Skip to playerSkip to main content
  • 8 minutes ago
Ilang magsasaka sa Dagupan City, ikinatuwa ang nakatakdang pamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan; LGU at City Agriculture Office, handa sa pamamahagi ng ayuda | ulat ni Ricky Casipit - Radyo Pilipinas Dagupan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, mga magsasaka sa Pangasinan, ikinatuwa ang nakatakdang pamamahagi ng fuel subsidy
00:06na mahalaga para maibsan ang kanilang gastusin sa produksyon.
00:11Si Ricky Kasipit ng Radio Pilipinas Dagupang sa Sentro ng Balita.
00:18Krudo ang kailangan ng mga magsasaka rito sa Alaminos City para maghamit o mapatakbo ang mga makinarya nila sa pagsasaka.
00:27Kaya naman laking tuwa ni Kuya Renato ng malaman na may fuel subsidy na ibibigay ang pamahalaan para sa kanila
00:35dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo.
00:38Laking tulong po na yung mga ibibigay nilang ganyan na tulong sa amin.
00:44Kasi talagang kung hindi po sila tutulong sa amin, mahirapan po talaga kaming mga magsasaka at mangingisda.
00:50Si Atil Yonesa naman naibsan ang iniisip na pangamba dahil sa inaasahang tulong ng pamahalaan.
00:58Maaapektuhan din daw kasi ang mga mamimili ng pagtaas ng production costs ng mga produktong agrikultura.
01:06Napakalaking tulong po sa amin bilang mga magsasakasel ang ibibigay na tulong.
01:11Yun ang aming pinasasalamatan lalo sa ating Panginoong Diyos at higit sa lahat sa aming mga pinuno.
01:21Dahil kung wala po sila, hindi namin alam ang aming gagawin.
01:25Pagtitiyak naman ang City Agriculture Office sa karamihan sa mga magsasaka sa lungsod
01:31ay nakarehistory system for basic sectors in agriculture o RSBSA
01:37na kinakailangan upang maging kwalifikado sa mga programa ng pamahalaan.
01:42Dagdag pa ng tanggapan, nakahanda ang lokal na pamahalaan na magbigay ng opisyal na talaan
01:48upang mapabilis ang implementasyon ng fuel subsidy sa mga binipisyaryo.
01:53Kamihan naman sa ating mga magsasaka ay registered RSBSA na sila.
01:59Registered na sila sa RSBSA at saka yung mga fisher folks natin may tinatawag nating fishery registration.
02:06Kaya wala naman tayong problema doon.
02:10Ready naman ang ating opisina sa mga ganyang bagay.
02:13Habang naghihintay sa tulong ng pamahalaan ang mga magsasaka na gaya nila Kuya Renato at Ati Lonesa,
02:20magtitiyaga at magtitipid muna raw para may kitain pa rin sila.
02:25Mula rito sa Alaminos City para sa Integrated State Media,
02:30Ricky Kasipit ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended