00:00Hindi na umabot ang isang Pinoy mountaineer sa tuktok ng Mount Everest.
00:05Namatay siya bago pa man maabot ang pinakamataas na bundok sa mundo.
00:10Nakatutok si Rafi Tima.
00:15Ever since I was a child, I've always had this urge of wanting to see the edge
00:21and to come back and tell my story about it.
00:25Ito ang bahagi ng mensahe ni Engineer Philip P.J. Santiago
00:27bago siya tumulak patungong Nepal sa kanyang misyong akyatin,
00:30ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.
00:33Pero hindi lang pansarili ang pakay ni Engineer P.J. sa kanyang pag-akyat.
00:36Pagsuporta rin ito sa kanyang advokasya para sa Clean Water Philippines
00:40at paglaban sa children's cancer.
00:42Pure children's cancer.
00:46Climbing Mount Everest is very little compared to the battles
00:51these little warriors are facing everyday.
00:54And we aim to give attention and awareness to their plight and for their cause.
01:04Matagal ang naging preparasyon ni P.J. para saan niya'y climb of a lifetime.
01:08Kabilang dito, ang pagtakbo ng marathon o 42 kilometers habang suot ang isang backpack
01:13na may bigat na 15 kilo.
01:15Bago ang Mount Everest Summit climb, dalawang beses siyang nagpabalik-balik sa Nepal
01:20para akyatin ang Everest Base Camp noong 2023
01:23at isang mas maliit na bundok noong nakarang taon para sa ice at snow climb training.
01:29Nitong Abril, tumulak siya pa Nepal kasama ang pinsang si Carl Santiago
01:32bilang Base Camp Support Staff.
01:35Bahagi si Engineer P.J. na isang climbing group
01:37na kinibibilangan ng mga climbers mula sa iba't ibang bansa.
01:40Noong nakarang linggo, tinamaan ng avalanche ang grupo ni Philip.
01:44Bagamat bahagyang nawala ng malay at nasugatan sa pisngi,
01:47pinatuloy siya sa summit push ng kanilang doktor matapos ang anim na araw na pahinga.
01:52Sa Camp 4, huling nakitang buhay si Philip.
01:55Mula rito sana'y magtatangka siyang maging ika-anim na Pinoy
01:58na makarating sa tuktok ng 26,000 talampakang Mount Everest.
02:03Sa ngayon, hindi pa na ibababa ang kanyang labi mula sa bundok.
02:06Taon-taon, may namamatay na climbers sa Mount Everest
02:09at ngayong taon, si Philip ang unang non-local doon
02:13na nagbuwis ng buhay sa bundok.
02:16Family, friends, supporters and sponsors,
02:20we thank you.
02:22Together, let's do this.
02:24Para sa GMA Integrated News,
02:26Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments