Skip to playerSkip to main content
-12-anyos na lalaki, patay matapos tamaan sa ulo ng batong unang ipinukol sa kanyang pinsan; suspek, arestado


-Mag-ina, patay nang makuryente sa isang taniman sa Brgy. Igbarawan


-DILG sa liderato ng Tau Gamma Phi Fraternity: Isuko ang mga sangkot na miyembro sa umano'y hazing kay Kenneth Alcedo/Cavite Police: Sunog sa pinangyarihan umano ng initiation rites, walang epekto sa imbestigasyon


-Mahigit P29.7M halaga ng hinihinalang shabu at ecstacy, nabistong itinago sa mga gold figurine at air filter/10-anyos na babae, patay nang ma-trap sa sunog sa Brgy. Bambang


-Britney Spears, inaresto dahil sa hinihinalang driving under the influence; pinalaya rin kalaunan


-OWWA: Mali ang kumakalat na P150,000 financial assistance para sa OFWs mula sa Middle East


-Banta umano sa buhay ni Ramil Madriaga sa loob ng kulungan, iniimbestigahan ng NBI/ BJMP: May nakaalitang inmate si Ramil Madriaga; pinayagan ang NBI sa jail facility para sa dagdag na seguridad


-BFP Chief Jesus Fernandez, nais ng DILG na mapatawan ng preventive suspension; inireklamo dahil sa pagtanggap umano ng nasa P14M na padulas/ DILG: May 2 pangalan nang pinagpipilian para palitan si BFP Chief Fernandez


-Dalawang Grade 3 student, patay matapos malunod sa irrigation canal sa Brgy. Governor Boyles


-Pope Leo XIV sa gitna ng girian ng ilang bansa: "Lord, enlighten the leaders of the nations, so they may have the courage to abandon projects of death"


-Kris Bernal at Gladys Reyes, proud mothers sa kanilang on-screen daughter na si Kapuso Big Winner Caprice Cayetano


-18 dating tauhan umano ni Co, Atty. Levito Baligod, dating Rep. Mike Defensor at iba pa, ipinapa-subpoena ng NBI


-Batang babae, curious cat ang eksena sa kuwentuhan nila ng kanyang tita


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00GMA Regional TV News
00:04Batay ang isang binatilyo matapos tamaan ng bato sa hinguog ni Samis Oriental.
00:10Ayon sa polis siya, ang pinsan ng biktima ang target talaga sa pamamaton ng suspect.
00:14Tinamaan daw sa nooh ang pinsan at tumalbog ang kaparehong bato sa ulo ng biktima.
00:20Dead on arrival ang binatilyo sa ospital habang sugatan ang kanyang pinsan.
00:25Na-aresto kalaunan ang 20-anyo sa suspect at nahaharap ngayon sa reklamong Homicide at Serious Physical Injuries.
00:33Wala pa siyang pahayag.
00:36May mag-inang nakuryente sa isang taniman sa barangay Igbarawan sa Patnongon, Antike.
00:42Ayon sa polis siya, akilanting na hawakan ng 38 na taong gulang na biktima ang isang live wire sa taniman
00:49ng talong.
00:49Natumba ang lalaki, agad siyang nilapitan at hinawakan ng 73 taong gulang na nanay niya.
00:56Nakuryente rin ang ginang.
00:58Parehong nasawi ang mag-ina.
01:03Nakipagpulong si DILG Sekretary John Vic Remulia sa ilang senior leaders ng Taw Gamma Phi Fraternity.
01:09Kaugnay po yan ang pagkamatay ng isang neophyte sa umanong hazing sa Cavite.
01:14May ulat on the spot si June Veneracion.
01:21Kaugnay, hinamon ni DILG Sekretary John Vic Remulia ang liderato ng Taw Gamma Phi na isuko ang kanilang mga miyembro
01:28na sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Kenneth Alcedo.
01:32Nagbigay naman, Kaugnay, ng commitment ang Taw Gamma Phi na tutulong sila para mapalutang ang mga nagtatago nilang miyembro,
01:39sabi ng kanilang spokesperson na si Martin Asturias.
01:43Kasabay nito ay binanggit ni Remulia ang mga pangalan ng labing-pitong Taw Gamma members na naroon daw sa Initiation
01:50Rights sa Dasmarinas Cavite.
01:52Nakuha ng mga investigador ang mga pangalan sa salaysay ng isang neophyte na kasabay ni Kenneth na sumalang sa Initiation
01:59Rights.
02:00Meron pa raw isang neophyte na nakahandang magbigay ng statement sa mga polis ngayong araw.
02:05Nahaharap naman sa expulsion proceedings sa mga sangkot na fratmen, sabi ng Taw Gamma Phi.
02:12May mga masususpita din daw ng mga chapter leader sa Cavite dahil sa nangyari.
02:16Sa kabila naman ng sunog na nangyari sa lugar kung saan ginawa ang hazing, wala raw itong epekto sa investigasyon,
02:23sabi ni Cavite Police Chief Colonel Ariel Redd.
02:27Natapos na raw ng soko ang pagproseso sa crime scene bago pa man nangyari ang sunog.
02:32Pakinggan natin ang pahayag ni D.I.S. Secretary John V. Crimulia.
02:36This is unacceptable. You cannot play the blame game forever.
02:42Someone has to take accountability kung ano nangyari.
02:46Instead of fighting and squarling with the fraternity involved,
02:54they have promised to cooperate fully and to promote and to reform the culture of violence in their initiations
03:03in order to make this better.
03:10At yan muna latest mula rito sa Maynila kung saan nangyari ang meeting ni Secretary Crimulia
03:15kasama ang mga senior leaders ng Taw Gamma Phi.
03:18Balik sa Connie.
03:19Maraming salamat, June Venerasyon.
03:24Ito na ang mabibilis na balita.
03:28Mahigit 29 milyon pesos na halaga ng iligal na droga ang nabistong itinago
03:31sa mga gintong figurine at air filter sa Pasay.
03:35Ayon sa Bureau of Customs galing sa Germany at Zambia
03:38ang mga parcel na may hinihinalang shabu at ecstasy.
03:42Dadalhin daw dapat yan sa Pasig at Dasmarinas, Cavite.
03:45Patuloy ang investigasyon.
03:49Patay ang batang babayang edad, sampu matapos matrap sa sunog sa barangay Bambang sa Taguig.
03:56Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas 4 ng hapon nang i-report sa kanila ang sunog.
04:01Napula ito makalipas ang kalahating oras.
04:04Anim na pamilya ang apektado ng sunog.
04:06Patuloy pang inaalan ang sanhinang apoy.
04:14Inaresto ang pop singer na si Britney Spears dahil sa violation umano na driving under the influence.
04:21Ayon sa California Highway Patrol sa Amerika, may natanggap silang report na mabilis na pagpapatakbo
04:27ng isang luxury vehicle sa Ventura County.
04:30Base raw sa 911 dispatch call, inabot ng isang oras ang paghabol ng mga otoridad sa sasakyan na si Britney
04:38ang nagmamaneho.
04:39Nang mahuli is nailalim siya sa mga sobriety tests.
04:43Ayon sa CHP, nagpakita ang singer ng mga senyales ng impairment dahil hinihinalang nakainom at gumamit-umano ng iligal na
04:52droga.
04:53Pinalaya rin kalaunan si Britney.
04:55Ayon sa kanyang representatives, nangangailangan ngayon ng tulong at suporta ang singer.
05:06Nagbabalang overseas workers welfare administration sa mga kumakalat na impormasyon online
05:11tungkol sa repatriation ng mga overseas Filipino workers sa Middle East.
05:14Ayon sa informasyong kumakalat online, nagbibigay ang OWA at Department of Migrant Workers
05:20ng P150,000 na tulong pinansyal sa OFWs.
05:24Mga kapuso, hindi po yan totoo.
05:27Ayon sa OWA, bagamat walang ibinibigay na P150,000 sa mga OFW,
05:32maaari pa rin silang makakuha ng benepisyo gaya ng mga membro ng OWA.
05:36Kabilang dyan ang tulong pinansyal, livelihood at reintegration programs,
05:41training assistance, scholarships at upskilling.
05:44Paalala nila sa publiko maging mapanuri sa mga nababasa o napapanood online
05:49at ifollow lamang ang official social media pages ng OWA at DMW.
05:57Iniimbisigahan ng National Bureau of Investigation ang umanoy banta kay Ramil Madriaga
06:01sa loob ng detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Biwa sa Taguig.
06:08Humingi ng tulong ang kampo ni Madriaga sa NBI
06:11dahil pinagbantaan umano si Madriaga ng isang kapwa inmate na nakaaway niya.
06:16Sabi ni NBI Director Melvin Matibag, may ipinadala rin silang dalawang agent para tiyakin ang siguridad ni Madriaga.
06:25Sabi ni BJMP spokesperson J. Rex Bustinera,
06:29pinayaga ng NBI agent sa loob ng detention facility para sa siguridad ni Madriaga.
06:34Pinaghiwalay na rin daw ng kulungan si na Madriaga at ang kanyang nakaalitan.
06:39Si Madriaga ang nagpakilalang dating aide at bagman umano ni Vice President Sara Duterte.
06:46Nakakulong siya para sa kasong kidnapping for ransom.
06:49Sinabi noon ni Madriaga na inutusan siya ng BICE na maghatid ng pera sa ilang personalidad.
06:55Ang kanyang testimonya ang isa sa mga naging bataya ng impeachment complaints laban kay VP Duterte.
07:01Itong miyerkules, nagsampa ng reklamang perjury ang BICE laban kay Madriaga dahil sa pagsasabi ng umano'y kasinungalingan at mga
07:10imbentong kwento.
07:12Itinanggi ng kampo ng BICE na may kinalaman siya sa umano'y banta sa buhay ni Madriaga.
07:22Hiniling ng Department of Interior and Local Government na patawan ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension si BFP
07:29Chief Jesus Fernandez.
07:30Kawag na yan sa pagtanggap umano ni Fernandez ng padulas para sa pagbili ng mga ambulansya.
07:36Balitang hatid ni June Veneracion.
07:42Ang tumpok ng perang ito, bahagi lang ng mahigit 14 milyon pesos na padulas na umano'y direktang tinanggap ni
07:49BFP o Bureau of Fire Protection Chief Jesus Fernandez para sa kontrata ng pagbili ng mga ambulansya.
07:55Si Fernandez ang head of procurement entity. Siya yung hope.
08:01So for the longest time, lahat ng suppliers ng BFP ay controlled niya.
08:07Walang playing field to. Hindi level ang playing field. Pipili lang siya.
08:12Inilabas ng Department of Interior and Local Government o DILG ang litrato na nakuha umano ng kanilang saksi sa mga
08:19administrative at criminal complaints na inihain nila sa Office of the Ombudsman laban kay Fernandez.
08:25Dati umanong nagtrabaho ang saksi sa supplier ng 132 ambulance units na si Rosa Verna Sanga na isinama sa mga
08:33sinampahan ng reklamo.
08:34Ayon sa saksi, nakita niya ang bigayan ng padulas noong November 2024 at September 2025 sa dalawang magkaibang restaurant sa
08:43Quezon City.
08:43Ang suhol ay kapalit daw ng pagmanipula para paboran ang kasabot na supplier ni Fernandez.
08:49Kasama siya sa pag-withdraw ng pera galing sa bangko. Kasama siya nung inimpaki yung pera dito sa maleta. Kasama
08:58siya nung inabot itong maleta dun sa kay Fernandez.
09:03And in fact, she was able to take a picture of the cash before it was submitted.
09:16Kasama raw sa hiling ng DILG sa Office of the Ombudsman, ang patawan ng preventive suspension si BFP Chief Jesus
09:23Fernandez para hindi raw ma-impluensyahan ang isinasagawang investigasyon.
09:28Bagamat wala pang desisyon ng Malacanang sa rekomendasyon ng DILG na simaki ng BFP Chief, dalawang pangalan na raw ang
09:35pinagpipilian nila rin mulia na posibleng kapalit.
09:39Magpapasok pa eh. Ang kapal rin na mukha eh. O, doon pa siya sa Fire Prevention Month, nag-aten siya.
09:46O hindi na ako nag-aten, baka masuntok ko eh.
09:51Baka lang, baka lang naman. Baka lang. Ang kapal na mukha, sinabihan ko na siyang hayop ka, kurap ka. Nagpapakita
10:00pa rin sa akin eh.
10:01Wala pang sagot hanggang ngayon si Fernandez sa aming mga text message para sa kanyang panig. Sinusubukan din namin makuha
10:07ang statement ng supplier na si Sanga.
10:10Part 1 pa lang to. Meron pang marami kaming ilalabas na kapakita namin ang systematic environment of corruption sa loob
10:23ng BFP.
10:24June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:28Ito ang GMA Regional TV News.
10:34Wala nang buhay ng matagpuan ng dalawang grade 3 students sa isang irrigation canal sa Ubay, Bohol.
10:40Sa investigasyon ng pulisya, nadeskubre na mga tauhan ng National Irrigation Administration ang mga lumulutang na bangkay nitong Martes sa
10:47barangay Governor Boyles.
10:49Ayos sa mga magulang ng mga bata, umuwi ang kanilang mga anak galing eskwelahan pero muling lumabas nang hindi nila
10:55napapansin.
10:57Pinaniniwala ang naligo sa kanal na nasa likod ng kanilang paarala ng mga biktima matapos matagpuan ang kanilang mga damit
11:03sa ilalim na isang tulay sa lugar.
11:06E diniklara ng Municipal Health Office na pagkalunod ang sanhi ng kanilang pagkamatay.
11:15May panalangin si Pope Leo XIV sa gitnaho ng girian ng ilang bansa.
11:21Yan ang maliwanagan sana ang mga world leader para magkaroon ng tapang na itigil ang kanyay projects of death.
11:29Hiling pa ng Santo Papa, i-renounce o itigil na ng mga bansa ang paggamit ng armas at piliin ang
11:36daan para sa dayalogo at diplomasya.
11:38Hindi malinaw kung inilabas ang video ng panalangin bilang direktang tugon sa pag-atake ng US at Israel sa Iran
11:45na naging mit siya ng tensyon sa ibang bansa sa Middle East.
11:49Wala pang tuguan ang Vatican sa tanong kung kailan inirecord ang video.
11:58Nag-celebrate ang ilang on-screen mothers ni PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner, Caprice Cayetano sa
12:07latest achievement niya.
12:15Kabilang dyan si House of Lights star Chris Bernal na ibinahagi ang beat trend video kasama si Caprice.
12:21Ginawa nila yan sa dressing room ng mag-guest si Caprice sa TikTok clock kung saan guest host si Chris.
12:27One proud mother din si Chris kay Caprice na naging anak naman niya sa GMA Afternoon Prime na asawa ko,
12:34karibal ko.
12:35Sabi ni Chris maraming tao raw ang na-inspire sa kabutigan ni Caprice.
12:39Payo niya keep shining at chasing her dreams.
12:42Proud mother din si Gladys Reyes kay Caprice na nakasama niya sa GMA Afternoon Prime na Cruise vs. Cruise na
12:49huling show ni Caprice bago pumasok ng bahay ni Kuya.
12:52Sa caption, sinabi ni Gladys na proud ang Cruise vs. Cruise family sa achievement ng Sparkle Star.
12:58Good actress at mabuting anak din daw si Caprice na deserve daw ang lahat ng great opportunities.
13:10Mainit na balita, ipinapasabpina ng National Bureau of Investigation ang labing walong nagpakilalang dating tauhan umano ni Zaldico.
13:18Bukod sa mga dati umanong sundalo, pinirmahan na rin ni NBI Director Melvin Matibag ang sabpina para sa abugado nilang
13:24si Atterney Levito Baligod,
13:26dating representative Mike Defensor, pati ang abugadong nagnotaryo sa kanilang affidavit.
13:31Ayon kay Director Matibag, inatasan sila ng Office of the Ombudsman na imbistigahan ang kwento at pagkatao ng mga dating
13:38tauhan umano ni Ko.
13:40Kumakalat na rin ang ebidensya ang NBI.
13:43Susubukan namin silang kunan ng pahayag.
13:50May kakaibang bandik ang isang magtita sa San Mateo Rizal.
13:54Isa yata sa hobbies ng bata, ang makipag-tsikahan.
13:57Kung mare at pare ang eksena ko, e siya raw ay, tita, anong latest?
14:05Bey, sobrang nanarapin, nag-awayan nila.
14:08Tingin!
14:09Nagsabon itang tila, pasagsatupag-satupag.
14:15It's giving ang batang si Ninay pagdating sa kwentuhan.
14:19Magtatatlong taon pa lang, isa na ang Certified Curious Cat.
14:23Hindi lang all ears, all eyes, at emotions din sa tsikahan.
14:27Kahit biro lang ang cheese list ni Tita Ayko, invested ang pamangkin with demo pa na, aray ko!
14:35Hanga naman ang netizens na galing ng bata sa pagtatanong.
14:38Parang mini-journalist na humihingi ng complete information.
14:42Halos 900,000 na ang views ng video.
14:46Trending!
14:47Open it!
Comments

Recommended