00:00Ipinagdiriwang sa Baguio City ang ikalabimpitong Ibaloy Day kung saan inaalala ang ginawang paglaban ng mga Ibaloy para sa karapatan
00:08ng kanilang lupain.
00:09Iyan ang ulat ni Jezril Lapizar ng PTV Cordillera.
00:17Buday siya Baguio Mekajoan sa Iwaray Pan-Aadivayan.
00:21Iyan ang tema ng ikalabimpitong Ibaloy Day na ang ibig sabihin ay lupa sa siyudad ng Baguio kailangang alagaan para
00:30sa isang lugar ng pagtitipon-tipon.
00:33Sa pagdiriwang ng Ibaloy Day ngayong araw, binabalikan at inaalala ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga Ibaloy sa kanilang
00:41ancestral domain.
00:42Kilalang nagtaguyod nito ay si Mateo Bayo sa Cariño na ipinaglaban ang karapatan ng mga Ibaloy sa kanilang lupain sa
00:51siyudad ng Baguio.
00:52Ipinagdiriwang sa Ibaloy Day ang February 23, 1909 kung saan dinesisyonan ng Korte Suprema ng Estados Unidos na tilalanin ang
01:02pagkakaroon ng native title o property rights ni Cariño sa Baguio City noong 1900s.
01:08Maaalala lang pumanaw na si Cariño ng pagtibayin ng hukom ang kanyang karapatan sa lupang inangkin ng militar noong panahon
01:16ng mga Amerikano.
01:18Ang naturang lupain ay ang Camp John Hay na ngayon.
01:22The doctrine of native title is a monumental Ibaloy legacy which we commemorate on Ibaloy Day.
01:31The doctrine of native title, katmaktang ni tawid, maktang dyan tawid ni Ibadoy, tawid ni Kaigorotan.
01:45Nagsagawa ng parada ang iba't ibang grupo, organisasyon at angkan ng mga Ibaloy sa Baguio City at Benguet para maipaalala
01:54at mabigyang pugay ang mayamang pamana, tradisyon at walang katumbas na kontribusyon ng mga Ibaloy sa kasaysayan, kultura at pagunlad
02:04ng lungsod.
02:04Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang OWIC kung saan labing limang mga baboy ang kinatay na pinagsalusaluhan ng mga dumalo.
02:14Samantala, hamon sa mga katutubong Ibaloy sa Baguio City ang pagbaba ng kanilang populasyon.
02:20Sa pinakahuling datos ay nasa apat na porsyento na lamang sa kabuoang populasyon ng lungsod ang kanilang bilang.
02:28Ngayon, parang naalaala yung struggle ng unang Ibaloy.
02:40Hanggang ngayon, they are still claiming.
02:44Ang sa amin, mga Ibaloy, we are still the claimants. Kami pa rin yung nandito. Wala kaming mga kaaway na
02:51ibang clan. Walang nagsasabing hindi sa amin yan.
02:54Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1125, idineklara ang February 23 na Special Non-Working Holidays sa lungsod ng Baguio.
03:04Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments