Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lusot na sa Kamite ng Senado ang Anti-Political Dynasty Bill kung saan babawala na magkaanak hanggang second degree of
00:07consanguinity at affinity kung sabay sila sa national o sa local position.
00:13May unang balita si Jonathan Andal.
00:17Matapos ang sunod-sunod na public consultation sa Luzon, Visayas at Mindanao, lusot na ang Anti-Political Dynasty Bill sa
00:25Senate Committee on Electoral Reforms.
00:27Labing dalawang senador na miyembro ng kumite ang pumirma sa committee report.
00:31May mga taga-mayorya at may mga taga-minorya at may mga kaanak sa politika tulad nila Sen. Erwin Tulfo,
00:37J.V. Ejercito, Loren Legarda, Sherwin Gatchadian, Aimee Marcos, Atrobin Padilla.
00:42Ayon kay Sen. Arisa Ontiveros na chairperson ng kumite, ang depinisyon ng political dynasty sa ipinasan nilang committee report ay
00:49yung mga may kamag-anak hanggang second degree of consanguinity at affinity.
00:54Ibig sabihin, bawal sa isang kandidato na may kasabay siyang tatakbong mga magulang at kapatid, pati asawa o live-in
01:01partner, anumang kasarian basta nagsasama sa iisang bubong at nagpapakilala bilang kopol.
01:06Pati mga anak, legal man o hindi, kabilang ang ampon.
01:10Bawal silang sabay sa national position, bawal ding sabay sa local position sa loob ng parehong probinsya, distrito o lungsod.
01:17Pero pwede kong hiwalay sa national at local.
01:19Binibilang hiwalay ang national positions sa local positions, walang prohibition between national and local.
01:28Bawal ding maging nominado ng isang party list kung may kaanak nang tumatakbo sa national o local na posisyon.
01:34Bawal ding palitan lang ng pwesto o magsaksid ang isang asawa o kamag-anak sa opisina binakante ng kanyang kaanak.
01:42Obligado ang bawat kandidato na magsumitin ang certification under oath na wala silang kamag-anak na tatakbo o nakaupo na
01:49lalabag sa batas.
01:51Kung may magkamag-anak na parehong tatakbo at hindi sila magkasundo kung sino ang uurong,
01:57ang COMELEC ang magsasagawa ng drawing of lots upang matukoy kung sino ang pwedeng kumandidato.
02:02Isinalang na sa plenary ng Senado ang Anti-Political Dynasty Bill.
02:05Ito ay panig sa kabataang may pangarap tumakbo ngunit walang apelyidong kilala sa magsasaka na may kakayahan ngunit walang politikal
02:17na makinarya.
02:19Ito ay panig sa patas na laban.
02:21Ako po ay magiging ehemplo kahit na ang ibig sabihin po nito ay ang pagbaba ko o ng aking mga
02:30kamag-anak sa pwesto.
02:32Ito pa ay historic, makasaysayan, nararapat at higit sa lahat na papanahon na.
02:38Aminado si Yon Tiveros na konsensus o compromise lamang ang second degree dahil mas may chance ang maipasa ito
02:45kumpara sa kanyang orihinal na panukalan na abot hanggang fourth degree,
02:49nasasakop sa mga magpinsan, magtsuhin o tsahin at iba pa.
02:5339 years na itong ina-anticipate, ito po yung best na nabuo namin.
03:00Kung maipasa ang at least ang second degree, kahit second degree man lang,
03:05ay pwedeng sabihin na mas madaling implement ng COMELE.
03:10Umaasa ang senadora na maipapasa ang panukala bagong matapos ang sesyon sa Marso.
03:14Lalo't una ito sa prioridad na batas ng Pangulo, bagaman hindi pa certified as urgent.
03:18Kailangan din magpasa ang kamera ng katapat na panukala na sa ngayon ay nasa committee level na rin.
03:24Kapag nais sa batas ito, ngayong 20th Congress, sisimula na itong ipatupad sa 2028 elections.
03:31Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
03:37Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:40Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended