00:00Magandang balita po para sa mga kababayan nating manggagawa sa Davao.
00:04Inilabas na ang bagong minimum wage rate sa regyon kung saan may dagdag sahod sa mga minimum wage earner
00:11sa sektor ng agrikultura at maging sa pribadong sektor ng non-agriculture.
00:16Ang detalye sa sentro ng balita ni Regine Lanuza ng PTV Davao.
00:23Matapos ang public hearing at masusing pagtalakay at evaluasyon sa kasalukuyang kalagayan
00:28ng socio-economic at konsultasyon sa publiko at ibang ahensya.
00:32Naglabas na ng bagong minimum wage rate ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board 11
00:38sa pamamagitan ng wage order number RB 1124.
00:42Sa ilalim ng nasabing bagong wage order,
00:44ang mga minimum wage earner sa pribadong sektor ng non-agriculture sector
00:49ay makakatanggap ng 30 pesos na dagdag sa sahod kada araw,
00:53nahahatiin sa dalawang yugto simula Marso 13.
00:56Sa kasalukuyan, nasa 510 pesos ang sahod at magiging 525 pesos na
01:02at sa September 1, 2026 ay madadagdagan muli ito at papalo na sa 540 pesos.
01:08Ang mga manggagawa sa agriculture sector ay makakatanggap ng 20 pesos na umento kada araw,
01:13nahahatiin din sa dalawang yugto.
01:16Ang 505 pesos na minimum daily wage magiging 515 pesos
01:20at sa September 1 ay magiging 525 pesos na ito.
01:24Ang hakbang na ito ay kinatuwa ng mga minimum wage earners.
01:28Gaya ni Beverly, naramdam-naramdam ang hirap ng panahon ngayon.
01:32Ah, para sa ako ama, mas okay diod siya.
01:35Kaya siyempre, ang itong mga gasto nun biya karoon kay medyo mahal-mahal na diod.
01:41Kasi gani, 1,000 pag makuhaan, murago, wala na.
01:45Ang katrabaho naman ni Beverly na si MM Kanya ay masaya rin sa nasabing balita.
01:51Nagmamahal na anya ang mga bilihin ngayon, lalo na ang mga pangunahing pangangailangan.
01:56Kaya hindi na talaga sapat ang sahod sa kasalukuyan.
01:59Kaya naman dinadaan na lamang niya sa diskarte upang mapagkasya ang kanyang sweldo.
02:12Sa kabila nito, ang ilan sa mga maliliit na negosyante tila nababahala
02:17at umapila na huwag munang ipatupad ang dagdag sahod
02:20dahil mahihirapan silang patakbuhin ang kanilang negosyo.
02:24Mula sa PTV Davao, Regine Danuza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments