00:00Sa mundo ng sports, para sa layuning mapangalagaan ang legasya ng isa sa mga maituturing na greatest boxer of all
00:07time
00:08o mas kilala natin bilang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao,
00:12idinaos ang hands-over ceremony sa isang sports museum na isinagawa kahapon.
00:18Si Paulo Salamatin sa Sentro ng Balita.
00:25Pambansang Kamao at 8th Division World Champion Manny Pacquiao sa Philippine Sports Commission
00:30ang fight-worn gear ni Manny Pacquiao kasama ang World Boxing Council Championship belt
00:36katulad nito sa Bagong Ayos National Sports Museum dito sa Pasig City.
00:41Present sa nasabing seremonya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:46kasama si First Lady Liza Araneta Marcos at Philippine Sports Commission Chairman John Patrick Gregorio.
00:52Inihandog din sa nagrap na event ang maikling tribute video
00:55patungkol sa naging tagumpay at karangalang iniambag ni Pacquiao para sa bansa sa kanyang buong karera.
01:02A ni Pacquiao, ang memorabilyang kanyang ipinamahagi sa PSC ay hindi lamang basta umano palamuti sa museo
01:09kundi isang tanda ng ilang taong pagsusumikap at pagpuporsigi na nais niyang gayahin ng mas marami pang atleta sa bansa.
01:17This memorabilia represents stories of perseverance, sacrifice, faith in unwevering determination.
01:29They stand as enduring reminders that every triumph achieved was made possible through the collective prayers, support, and unity of
01:40the Filipino people.
01:42Maliban sa legasyang itinatak ni Pacquiao sa mundo ng boxing,
01:46ikinahanga rin ng Pangulo ang ugali ng pambansang kamao na sa kabila ng kasikatan at karangyaan sa buhay
01:52ay di pa rin umano niya nalilimutan na ipagmalaki na siya'y isang Pilipino.
01:56We can say, we can say that sa buong kasaysayan ng Pilipinas, there was never a time when we were
02:06more proud
02:07to be Filipino than our man was winning all those fights.
02:13And saying, but hindi lang kasi napakagaling niya, never niya kinalimutan ang pagkapinoy niya.
02:22Pagkatapos ng seremonya, nagkaroon din ang pagkakataon ng mga atletang dumalo
02:26na mahawakan ang WBC Championship belt ni Pacman upang magpa-picture.
02:30Anila, mas tumaas umano ang kanilang moral upang ipagpatuloy ang kanilang journey ng pagiging atleta
02:36at magbigay ng karangalan sa bansa tulad ng naabot ni Pacman.
02:41Grabe yung ginawa niya to raise the flag of our country
02:46and it's so amazing to be able to see the belt itself and sobrang nakakatuwa kasi
02:53hindi na namin siya nakita. Nakita namin siya in person and at the same time
02:56nahawakan din namin yung belt niya.
03:00Ibinahagi naman namang ilang sports officials kung gaano kalaki ang kontribusyon
03:04ng Manny Pacquiao Memorabilia sa Philippine Sports Museum.
03:08Yung memorabilia na yan, ano yan eh? It will last, what, generations and so many generations
03:15habang buhay na yan eh. Diba? And it is the responsibility of the Philippine Sports Commission
03:20to take care of this memorabilia.
03:23The competition uniform that he wore, but talagang ano, kumbaga binigay niya para sa ano,
03:31para sa Pilipinas pa rin, no? Even some of the personal stuff that he had.
03:36And so, you know, we're extremely grateful for that para naman, kumbaga,
03:42pang ano na to, pang lifetime na talaga, yung representation, yung reflection ng grit,
03:48determination, the power of the Filipino spirit, talagang habang buhay na nandito yan sa museum.
03:55Bilang tugon, target ng PSC na simulan ngayong taon ang pagpapatayo ng regional training centers,
04:01alinsunod sa kanilang layunin na palakasin pa ang grassroots boxing program.
04:07Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.
Comments