00:01Salamat, Nelson!
00:02At mga kapuso, tuloy-tuloy po ang ating pagbabalita dito sa 24 Horas Weekend.
00:08Sa pagpasok po ng Marso na Fire Prevention Month,
00:11muling pinag-iingat ang publiko, lalot sa unang dalawang buwan ng taon,
00:15tumaas po ang bilang ng mga naitalang sunog.
00:18Nakatutok si Von Aquino.
00:24Mahigit sampung bahay ang natupok sa Mangal Drive, Barangay Baliwasan, Zamboanca City.
00:29Labing limang pamilya ang apektado. Walang nasaktan.
00:33Nasa 12 milyon pesos ang halaga ng pinsala.
00:36Base sa investigasyon, nagsimula ang apoy sa napabayaang nasusunog na basura.
00:41Sa datos ng Bureau of Fire Protection mula January 1 hanggang February 27, 2026,
00:47mahigit dalawat kalahating libo ang naitalang sunog sa buong bansa.
00:51Mas mataas kaysa kaparehong panahon noong 2025.
00:54Sa mga nagdaang sunog, problema sa kuryente ang nangunguna sa mga sanhi.
00:59At sakto, sa pagdating ng Marso na Fire Prevention Month,
01:03muling nagpaalala ang BFP sa publiko para makaiwas sa sunog sa buong taon.
01:08Itong tag-init nga, mas marami na po ang gumagamit ng mga dikuryenteng kagamitan.
01:14Tulad na lamang ng pampalamig, pampahangin.
01:18Kung meron halimbawa yung madalas na pagtrip ng breaker or pagputok ng pius,
01:23ay ipacheck nyo na yan sa mga listadong elektrisyan.
01:26Ang ilang residente ng Barangay Addison Hills sa Mandaluyong,
01:30natuto na raw lalo't laging nagkakasunog sa lugar.
01:33Kung dati gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay,
01:37ngayon halos lahat ay gawa na sa kongkreto.
01:40Niluwagan na rin daw nila ang mga daanan sa lugar.
01:42Nung dati namin, kung saan ka po papasok, dun ka rin po lalabas.
01:48Kumbaga, isang entrada lang.
01:50Kaya nung nagkaroon ng trahedya, marami sa amin ang walang naisalba.
01:55Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
02:01At yan po ang mga balita ngayong Sabado
02:03para sa mas malaki misyon at mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
02:07Ako po si Pierre Canghel.
02:08Ako po si Ivan Mayrina.
02:10Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
02:14Nakatutok kami, 24 oras.
Comments