Skip to playerSkip to main content
Nasa Pilipinas para sa isang state visit ang pangulo ng Republic of Korea na si Lee Jae Myung.


Nagtungo siya sa Palasyo kung saan ilang kasunduan ang naselyuhan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa Pilipinas para sa isang state visit ang Pangulo ng Republic of Korea na si Lee Jae-myung.
00:06Nagtungo siya sa palasyo kung saan ilang kasunduan ang naselyuhan.
00:10Nakatutok doon live si Ivan Mayrina.
00:13Ivan!
00:17Emil, kasalukuyang naririto pa rin sa Palasyo ng Malacanang si Korean President Lee Jae-myung
00:23para sa banquet na inihanda ni Pangulong Bongbong Marcos para sa kanya at sa kanyang official delegation.
00:31Ilang mahalagang kasunduan din ang naisa pinal kasunod ng pagpupulong ng dalawang lider.
00:41Personal na win-elcome ni Pangulong Bongbong Marcos kasama si First Lady Luisa Raneta Marcos,
00:46si Republic of Korea President Lee Jae-myung at First Lady Kim Hye-kyung.
00:50Kasama rin ang dalawang lider, ang ilang mga piling miyembro ng kanilang gabinete
00:53sa kanilang mga panimulang pananalita baga magsimula ang kanilang bilateral meeting.
00:57Pinasalamatan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Korean government sa kanilang naging suporta
01:01sa mahalagang infrastructure projects tulad ng Pangil Bay Bridge sa Tubod, Lanao del Norte
01:06na pinondohan ng pautang ng Import-Export Bank ng Korea.
01:10Ilang mga proyekto pa ang popondohan sa pamagitan ng pautang mula sa Korea.
01:14May free trade agreement din ang Pilipinas at Korea na nakatulong sa paglawak ng export market
01:19ng mga produktong Pinoy at lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
01:22Hindi rin pinalampas sa Pangulo na banggitin ang pagkahumaling ng mga Pinoy
01:26sa kulturang Koreano mula K-pop, K-drama at maging sa Korean food.
01:32Filipinos also have embraced very much Korean culture, starting with K-pop, K-drama
01:39and of course our shared values.
01:41Pinasalamatan naman ang Korean President ng mahaba at malalim na ugnayan ng dalawa bansa
01:45mula sa pagsuporta ng mga Pilipino sa Korea noong Korean War
01:48hanggang sa nagpapatuloy na economic cooperation.
01:51Handa raw suportahan ng Korea ang mga advokasyang naisisulo ng Pilipinas
01:55sa pangungunan nito sa ASEAN ngayong taon
01:57at nagpahayag ng pagnanais sa patuloy na pahigtingin ang ugnayan ito
02:00lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa mundo.
02:06In addition, in today's meeting, President Marcos and I discussed not only the regional
02:11but also the international situation, including the Middle East.
02:19Emil, sa pagtatapos nga ng pulong ni Pangulong Bongbong Marcos at ni President Lee
02:24ay sampung kasunduan ang formal na pinirbahan sa larangan niya ng ekonomiya,
02:29sa teknolohiya, sa defense procurement para sa modernization ng AFP,
02:35sa larangan ng police cooperation o kooperasyon sa pagitan ng pulisya
02:40ng dalawang bansa at gayon din sa Korean language education.
02:44Pareho namang nagpahayag ng suporta ang dalawang leader sa pagtindig
02:48para sa kapayapaan sa Indo-Pacific region, sa Korean Peninsula
02:52at sa agarang pagresolba sa Sigalot sa Middle East.
02:57Emil.
02:57Maraming salamat, Ivan Mayrina.
Comments

Recommended