00:00Bugbogsarado ang isang grade 9 student sa Maynila matapos pagtulungan ng apat na lalaki.
00:05Sabi ng barangay, selos ang ugat ng gulo.
00:07Ang nahulikam na insidente sa Balitang Hatig ni Jomara Presto.
00:13Mag-isang naglalakad ang grade 9 student na si Elias Jonathan
00:16sa tapat ng barangay hall ng barangay 520 sa Sampalok, Maynila kahapon.
00:21Maya-maya, dalawang lalaki ang tumakbo at agad pinagsusuntok si Elias Jonathan.
00:25Kahit nakahiga ng estudyante sa kalsada, ginugulpi pa rin siya ng dalawa.
00:31Sinusubukan namang umawat ng ilang babaeng estudyante.
00:34Habang ginugulpi ang biktima, isang nakapulang t-shirt ang tumakbo at huminto sa tapat nila.
00:39Kasabwat daw ng mga nambugbog ayon sa barangay.
00:42Hindi kaanong naaninag sa video pero mayroon siyang pinulot na bagay na nalaglag
00:46mula sa mga lalaking nambubugbog sa biktima.
00:49Isang estudyante pa ang dumating at sinipa sa mukha ang biktima.
00:53Pagkatapos, tumakas na ang grupo dahil nakita sila ng mga tauhan ng barangay.
00:57Ayon sa barangay, pinagsilosan ang isa sa mga nambubugbog ang biktima.
01:02Inakala raw kasi nito na nililigawan ang biktima ang kanyang nobya.
01:06Eh, kasi ayaw na ng babae sa kanya eh. Nasabi naman ng babae, nag-break na sila.
01:12Binabantaan pa siya na ano yung go-golpin nga daw yung barkada nila, na yun na pinagsilosan niya.
01:18Napagalaman ang barangay na ang bagay na pinulot ng nakapula, ice pick pala.
01:23Tinanong namin yung nakapula, sabi niya, babe daw.
01:26Pero ang pinagtigilan ng mga kabaksamahan nung nabubugbog, ice pick daw yun.
01:31Sabi naman nung ano eh, gusto nila talagang tuloyan. Kaya lang, maagap lang ang si Kapitana. Kaya ang agapan.
01:38Nasa ospital ang biktima dahil sa mga sugat na kanyang tinamo sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:42Ang tatlo sa apat na magkakasabuat, kusang dinala sa barangay ng kanilang mga magulang.
01:48Dalawa sa kanila, nasa hustong gulang na.
01:51Dinala rin sila sa tanggapan ng Sampalok Police Station para sampahan ang kaukulang reklamo.
01:56Kasama nilang minorde edad na umano'y nagselos.
01:59Posible siyang isa ilalim sa Act of Discernment na DSWD.
02:02Sinusubukan pa namin silang hinga ng pahayag.
02:05Patuloy namang hinahanap ang ikaapat na lalaki na may kitang sumipa sa mukha ng biktima.
02:10Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments