Skip to playerSkip to main content
-Street dweller, nang-agaw ng baril ng pulis; pinaputok at tinamaan ang sariling balakang


-BFP: Centenniel house sa General Luna St., nasunog dahil sa sinindihang posporo


-Lalaki, patay sa saksak ng dating karelasyon ng kanyang live-in partner


-Fetus, natagpuan sa basurahan sa Brgy. Upper Carmen


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by 
Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Oras na para sa mayirit na balita mula sa GMA Regional TV.
00:10Isang street dweller ang nangagaw at nagpaputok ng baril sa Baguio City.
00:15Sa kuha ng CCTV sa Magsaysay Avenue, makikitang hinahabol ng mga pulis ang lalaking may dalang kutsilyo at baril.
00:22Ang hawak niyang baril, hinablot daw sa nakasalubong na pulis.
00:27Kalaunan, pinaputok yun ng lalaki at pinamaan ang kanyang balakang.
00:31Nasa kote siya ng mga pulis at dinala sa ospital.
00:34Sa investigasyon, napagalaman na taga-Isabella ang street dweller.
00:38Mahaharap siya sa reklamong direct assault at illegal discharge of firearm.
00:42Wala siyang pahayag.
00:45Nabulabog ang mga taga-General Luna Street sa Vigan elocosur nang masunog ang isang centennial house doon.
00:51Sa investigasyon, ang Bureau of Fire Protection nagmula ang apoy sa isang kwarto ng bahay
00:55kung saan naglalaro ang mga bata.
00:57Aksilente raw na ihagi sa kama ang sinindihan nilang posporo.
01:02Damay sa sunog ang mga nangungupahang negosyante sa unang palapag ng bahay.
01:06Wala silang pahayag.
01:08Halos 12 milyong piso ang danyo sa sunog.
01:11Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
01:20Patay sa saksak ang isang lalaki sa Bacolod City, ang suspect dating karelasyon ng live-in partner ng biktima.
01:27Nangyari ang pag-atake sa isang eskinita sa barangay bata.
01:30Saksak sa dibdib at leeg ang ikinamatay ng biktima.
01:34Sumuko naman sa mga pulis ang suspect na naaharap sa reklamong homicide.
01:38Wala siyang pahayag pero kwento ng mga kaanak niya,
01:41posibleng paghihiganti ang motibo sa krimen dahil dalawang beses na umunong binugbog ng biktima ang suspect dati.
01:49Isang fitos ang natagpuan sa Basurahan sa barangay Upper Carmen sa Cagayan de Oro City.
01:54Tinatayang nasa 4 hanggang 5 buwan ang fitos na hinihinalang itinapon doon itong Martes.
01:59Agad din siyang inilibing.
02:01Inaalam na kung sino ang nagtapon sa fitos.
Comments

Recommended