Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inireklamo sa House Committee on Ethics ng ilang women's right advocate si Congressman Bong Suntay,
00:07kaugnaya ng kanyang kontrobersyal na pahayag patungkol sa aktres ni si Ann Curtis-Smith,
00:13saksi si Tina Pangaliban Perez.
00:17Hindi pinalampas ng ilang kababaihan ang kontrobersyal na pahayag ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay
00:26tungkol saan niya yung mga naisip at naramdaman niya tungkol sa aktres na si Ann Curtis-Smith.
00:32Kasama si Gabriela Part of History Representative Sara Elago,
00:36naghahayin sila ng reklamo sa House Committee on Ethics laban kay Suntay
00:40dahil sa mga paglabag-umano sa Magna Carta for Women, Safe Spaces Act at Code of Conduct para sa mga
00:47nasa gobyerno.
00:49Walang lugar ang ganitong kondukta ng isang halal na opisyalis ng gobyerno.
00:54Dahil mababatas ka, dapat mas mabigat ang kaparusahan na dapat igawad ng kongreso sa kanya.
01:01Pwede siyang suspendihin ng ilang linggo, pwede rin na magmulta siya, pwede siyang mag-community service.
01:13Bagamat humingi ng paumanhin kagabi si Suntay at sinabing taken out of context ang kanyang pahayag,
01:19hindi raw ito sapat para sa mga women's rights advocate.
01:23Mukha naman hindi siya sinsero eh. Kasi hindi niya binawi yung sinasabi niya na dapat na itreat ni Ms. Curtis
01:35na compliment yung kanyang sinabi.
01:38Wala siyang binawi sa sinabi niya. So pagpapakita lang ito ng kanyang attitude, yung pagtingin niya talaga sa kababaihan.
01:44Nang privilege speech naman si House Committee on Women and Gender Equality Chair Ann Matibag para punahin ang pahayag ni
01:51Suntay.
01:52Hayaan po nating maging malinaw. Ang babae ay hindi biro, hindi rin siya pantasya at ang dignidad ng kababaihan ay
02:00hindi kailanman dapat maging katatawanan sa loob ng kongreso.
02:05Hiling ni Matibag, tingnan ang Committee on Ethics and Privileges ang pahayag ni Suntay at magsagawa ng hearing kaugnay nito.
02:13Na i-refer na ang talumpati sa komite at ipinagutos ang pagsusuri sa naging pahayag ni Suntay.
02:21Ipinagutos din ang Kamara ang formal na ethics investigation kaugnay nito, gayon din ang pagharap ni Suntay sa committee hearing.
02:29Kinunda na rin ang Commission on Human Rights ang pahayag ni Suntay na nakababahala raw, lalot nangyari sa pagsisimula ng
02:36buwan ng kababaihan.
02:37Anila, ano man ang layunin ng mga pananalita na ginawang sekswal o hinahamak ang kababaihan ay nakasisira sa pinaghirapang progreso
02:48ng bansa para sa pagkakapantay-pantay ng kasarihan.
02:52Nanawagan din ang Komisyon sa Kongreso na pagtibayan ang kanilang code of conduct at tiyaking patuloy ang paggamit ng pamantayan
03:00at pananalitang may gender sensitivity sa kanilang mga proceedings.
03:04Dagdag nila, ang Kongreso ang dapat na nagiging halimbawa ng paggalang sa kababaihan at pagkakaroon ng zero tolerance sa mga
03:13pananalitang sekses at ipapanguli ng diskriminasyon.
03:17Sinusubukan pa namin makuna ng bagong reaksyon si Congressman Suntay.
03:22Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Pangniban Perez, ang inyong saksi.
03:29Kognay niyan, humingi ng paumanhin ang asawa ni Representative Bong Suntay.
03:34Sa social media post ni Sheila Guevara Suntay, nilinaw niyang hindi siya sumasang-ayon sa maging ang kanilang mga anak
03:43sa naging pahayag ng kanilang padre ni pamilya.
03:46Hindi ang niya totoo ang kumakalat na pinagtawanan at approve sa kanya ang naturang pahayag.
03:53Nag-sorry siya kay Ann Curtis at sa pamilya nito sa may giit na walang sino mang babae ang dapat
03:59pagsalitaan ng ganun.
04:02Dagdag niya, bawat babae ay dapat na itrato ng may dignidad at paggalang.
04:07Umapila din siya sa publiko na huwag sana silang idamay ng kanyang mga anak sa insidente.
04:14Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended