Skip to playerSkip to main content
  • 7 minutes ago
Lagay ng Filipino community sa Israel, mahigpit na binabantayan; tawag at mensahe ng kanilang pamilya sa gitna ng kaguluhan, iginiit na mahalaga | ulat ni Steph Vicente - Radyo Pilipinas World Service

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, patuloy na pinaaalalahanan ng mga Pilipino sa Israel na sumunod sa abiso ng mga otoridad sa harap ng nagpapatuloy
00:07na kaguluhan.
00:08Kaunay niyan, sinabi ng Filipino community doon ang halaga ng pagkakaroon ng maayos na komunikasyon at mensahe para sa kapanatagan
00:15ng ating mga kababayan doon.
00:18Si Steph Vicente ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:23Malaki ang naitutulong sa pagpapalakas ng loob ng mga Pilipino sa Israel ang patuloy na pangungumusta ng kanilang pamilya dito
00:31sa Pilipinas sa gitna pa rin ng nangyayaring sigalot sa Middle East.
00:36Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service, inihayag ng Filipino community leader at presidente ng Federation of Filipino Communities in
00:44Israel na si Jovelyn Tainan na kahit nasa maayos na kalagayan ng ating mga kababayan sa Israel ay mahalaga pa
00:52rin ang mga tawag at mensahe mula sa kanilang pamilya.
00:56Kung pwede, call us from time to time para marinig din namin yung mga busis nyo, makita din namin yung
01:06mga messages nyo, nakakatulong po sa amin para sa pampalakas na loob and pray for us, kailangan namin yun.
01:15At dahil nasa state of emergency ang bansang Israel, hindi muna pinahihintulutan ang malalaking pagtitipon tulad ng pagsisimba at educational
01:24activities.
01:26Gayunman, meron pa rin koordinasyon ang mga Filipino community leader doon sa pumagitan ng mga group chat kung saan nakapagbabahagi
01:34rin sila ng mahalagang impormasyon sa social media patungkol sa mga pinakahuling kaganapan sa naturang bansa.
01:41Sa ngayon, apela ni Tainan sa mga Pilipino sa Israel, sumunod sa existing protocols na ipinatutupad doon.
01:49Alam na natin yung siplasyon natin dito. Let's just follow the protocols needed, lalo na po yung informations from the
01:57Homefront Command,
01:59yung mga paalala ng imbahada natin, Philippine Embassy, lalo-lalo na sa mga wala sa bahay ng mga amo ninyo.
02:09Unahin natin ang kaligtasan natin. Unang-una at sa ngayon mga pamilya dito, may pamilya din tayong naghihintay sa Pilipinas.
02:19Samantala, nagpaalala rin ang ating imbahada sa Israel sa mga Pilipino roon na kung inabutan ng emergency alert habang nasa
02:28labas,
02:28ay agad silang pumasok sa pinakamalapit na building o community shelter.
02:33Pakiusap din ang ating imbahada, iwasan muna ang pag-Facebook live, pag-video o pagkuhan ng larawan sa labas habang
02:41may emergency alert upang maiwasan ang anumang aksidente.
02:46Para sa Integrated State Media, Step Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended