00:00Sa kabila po ng mga puna ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:05tiwala ang Office of Public Counsel for Victims ng ICC na sapat ang ebidensyang inilatag ng prosecution team para ituloy
00:13sa paglilitis ang kaso.
00:15Systematiko raw ang pagpatay at hindi mga isolated or rogue incidents lamang.
00:21At mula po sa The Hague, Netherlands, ang mainit na balita hatid ni Maris O'Malley.
00:28Kahit pa ilang beses binabasag ng depensang argumento ng prosecution sa submission on the merits nito sa ikatlong araw ng
00:36confirmation of charges hearing,
00:37kampante si Office of Public Counsel for Victims head Paulina Masida na may sapat na basihan para makumpirma ang mga
00:45paratang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at matuloy ito sa trial proper.
00:49I think that the prosecution made a very good presentation in relation to all the elements of the crimes,
00:59not only in terms of the theory and how to apply the notion of widespread and systematic attack and crimes
01:08against humanity,
01:09but also at the level of concrete evidence showing a pattern in the killings,
01:15showing how Mr. Duterte was implicated in the patterns, showing the policy.
01:22Giit ng depensa kahapon sa hearing, nabiguraw ang prosekusyon na maipakita ang direktang ugnayan ng mga itinuturong hitmen sa dating
01:29Pangulo
01:30at tinawag na mahina ang kalidad ng ebidensya.
01:33Sabi ni Masida, inaasahan na raw nila ang ganitong estrategiya ng depensa.
01:38I think this is again a technique, a way in which the defense wants to portray the evidence.
01:46The threshold that the prosecution has to met is reasonable ground to believe.
01:53So it's not a threshold beyond any reasonable doubts.
01:58The judges have simply to indicate if the evidence taken as it is now in the case record
02:04is sufficient to have a trial.
02:07Tinututulan din ang depensa ang interpretasyon ng prosekusyon sa salitang neutralize
02:12na anilay nangangahulugan lamang ng pag-aresto, pagpigil at hindi pagpatay.
02:17Ayon kay Masida, iba ang nakita at narinig nilang mga salaysay mula sa mga biktima.
02:22Dagdag pa niya na hindi sapat ang pagtukoy sa mga police manual
02:25kung sa konteksto naman ng mga pahayag at pangyayari ay malinaw na ito ay pagpatay.
02:30Tinutulan din ni Masida ang puna ng depensa na walaan nilang iisa o Coordinated Criminal Plan
02:37at maaaring mga rogue acts lamang ang ilan sa mga insidente.
02:41These crimes and these killings were certainly not isolated or spontaneous.
02:46We are talking of thousands of killings.
02:48Anya, may ebidensya nagpapakita ng targeting ng isang tiyak na sibilya na populasyon.
02:54Sabi ni Masida, patuloy ang pagdurusa ng mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings.
02:59Inaasa maglalabas ng desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 sa loob ng 60 araw
03:04kung iko-confirm ang mga kaso ng buo o bahagi lamang.
03:08Isang pasyang magtatakda kung tutuloy sa ganap na paglilitis ang kaso laban sa dating Pangulo.
03:14Mula rito sa The Hague, Netherlands.
03:16Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments