00:00Pinakamatinding kinabaan ng Super Bagyong Uwan ang Provinsya ng Catanduanes.
00:05Kau may po niyan, makakausap natin sa linya ng telepono si Catanduanes Governor Patrick Azanza.
00:11Magandang gabi po, Governor, si Dominic Albelor po ito.
00:16Magandang gabi po, Sir Dominic, mula po dito sa Provinsya ng Catanduanes.
00:23Governor, isalarawan niyo po sa amin yung bagsik ng paghagupit po ng Super Bagyong Uwan.
00:29Diyan po sa inyong lalawigan, Governor.
00:32Sir Dominic, ang Super Typhoon Uwan ay kakaibang bagyo.
00:37Alam niyo naman na ang Catanduanes po ay palagi nang dinadaanan ng bagyo taon-taon.
00:46Ngunit itong Bagyong Uwan ay may kakaibang anyo dahil hindi lamang merong malakas na hangin,
00:59may malakas din na buhos ng ulan at bumababad po siya at maliban doon, may kasama pang storm surge.
01:08Kaya naman po, talagang grabe ang pinsalang ginawa nito sa Catanduanes po.
01:16At umabot sa 130,000 ang naapekto ang mga kababayan natin.
01:23At gayon din, yung amin pong seawall sa seaport ng Virak,
01:31ang capital town ng Catanduanes po, ay nawasak po dahil sa lakas ng hampas ng alon
01:39at kumabila po mula sa parte ng dagat, papunta sa mismong Imelda Boulevard,
01:51ang paboritong lugar ng pasyalan ng mga tao dito sa Virak.
01:57At yun po, nagmistulang dagat po ang area.
02:01Gayon din po ay maraming mga lugar sa buong probinsya ang inabot ng baha.
02:09Dahil may sa dami ng ulan na ibinuhos, may mga areas na nagkaroon ng landslide at flash flood.
02:18At doon nga po sa bandang norte, sa town ng Diga, may isang nasawi dahil sa flash flood.
02:26At ang isang islet namin, ang Palumbanes, doon naman sa bayan ng Karamuran,
02:35ay nakapag-experience din ng storm surge.
02:39Ang Palumbanes po ay talagang maraming nawasak.
02:4225,000 po na kabahayan ang totally at partially damaged.
02:47At umabot sa 25,921 families ang atin pong sapilitang inilikas.
02:58Bali, parte ng ating paghahanda.
03:02Nagkaroon po tayo ng mandatory evacuation.
03:06Na ang total ay umabot sa 88,702 individuals po ang napilitan tayong sapilitan natin inilikas
03:18para po ma-avoid ang, kumbaga, itong hagupit ng super typhoon uwan.
03:26At maraming po ang nagpapasalamat dahil ginawa natin yung mandatory evacuation dahil nga po nakita nila ang resulta ng storm surge sa coastal areas.
03:38Gayun din po, may isang lugar na tinamaan ng pagbaha sa mismong sentro ng Virac, ang Gugon Sentro po.
03:50At aming pinapanawagan ang DNR po dahil nag-issue sila ng ECC or Environmental Clearance Certificate sa ginagawang isang mall po dito.
04:05At may mga reklamo na dati pa at ilang beses ko na rin sinulatan ang DNR patungkol dito dahil ito ay isang tinuturo ng mga dahilan,
04:16isa sa mga dahilan kung bakit mas lalong lumala ang pagbaha sa Gugon Sentro po.
04:23Allegedly may violation sa 3 meters na easement.
04:27Gayun din sa allegedly may mga tinabuna ng mga kanipaan na nakakapag-clog ng natural waterways.
04:36At yun po ang hinihiling natin na maimbestigahan ngayon ng DNR sa Region 5 at saka sa national level na rin
04:45para po maalaman talaga kung ano ang problema patungkol dito.
04:50Gayun din po, dahil sa dami ng mga inilikas na mga kababayan natin, as I said, 130,000 umabot ang naapektuhan,
05:0219,000 lang po ang aming nakapreposition na DSWD boxes.
05:10Kaya po naman nakausap na natin si Secretary Rex Gatchelian ng DSWD at humiling po tayo ng karagdagang mga food bags or food boxes from DSWD.
05:23At hindi naman tayo binigo ni Secretary Rex Gatchelian.
05:28Ipinangako niya na magkakaroon ng dagdag pa na food packs para sa ating mga kababayan po.
05:38Regular po kaming nakikipag-communicate kay DILG Secretary John Vic Remulia
05:45at nakakapagpalakas ng aming loob yung assurance na mismo ang Presidente,
05:53ang Pangulong DBM at ang DILG Secretary ang nagmamonitor ng kalagayan patungkol sa bagyo.
06:00At sabi niya nga po ni Secretary Remulia ay merong tulong na ipapaabot ang National Government
06:10at nakakadagdag po ito sa moral ng mga lugmok na kababayan natin dahil sa naging epekto nga,
06:18massive effect nitong Super Typhoon Uwan, Sir Dominic.
06:24At sa ngayon, ongoing na po ang pag-rebuild natin sa isla.
06:31Totally nagkaroon po ng brownout sa buong Katanduanes.
06:38At ang Fiselco po ay agad namang tumilus na ngayong nawala na ang bagyo
06:43para sa restoration po ng ating power lines.
06:46At inuuna po yung mga hospital at mga key government agencies doon sa restoration.
06:52Kanina po ay may mga areas na nagbalik.
06:57Ang EO naman at DPWAS ay nagtutulong para doon sa clearing operations.
07:04May ilan pa pong mga barangay at mga areas na totally unfassable pa
07:10dahil sa merong mga debris at mga natumbang kahoy,
07:14nabual na punong kahoy na nakaharang po sa mga daan.
07:18At ito po ay patuloy na ginagawa ang clearing operations po.
07:24At ngayon po ay yung mga bagay na ito ay siyang tinututukan natin
07:30para hopefully within the next 24 hours ay mabalik na ang kuryente
07:37at maging normal na ang flow ng transportation po sa buong isla.
07:43At samantala nagpapasalamat din po kami kay DICT Secretary Henry Aguda
07:49sapagkat meron siyang ipinadalang 37 na starlings po
07:54na siya namang nakakatulong para magkaroon ng uninterrupted communication po
08:00ang bawat monosipyo at ang ating mga kababayan po
08:04sa tulong ng naipadalang starling ni Secretary Henry Aguda.
08:09At gayon din po, nagbigay ng assurance sa atin ang iba pang ahensya
08:16ng patuloy na pagsuporta.
08:18At papasalamat po kami sa naging tulong ng PNP, Philippine Army at Coast Guard,
08:26gayon din ang Red Cross at syempre ang DSWD at DILG.
08:32At marami pang ahensya na nagtulong-tulong po para maisaayos ang ating response
08:38dito sa Super Typhoon Uwan na talaga namang kakaiba ang karakter po
08:45at nagdala ng matinding hagupit dito sa amin sa katanduanes po, Sir Dominic.
08:50Governor, madalas naman po kayong daanan dyan ng bagyo
08:53pero kumpara po sa mga nakalipas na bagyo, paano nyo po iko-compare itong bagsik
08:59nitong Super Bagyong Uwan?
09:01Governor.
09:03Yes, Sir Dominic.
09:05Kung titignan po yung Super Typhoon Pipito na dumapo din sa amin dito
09:11ng nakaraang taon at yung Super Typhoon Raleigh na halos 2-3 years na ang nakakalipas
09:21ay nasa pagitan po siya, mas malapit ng konti sa Raleigh.
09:25Ang kaibahan po talaga ng karakter nitong Super Typhoon Uwan
09:30ay yung pinagsama niya na malakas na hangin, malakas na buhos ng ulan
09:37at yun pong sinabayan ng storm surge
09:42at may estilo siya na bumababad po, nagtatagal ng gusto.
09:47Kaya talagang ang tendency ay yung dami ng buhos ng ulan
09:52ay nag-cause ng pagbaha sa ilang bahagi ng probinsya
09:59mula sa norte po hanggang sa baba, sa southern part ng island
10:05ay lahat po ay may mga areas na nabaha po
10:08at in fact doon sa northernmost part
10:11sa may bandang diga at bagamanok pandan
10:16matindi ang pagbaha na sabayan pa ng paglosen ng lupa
10:22at nag-cause ng landslide doon sa Higmoto area
10:26nag-cause ng pagbaha sa San Miguel hanggang Bubungpo
10:30umabot ang pagbaha
10:32at sa diga naman, nagkaroon maliban ng landslide sa ibang areas
10:39ay nagkaroon pa ng flash flood na siya namang ikinasawi
10:43ng isang casualty natin po na reported
10:47sa buong probinsya ng Katanduanes po.
10:52Alright, maraming salamat po Katanduanes Governor Patrick Azanza.
10:56Good evening sir.
10:57Good evening sir.