00:00Good news sa mga miembro ng Pag-ibig Fund.
00:03May pagtaas po sa dividendo ng mandatory at voluntary contributions
00:07na pinakamalaki raw sa kanilang kasaysayan.
00:10Kung magkano alamin sa pagtutok ni JP Soriano.
00:16Kung matindi ang pangangailangan,
00:18nakakautang sa Pag-ibig Fund ang maintenance service employee na si Marlene.
00:23Sulitan niya ang buwan ng kontribusyon.
00:25At para may malaki rin siyang pera pag nagretiro na at wala ng sahot,
00:30magsisimula na rin siya ng MP2 savings
00:32o yung voluntary contribution na mas mataas ang dividendo
00:36kumpara sa regular na hulo.
00:38Nag-a-apply po ako ng MP2.
00:40Kasi ang sabi nila, maganda daw kasi parang savings muna din po
00:45kasi may 7% daw po na interest.
00:48At tuloy-tuloy ang mataas na tubo ng MP2 savings
00:52na kumaas pa itong 2025 kumpara sa 7.10% ng sinundang taon.
01:00Pag-ibig MP2 savings for 2025 is 7.12%.
01:08Tumaas din ang dividendo ng mga regular savings
01:11o yung mandatory contribution kumpara sa 6.60 rate
01:14toong 2024.
01:15The dividend rate for pag-ibig
01:18regular savings for 2025 is 6.62%.
01:25Ibig sabihin, yung membro na may ipon sa pag-ibig fund,
01:30yung ipon niya, kunwari ay 10,000 pesos,
01:33ay kumita yan ng 6.62%.
01:37So, 10,000 times 6.62, so 6,620 pesos, di ba?
01:43Pag-MP2 naman, 7,120.
01:47And that is tax-free.
01:49Kahit ang mga nangungutang sa pag-ibig,
01:51nakakatanggap pa rin ng dividendo.
01:53Kasi yung iniipon ninyo, yun din ang pinapautang namin.
01:57Di ba, mayroon tayong pinatawag na affordable housing program
02:01or yung under the expanded pambansang pabahay.
02:04Ano'y interest rate doon?
02:063%.
02:07But even if you are a housing borrower,
02:10you still receive that 6.62% dividend.
02:14Kumita ka pa, no?
02:15Now na nang inanunsyo ng Pag-ibig Fund
02:18na tumaas ng halos 50% ang investment income nila noong 2025,
02:23nakatumbas ng 9.43 billion pesos.
02:26We will uphold strong governance and prudence stewardship.
02:30So, Pag-ibig Fund remains sustainable
02:32and our programs remain affordable
02:35because our members are the true owners of Pag-ibig.
02:39Sa kabuan, aabot daw sa 1.23 trillion pesos
02:43ang assets ng Pag-ibig Fund noong nakaraang taon.
02:47Para sa GMA Integrated News,
02:49JP Soriano, nakatutok 24 oras.
02:58Malalaman na silang oras ang kapuso at kapamilya teens
03:01na uuwing big winners
03:03ng Pinoy Big Brother Celebrity Co-Lab Edition 2.0.
03:06At mula sa Quezon City, nakatutok live si Atina Interia.
03:11Atina.
03:14Nelson, mamaya na ang pinakahihintay na announcement
03:18ng big winners ng PBB Celebrity Co-Lab Edition 2.0.
03:22Ang fans ng Ultimate 8,
03:23kanya-kanyang pakita ng suporta sa kanika nilang mga bayas.
03:30Tanghali pa lang nakaabang na rito sa crossroads
03:32ng Mother Ignacia, Scout Reyes at Scout Fuentevele Avenue
03:36sa Quezon City,
03:37ang ilang supporters ng PBB Celebrity Co-Lab Edition 2.0 Housemates
03:41na apat na buwan ding na natili sa bahay ni Kuya.
03:44Mamayang pasyado alas 7 ng gabi,
03:47mag-uumpisa ang The Big Night kung saan i-a-anunsyo ang winners
03:50ng 2nd PBB Co-Lab Edition ng GMA at ABS-CBN.
03:55Kapansin-pansin ang mga boost ng fans na may wraps or vinyl graphics
03:59and photos ng kanilang mga idolo at mga pares na sineship.
04:03Paikot-ikot din dito sa crossroads ang ilang mobile LED trucks
04:07na nagpapalabas ng mga naging aktibidad
04:09ng teen celebrity housemates sa loob ng bahay ni Kuya.
04:13Malalaman na mamaya ang placements ng Ultimate 8
04:15ng mga kapuso at kapamilya na si Nahith Journalist,
04:19Lella Ford, Princess Alia,
04:22Crystal Mejes,
04:23Caprice Cayetano,
04:24Miguel Vergara,
04:25Ashley Sarmiento,
04:26at Joaquin Arce.
04:32Of course, si Arwin Ashley Sarmiento.
04:36Kasi para sa akin may paninindigan kasi siya
04:39at saka may takot sa Diyos.
04:41Caprice Aline!
04:42Very genuine po at saka pinapakita talaga nila
04:45kung sino talaga sila.
04:47Bakit si Crystal ang bias mo?
04:49Kasi nakita ko sa kanya yung tunay na big winner talaga.
04:57Mga kapuso, mapapanood na mamayang 7.50 ng gabi,
05:02ang huling gabi ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0
05:05sa GMA at Kapuso Livestream.
05:08Yan ang pinakahuling ulat mula rito sa Quezon City.
05:11Nelson!
05:14Maraming salamat, Atena Imperial.
05:19Salamat, Nelson!
05:20At mga kapuso, tuloy-tuloy po
05:22ang ating pagbabalita dito sa 24 Horas Weekend.
05:26Sa pagpasok po ng Marso na Fire Prevention Month,
05:29muling pinag-iingat ang publiko,
05:31lalo't sa unang dalawang buwan ng taon,
05:33tumaas po ang bilang ng mga naitalang sunog.
05:36Nakatutok si Von Aquino.
05:42Mahigit sampung bahay ang natupok sa Mangal Drive,
05:45Barangay Baliwasan, Zamboangas City.
05:47Labing limang pamilya ang atektado.
05:50Walang nasaktan.
05:51Nasa 12 milyon pesos ang halaga ng pinsala.
05:54Base sa investigasyon,
05:56nagsimula ang apoy sa napabayaang nasusunog na basura.
05:59Sa datos ng Bureau of Fire Protection mula January 1 hanggang February 27, 2026,
06:05mahigit dalawat kalahating libo ang naitalang sunog sa buong bansa.
06:09Mas mataas kaysa kaparehong panahon noong 2025.
06:13Sa mga nagdaang sunog, problema sa kuryente ang nangunguna sa mga sanhi.
06:17At sakto, sa pagdating ng Marso na Fire Prevention Month,
06:21muling nagpaalala ang BFP sa publiko para makaiwa sa sunog sa buong taon.
06:26Itong tag-init nga, mas marami na po ang gumagamit ng mga dikuryenteng kagamitan.
06:32Tulad na lamang ng pampalamig, pampahangin.
06:36Kung meron halimbawa yung madalas na pag-tip ng breaker or pagputok ng fuse,
06:41ay ipacheck nyo na yan sa mga listadong elektrisyan.
06:44Ang ilang residente ng barangay Addison Hills sa Mandaluyong,
06:48natuto na raw lalot laging nagkakasunog sa lugar.
06:51Kung dati gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay,
06:55ngayon halos lahat ay gawa na sa kongkreto.
06:58Niluwaga na rin daw nila ang mga daanan sa lugar.
07:00Nung dati namin, kung saan ka pupapasok, doon ka rin po lalabas.
07:06Kung baga isang entrada lang.
07:08Kaya nung nagkaroon ng trahedya, marami sa amin ang walang naisalba.
07:12Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
07:18At yan po ang mga balita ngayong Sabado para sa mas malaki misyon at mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
07:25Ako po si PR Canghel.
07:26Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
07:32Nakatutok kami, 24 oras.
Comments