loob ba ng bumagsak na Bell 505 helicopter ang tatlo sa limang pasahero ng datnan ng mga rescuer sa
00:51isang bakanting lote sa Sityo Upper Barak sa barangay Kisaw, Pililya Rizal.
00:55Habang nakahiga sa damuhan, ang dalawang iba pa, kabilang ang isang dayuhan.
01:01Basag naman ang windshield at mga bindana ng chopper habang bali ang buntot.
01:05Pagdating po natin sa scene, may lima pong individual na wounded. Some are severely wounded, unconscious, yung dalawa, then yung
01:15tatlo conscious naman.
01:18Makita naman natin sa pictures nila, tatlo yung Pilipino, then may dalawang foreign looking national na biktima.
01:27Isinugod ang mga biktima sa Rizal Provincial Hospital sa bayan ng Murong, pero dalawa sa kanila ang idiniklarang dead-on
01:35arrival.
01:36Patuloy namang ginagamot at inoobserbahan doon ang tatlong iba pa.
01:40Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, pag-aari ng isang local aviation company ang helicopter na may biyahing
01:47Manila, Quezon Province.
01:48Ayon sa ilang saksi, sa ere pa lang ay tila may problema na ang helicopter.
01:53Pero nakita nila tila na iniiwas ng piloto ang helicopter sa mga kabahayan bago ito bumagsak.
02:00Abay, nung papalapit na po dito sa amin, iba na yung ano niya, hindi normal yung takbo niya, parang patagilid
02:08yung takbo niya, hanggang sa bumagsak na po doon.
02:12Hindi kami makalapit eh, umiikot yung LEC. Umiikot pa po yung LEC.
02:17Nung huminto, tsaka kami lumapit, tinignan namin yung limang tao na hindi sila makaalis at ano, yung isa dugo na
02:27talaga, yung isa yung nasa gitna.
02:29Bandang tanghali, dumating ang mga tauhan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
02:37Tinanggal ang lona at sinuri ang loob at labas ng helicopter.
02:42Mula rito sa Pililya Rizal, dadalhin ang mautoridad ang wreckage ng helicopter para mas masuri pa ito ng husto
02:48para malaman kung equipment failure, pilot error, lagay ng panahon o kombinasyon ng tatlo ang naging sanhi ng pagbagsak nito.
02:58Kasunod ng mga tauhan ng Kaab, ang mga scene of the crime operatives ng PNP na gumamit ng scanning device
03:03para ma-record ang buong crash scene.
03:10Mel, sa huling impormasyon ng Pililya PNP ay napagalaman na dalawa sa limang pasahero ng nasabing helicopter ay pawang mga
03:20Malaysian nationals na papunta saan ng Quezon Province.
03:22Samantala, napagalaman din na dalawa sa tatlong survivors ng pagbagsak ng helicopter ay nailipat na sa Cardinal Santos Hospital dyan
03:31sa Metro Manila.
03:32Mel, maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
Comments