Skip to playerSkip to main content
Mula samgyeopsal hanggang sa skincare routine, hindi maikakaila na malaki ang impluwensya ng South Korea sa pagkain at beauty trends sa buong mundo.

Pero paano nga ba lumawak ang kanilang kultura?

Panoorin ang ‘Annyeonghaseyo, South Korea,’ dokumentaryo ni John Consulta, sa #IWitness.

FULL EPISODE: https://youtu.be/fEN7xIfxDD0


Category

😹
Fun
Transcript
00:00May mga Korean towns sa Pilipinas.
00:03Ang pinakamalaki ay nasa Angeles, Pampanga.
00:07Dito, tila isang maliit na piraso ng soul ang sumibol.
00:12Mga authentic na restaurant, groceries, wellness centers,
00:16at syempre, ang favorito ng marami, ang Samgyupsal.
00:22Unang-una po, dahil sa na-influential din sila sa mga K-dramas
00:29kasi nakikita din nila yun.
00:30And at the same time, kaya nakilala din ang Samgyupsal dito
00:34kasi yung lasa, kakaiba ang mga lasa.
00:53Ang Samgyupsal ay isang popular na patahe na sumikat noong 1960s.
00:59Three-layered meat ang tipikal na ginagamit dito
01:02na binubuo ng makakapal at hindi iminari-meet na hiwa ng pork belly.
01:10Karne ng baka ang orihinal at nag-iisang klase ng karne sa Samgyupsal.
01:17Subalit, matapos ang Korean War, bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
01:22Kaya naging alternatibo ang karne ng baboy,
01:26dahil na rin sa murang presyo nito.
01:31Ngayon, isa na itong must-eat sa Korea.
01:34Ang simple pag-ihaw nito sa mesa.
01:39Ang magingat sa pagbalog sa dahon ng lettuce.
01:44Ang pagsasama-sama sa iisagri.
01:47Sumasalamin sa kultura ng pagsasalo-salo at pagbubuklod.
02:02Ang pagmamahal na ito sa lutoing Koreano ay umabot na sa iba't ibang bansa.
02:10Patunay ang mga kukiklas para sa bibimbap na dinadagsa ng mga dayuhan mula kaluran hanggang asya.
02:19Lahat sabik batutunan ang sining ng paghahalo ng kulay, lasa at tradisyon sa isang plato.
02:27In some case, it can be mushrooms bibibap or vegetables bibibap.
02:36So ito ko tayo ngayon.
02:38Actual nang sinisimulan yung pagluluto ng bibibap with a twist.
02:52Nasasabing isa rin ang bibibap sa mga praktikal na kainin matapos ang Korean War.
02:59Simple lang daw kasi ang mga sangkap nito.
03:02Yan ang diwa ng K-culture.
03:05Isang natural at organikong paglawak ng kultura.
03:09Hindi itinilit, hindi itinulak, kundi usang tinanggap ng mundo.
03:20At kung pagpapaganda din lang ang pag-uusapan, nariyan ang K-beauty.
03:26Kilala ang South Korea bilang plastic surgery capital ng mundo.
03:31Subalit, lumalaganap na rin ang kanilang skincare regimen dahil sa karidad nito.
03:39Kaya naman, lumubo ang industriya ng K-beauty.
03:46Sa kasalukuyan, pumapangatlo ito sa larangan ng cosmetics exporting sa buong mundo.
03:53Dito sa Beauty Play, nakadisplay ang samutsaring beauty products.
03:59Mapapansin na hindi kilala ang brands.
04:03Layon kasi ng organizers nito na tulungan makipagsabayan sa merkado ang mga maliliit na negosyo.
04:12K-beauty has its roots in a long history.
04:16I believe that the good ingredients and routines that have existed all along all,
04:22now being recognized globally by many people.
04:27In that sense, I feel very proud.
04:29It gives me a strong sense of pride and fulfillment.
04:38Sinisimulan na rin daw nila na i-promote ang mga Korean SMSE o small and medium-sized enterprises sa Pilipinas.
04:47Sa Pilipinas, tila naging bahagi na ng ritual sa umaga hanggang gabi ang Korean skincare routine.
04:55Ang glass skin look makinis, malinaw at kumikinang ay ginaya at minahal ng marami.
05:05Isang Pilipina ang nagpa siyang lumipad sa Korea upang maging bahagi ng umuunlad na beauty industry.
05:13Ngayon, nag-eexport siya ng world-class Korean-made products pabalik sa Pilipinas.
05:19Parang paikot na kwento ng tiwala at karidad.
05:23Pag sinabi kasing Korea, number one yan na number one, maganda yung mga cosmetics nila.
05:30Number one, yung mga surgery dito sa Korea.
05:33Yan po. Alam kong talagang ang quality ng brand nila ay talagang hindi tinipid sa ingredients.
05:41Talagang makikita mo agad yung kagandahan pag nagamit mo.
05:45Maraming salamat sa pagtutok sa Eyewitness, mga kapuso.
05:48So, anong masasabi nyo sa dokumentaryong ito?
05:51I-comment na yan at mag-subscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended