00:00Tiklo sa Alaminos, Pangasinan ang isang Koreanong leader umano ng sindikato sa kanilang bansa.
00:06Ang puganting nag-ooperate din sa Pilipinas, nagpapanggap umanong Pilipino at may hawak na Philippine passport at driver's license.
00:14Nakatutok si John Consulca, exclusive.
00:19Sa kalsadang ito ng Alaminos, Pangasinan, hinarang ng mga tauan ng Bureau of Immigration, Fugitive Search Unit,
00:26ang sasakyang ito, lulan ang pakay na dayuhan.
00:28Nang tanongin ang Koreanong sakay kauday sa kanyang kapanganakan,
00:32Saan ka pinanganak?
00:33Basig po, basig, orambo. Orambo, basig.
00:36Todogiit ang dayuhan na isa siyang Pilipino.
00:39Pero pagdating sa police station,
00:41Ano pangalanan natin mo? Pwede mo masulat?
00:44Nakay ko?
00:45Nakay mo. Sulat mo.
00:48Dito na nagkabistuhan.
00:50You have the right to live in silence. Anything you say can be used against you.
00:55Ayon sa BI, nagpapanggap na Pilipino ang 41 anos na Koreyano na isa umanong big boss ng isang crime group
01:02at nag-operate dito sa Pilipinas.
01:05Matagal na nating sinusundan from Batangas kasi pag may may-ari din siya doon na resort,
01:12nasundan natin siya dati doon at lumipat na nga siya dito sa area ng Alaminos.
01:16Nag-umagamit na rin siya ng Filipino na identity.
01:20During the arrest nga, nag-presenta siya sa atin ng Philippine passport.
01:24May nakuha din tayong driver's license.
01:27Malawak umalo ang operasyon ng grupo ng dayuhan na pumasok ng bansa bago pa siya naisuhan ng Interpol Red Notice.
01:34Leader siya ng isang voice fishing syndicate sa Korea kung saan kumita ito ng milyon-milyon sa kanilang mga biktima.
01:42May mga telemarketer sila, may mga tinatawagan sila na mga biktima nila sa Korea, nagpapanggap sila na empleyado ng mga
01:50bangko.
01:51Bukod sa kanyang hawak na lesensya, iniimbisigan din ng Land Transportation Office o LTO ang kanilang natuklasan kaugnay sa Puganting
01:59Dayuhan.
02:00Titignan din natin yung mga nag-issue kung itong mga opisyal na ito ay nandito pa sa LTO o ito
02:05yung mga natanggal na.
02:06Meron dalawang nakarehistrong sasakyan sa pangalan niya na maaaring ginagamit din niya sa mga kanyang mga kasindikatuhan na ginagawa dito
02:17sa bansa natin.
02:18Sinisikap pang makuha ng GMA News ang panig ng suspect.
02:21Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
02:28Mga kapuso, umakyat pa sa may gitsan libo ang mga Pilipino sa Middle East na umuling na mapauwi ng Pilipinas
02:34dahil sa nagpapatuloy na guluroon.
02:37Sabi ng Pangulo, hahanapan naman ang paraang mailika sila pero sa ngayon, delikado pang magpalipad doon.
02:44Nakatutok si Ivan Mayrina.
02:49Dumagundong sa bahagi ito ng Teheran sa Iran sa lakas sa pagsabog mula sa pag-atake ng pinagsamang pwersa ng
02:55Israel at Amerika.
02:58Ang gaya nitong pag-atake ang nagtulak sa Iran para gumanti sa Israel at mga kalapit bansa na may mga
03:10military base ng Amerika.
03:13Ngayon, damay na rin sa nagpapatuloy na sigalot ang ibang bansa kabila ang malapit sa Middle East.
03:22Tulad ng Pakistan kung saan ipinrotesta ang mga pag-atake.
03:29Sampo ang nasawi sa rali sa harap ng US Consulate sa Karachi.
03:36Nabulabog naman ang mga residente ito sa bahagi ng Southern Lebanon sa pagtama ng Israeli missile.
03:44Dahil sa nagpapatuloy na gulo, umabot na sa mahigit 1,400 Pilipino ang humiling na mapauwi na.
03:50Pinakamarami sa Dubai, Israel at Abu Dhabi.
03:53Pero sabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa pulong kasama ng gabinete,
03:57hindi patiyak kung kailan masisimulan ang repatriation.
04:00Ang assessment namin is delikado siguro magpalipad.
04:05Kahit na kaya natin magpumuha ng aeroplano at ipasok, wala tayong magagawa.
04:10Dahil, number one, the airports are closed, they're all no-fly zones.
04:14This is a combat area.
04:16Ayaw na ng Pangulong madagdaga ng isang Pilipinong kumpirmadong namatay sa gunti ng Iran sa Israel.
04:21Kaya panawagan ng gobyerno sa mga Pinoy sa Middle East.
04:24If you are in a safe place, kung malayo naman kayo, just stay put and be safe.
04:30And we will slowly try to find ways.
04:33For those who want to be repatriated, we will find ways to get you out safely.
04:39Iginit muli ng Pangulo ang suporta sa mga inataking bansa.
04:42Let's hope that there is a Cesar and we, the Philippines, ask all parties to show restraint
04:49and to bring this to a close as quickly as possible.
04:52Bukod sa kabuhayan ng halos dalawa't kalahating milyong Pilipino sa Middle East,
04:56binomonitor din ang gobyerno ay ibang epekto ng tensyon doon, tulad sa palitan ng piso sa dolyar.
05:01Karamihan ng remittances natin ay talaga dyan galing.
05:06Yan ang pinakamalaking working group natin na hindi nila kasama ang pamilya nila
05:13kung hindi nagre-remit ng pera dito sa Pilipinas.
05:16Kasi kung umakyat ang peso, lumalaking ang remittance.
05:19Pero kung bababa naman, ang actual na dolyar na pinapadala dito, e di bababay.
05:25Posible ring maapektuhan ang presyo ng mga pangon na himbilihin kung tataas pa ang presyo ng produktong petrolyo.
05:31Pero kung siguridad ang usapan, siniguro ng gobyerno na walang direktang epekto sa Pilipinas,
05:37ang gera sa Middle East.
05:39Itong mga agam-agam na ito, ulitin ko, walang basihan.
05:43Sa ngayon, ulitin ko ang sinabi ng armed forces, walang direct threat.
05:48Sa siguridad na Republika ng Pilipinas in a military sense, itong nangyayari sa Middle East sa ngayon.
05:57Para sa GMA Integrated News, Ivan Merina na Katutok, 24 Horas.
06:01Lusot na sa Komite sa Kamara ang isang Substituted Anti-Political Dynasty Bill.
06:10Yan ay sa kabila ng pagtutol ng ilang mambabatas,
06:13dahil pinapayagan pa rin ang magkakaanak na nasa posisyon kung nasa iba-ibang lugar.
06:23Nakatutok si Ian Cruz.
06:35Sa botong yan ay inaprubahan sa Komite level ang isang Substituted Anti-Political Dynasty Bill.
06:42Consolidated Bill ito ng mahigit dalawag pong panukala,
06:45pero nakabase sa inihain ni Speaker Faustino Bojidi at Majority Leader Sandro Marcos
06:51at suportado ng mahigit sandaang mambabatas.
06:55Na-aprubahan yan sa kamila ng pagtutol ni House Deputy Minority Leader Edgar Irise
07:00dahil pinapayagan naman ang magkakaanak hanggang second degree ng consanguinity and affinity
07:06kung nasa magkakaibang posisyon sila sa nasyonal o sa iba-ibang lokal na lugar.
07:12Dito po, sampu kayo na magkakamaganak.
07:16Lahat kayo pwedeng kumandidato dito sa iba't ibang mga posisyon.
07:21Sampu kayo? Pwede! Hindi may monopoly of power.
07:26Binabastos natin ang essence ng konstitusyon.
07:30Na-classify doon one local, one national, one province, munisipyo, city, barangay.
07:40Oo. It's because ganun talaga po yung subdivision talaga in reality.
07:45Binawi na ni Irise, gayon din ni na ACT Teachers Party Leads Representative Antonio Tino,
07:51Kabataan Party Leads Representative René Coe,
07:53at Akbayan Representative Dada Kiram Ismula ang pagsponsor nila sa substituted bill.
07:59Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok. 24 oras.
08:08Chika Minute na po mga kapuso at ang makakasama natin ngayong Tuesday, Chikahan,
08:12ang gumanap na mukha ng batis ng katotohanan sa Encantadia Chronicle Sangre si Ashley Rivera.
08:20Ashley!
08:21Thank you, Ms. Vicky, and good evening, mga kapuso!
08:26On fire agad in her Contra Vida era si Ashley Ortega sa unang episode pa lang ng GMA Afternoon Prime
08:32Series na Apoy sa Dugo.
08:35Pinuri rin ng mga manonood at netizens ang takbo ng istorya at galing ng cast.
08:40Makitsika kay Athena Imperial.
08:46Fierce and unapologetic ang bumungad na ora ng karakter ni Ashley Ortega na si Angel sa pilot episode ng GMA
08:54Afternoon Prime Series na Apoy sa Dugo.
08:57Walang kahit anumang lines, pero achieve ang pagiging Contra Vida.
09:02From the presentation na shooting down pa lang papunta sa face is something cinematic talaga.
09:08So, happy ako sa introduction ng karakter ko and yung goal ko talaga kahit wala pa akong lines, parang alam
09:13na ng tao yung aura and vibes ni Angel.
09:16Binagawa ko lahat ng ito para sa'yo!
09:18Sabi ng mga tumutok, fresh take na walang love triangle sa istorya.
09:23Mas nagfocus kasi ang serye sa half-sisters na sina Angel at attorney Vanessa Sanggalang Panganiban na role naman ni
09:30Elle Villanueva.
09:31Habang ipinalalabas ang pilot episode sa telebisyon, ka-interact nila Ashley, Elle at Derek Monasterio ang viewers at netizens sa
09:39Kapuso stream.
09:40Thankful sila sa mga nanood at sa positive feedback.
09:44Athena Imperial updated sa Showbiz Happening.
09:48Mga Kapuso, tinutugis ngayon ang isang Syrian na inareklamo ng mga dating kasintahang Pinay kabilang ang isang streaming artist.
09:56Bukod sa paranakit, tinakot pa umuno ang mga biktima kaugnay ng ilang video.
10:01Kung hindi magbibigay ng pera, narito ang aking eksklusibong magtutok.
10:09Humigit kumulang apat na taon na naging karelasyon ng 20 anyos na nursing student na si Lily,
10:16hindi niya tunay na pangalan, ang isang 24 anyos na Syrian national na isang foreign student na kumukuha ng kursong
10:23medisina.
10:24Pero kamakailan, hiniwala yan ni Lily ang Syrian dahil nananakit na raw ito.
10:30Hinila niya po yung kamay ko tapos nahulog ako sa saig.
10:33At pag may pinagsiselosan po siya, sinasaktan niya po ako physically.
10:37Ano ginagawa niyang klase ng paranakit?
10:40Pananakal, pananampal, tapos panununtok.
10:44Ipinakita ni Lily sa GMA Integrated News ang mga tinamunyang mga latay, pasa at sugat
10:49ng pagbuhatan siya ng kamay kamakailan ng Syrian.
10:53Ayon kay Lily, lalo raw nagalit ang dayuhan sa kanya nang makipaghiwalay na siya
10:58at ang naging bantaraw nito, ipapakalat ang mga privado nilang videos.
11:04Isisend niya po sa mga pamilya ko at sa mga kaibigan.
11:07Kinalat na rin po niya sa story sa Facebook.
11:10Nakakahiya po, masakit, mahirap.
11:13Nakakapagod na po yung ginagawa niya tapos sobrang stress.
11:16Kanina, sinamahan namin si Lily sa PNP Anti-Cyber Crime Group para makapag-file ng complaint.
11:22I already instructed my teams from the Women's and Children's Unit to conduct investigations
11:29and to coordinate with the Bureau of Immigration as to the whereabouts of the suspect.
11:35Then of course, to conduct cyber patrolling.
11:38Pero sa opisina ng PNP-ACG, nagkataong may isa pang nagre-reklamo sa parehong Syrian national.
11:47Lumalabas na matapos ni Lily, nakarelasyon naman umano ng Syrian.
11:52Ang complaint na itatago namin sa pangalang Alma, hindi niya rin tunay na pangalang.
11:57Si Alma, isang artista sa isang local online streaming platform.
12:02Nag-file din ang parehong kaso si Alma laban sa inre-reklamong Syria national.
12:07I-send niya po yung fake video ko sa full family and relatives kung hindi ko siya bibigyan ng kalahating
12:17milyong piso.
12:18Ang alam ni Alma, nakalabas na raw ng Pilipinas ang Syrian at nakauwi na sa kanilang bansa.
12:24Araw-araw po ako umiiyak, sumisigaw. May araw po na inuuntog ko po yung ulo ko dahil sobrang takot, sobrang
12:34hindi ko na po alam ang gagawin.
12:36Sa kali na nakalabas na raw ng bansa ang suspect at patuloy pa rin itong nagbabanta at nangingikil,
12:43ayon sa PNP-ACG, pwede pa rin daw kabulin ang kagaya nito at mapanagot ng batas.
12:49We will prepare it to the Department of Justice for the IMLAT.
12:54So we have a legal assistance treaty with the other countries.
12:58So we will request them and of course through Interpol.
13:01Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 oras.
13:07Nianig ang ilo-ilo ng magnitude 4.8 na lindol kagabi.
13:16Nagsilabas ng bahay ang ilang taga-bayan ng tubungan.
13:20Wala namang naitalang major damages sa bayan ng Gimbal kung saan naitalang epicentro ng lindol ayon si MDRRMO.
13:29Pero sa bayan ng tigbawan, nakitaan ang malalaking bitak ang ilang bahay at classroom.
13:41Para makapagbigay ng magandang action drama dedicated sa kanika nilang training,
13:47ang cast ng upcoming GMA series na Task Force Firewall.
13:51Di lang familiarity workshop ang ginagawa nila, kundi physical training gaya ng gun handling.
13:58Makitsi ka kay Aubrey Carampel.
14:03Sumabak sa gun handling training sa Clark Pampanga,
14:06si Kylie Padilla, Jack Roberto, Kaylin Alcantara at Miguel Tan Felix.
14:12Isa lang ito sa preparations ng apat para sa matinding aksyon na gagawin nila
14:16sa upcoming kapuso action drama series na Task Force Firewall.
14:22Malaking tulong araw ang training para mas maging kapaniwala ang kanila mga karakter
14:27at mas mabuild ang kanilang rapor and chemistry on set.
14:31Na-appreciate ko yung kahapon because we were all together,
14:34you know, working together, experiencing, you know, new things together.
14:38Kasi ano kami, we're all trained in combat.
14:42So gusto namin sana tama yung lahat ng gagawin namin.
14:46Masakit katawan namin, totoo lang.
14:48Kasi ginawa talaga namin yung ginagawa ng mga sundalo na training.
14:52So may nag-coach sa amin.
14:54Sa kanilang grupo, si Kylie ng first time sasabak sa isang action drama series.
15:00Kaya excited na siyang matuto ng iba pang physical stunts.
15:04Isa yung firing sa mga ginagawa akong sport personally.
15:09So sobrang na-enjoy ko po yung kahapon.
15:12And yeah, with their guide na nag-action na po sila,
15:17siyempre isang malaking tulong po yun para sa akin.
15:22Dahil experience na po sila dun sa genre na yun.
15:26And ako, I cannot wait to experience the genre ng action naman.
15:32Si Miguel naman nag-overnight pa para sa kanyang rigid military style training sa Tarlac.
15:38Feeling ko isa rin yun sa mga duty ng mga actors is kung paano ipag-aralan talaga
15:47kung paano yung ginagawa ng trabaho ng karakter.
15:50Sumabak din ang apat sa familiarity workshop.
15:53Kasama ang co-stars gaya nila Buboy Villar, Chesca Fausto at Shane Sava.
15:59Mas klaro na ngayon yung mga karakter namin and how sila nagkoconnect sa isa't isa.
16:05Aubrey Carampel, updated sa Showbiz Happenings.
Comments