Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


EXCLUSIVE: Sugatan ang isang Grade 9 student matapos siyang pagtulungang gulpihin dahil umano sa selos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Maynila, sugatan ang isang grade 9 student matapos siyang pagtulungang gulpihin dahil umano sa selos.
00:07Nahuli kami yan sa pagtutok ni Jomera Presto Exclusive.
00:14Mag-isang naglalakad ang grade 9 student na si alias Jonathan sa tapat ng barangay hall ng barangay 520 sa
00:20Sampaloc, Maynila,
00:21pasado alas 12.30 ng tanghali kahapon.
00:24Maya-maya, dalawang lalaki at tumakbo at agad pinagsusuntok si alias Jonathan.
00:27May kita pa sa video na kahit nakahiga na siya sa kalsada, pilit pa rin siyang ginugulpi ng dalawa habang
00:33sinusubukan namang umawat ng ilang babaeng estudyante.
00:36Kita rin sa video na habang ginugulpi ang biktima, isang nakapulang babae ang tumakbo at huminto sa tapat.
00:42Pero imbis na umawat, kasabuat daw pala siya ayon sa barangay.
00:46Hindi kaanong naaninag pero meron siyang pinulot na bagay na nalaglag mula sa mga lalaking nambubugbog sa biktima.
00:52Pagkatapos, isang estudyante pa ang dumating at sinipapasamukha ang biktima bago sila tuluyang tumakas dahil nakita na sila ng mga
00:59tauhan ng barangay.
01:01Ayon sa barangay, pinagsilosan ang isa sa mga nambubugbog ang biktima.
01:05Inakala raw kasi nito na nililigawan ang biktima ang kanyang nobya.
01:08Eh, kasi ayaw na ng babae sa kanya eh. Nasabi naman ng babae, nag-break na sila.
01:13Labantaan pa siya na, ano yung gogolpin nga daw yung barkada nila, na yun na pinagsilosan niya.
01:20Nakapagalaman naman ng barangay na ang bagay na pinulot ng babaeng nakapula, ice pick pala.
01:25Tinanong namin yung nakapula, sabi niya, babe daw. Pero ang pinagtigilan ng mga kabaksamahan nung nabubugbog, ice pick daw yun.
01:33Talagang may intensyon daw siya. Sabi naman nung ano eh, gusto nila talagang tuloyan. Kaya lang, maagap lang sa kapitana.
01:40Kaya ang agapan.
01:42Nananatili ngayon sa hospital ang biktima dahil sa mga sugat na kanyang tinamo sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:47Habang ang tatlo sa apat na magkakasabuat, kusang dinala sa barangay ng kanilang mga magulang. Dalawa pala dito ay nasa
01:53hustong gulang na.
01:54Sabi naman ng mga tatay nung nambubugbog, gusto nila na ano, kasi pasaway talaga daw yung mga anak nila.
02:01Dinala sila sa tanggapan ng Sampaloc Police Station para sampahan ang kaukulang reklamo.
02:05Gayun din umano ang menor de edad na ex-boyfriend na posibleng isa ilalim sa Act of Discernment.
02:10Sinusubukan pa namin hingan ng pahayag ang mga naaresto. Patuloy naman ang hinahanap ang lalaki na sumipas sa mukha ng
02:15biktima.
02:16Ayon pa sa barangay, madalas magkaroon ng gulo sa kanila dahil magkakadikit ang paaralan.
02:21May mga polis naman daw na nagiikot sa lugar pero mainam sana kung mayroong po poste sa iba't ibang lugar
02:26sa paligid ng paaralan para maiwasan ng gulo ng mga estudyante.
02:30Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng MPD.
02:33Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended