00:00Ipinasabdina ng Department of Justice sa mga opisyal ng Villar Land Holdings Corporation
00:05na inereklamo ng Securities and Exchange Commission.
00:08Ayon sa DOJ, pagpapaliwanagin sila kaugnay sa reklamong paglabag sa Securities Regulation Code
00:14tulad ng market manipulation, insider trading, at misleading disclosures
00:19na naging dahilan daw para malinlang ang mga investor.
00:23Hindi pinangalanan ng DOJ kung sino-sino ang mga ipinasabdina.
00:26Kabilang sa mga inereklamo ng SEC ay sina Villar Land Chairman at dating Senate President Manny Villar,
00:33dating Senadora Cynthia Villar, mga anak na sina Incumbent Senators Mark at Camille Villar
00:39at apat na iba pang opisyal ng Villar Land.
00:43Inereklamo rin ng SEC ang ilang opisyal ng Infra Holdings Corporation and MGS Construction
00:48dahil sa umunoy paglikha ng artificial demand at sumuporta sa presyo ng Villar Land shares.
00:54Sabi ng Villar Land, welcome sa kanila ang pagkakataong magpaliwanag at sagutin
01:00ang mga aligasyon sa tamang forum.
01:03Handa raw sila makipagtulungan sa mga otoridad at patunayan na wala silang nilabag na batas.
01:08Nauna na ang iginiit ni Manny Villar na kailanman ay hindi siya pumasok sa iligal na gawain
01:13para manloko ng mga customer at investor.
Comments