Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag-ingat po sa pabagong-bagong panahon dahil peak ngayon ang flu season at ayon yan sa Department of Health.
00:06Payo ng mga doktor, agad kumusulta kung mahigit isang ligonang naranasan ang inyong ubo at sipon.
00:13May unang balita si Von Aquino.
00:19Peak o kasagsagan talaga ng flu season ngayong Pebrero ayon sa Department of Health.
00:24Heto nga si Joshua, tatlong araw ng may ubo at sipon.
00:28Sobrang hirap, lalo na at mayat-mayang nagkakaano yung ilong ko. Water therapy lang po. Oo, may okay naman po.
00:38Si Valentino, dalawang ligon na raw may ubo at sipon at hindi pa raw nagpapadoktor. Nag-home remedy lang muna
00:44siya.
00:45Nag-ano ko ng warm water sa umaga. Tapos iniinit ko na muna yung kalamansi. Pinipiga sa kutsara. Tapos laligang
00:55ko kunting asin. Iinuming ko na yun.
00:56Ayon sa mga eksperto, ang mga nararanasan ngayong ubo, sipon, pananakit ng lalamunan at katawan, lagnat at maradong ilong, maaaring
01:05dulot ng viral o bacterial infection.
01:08Pero ibang usapan na kung hindi pa yan gumagaling matapos ang pitong araw.
01:12Kung viral infection lang, kayang-kaya na nila sa sarili nila. Pwede siguro mga pitong araw.
01:21Pero pag umabot na rin ng pitong araw, tapos talagang medyo malakas pa yung ubo at saka yung sipon,
01:29magpatingin na rin kayo. Kasi talagang hindi dapat nagtatagal ang mga ubo-ubo na yan.
01:38Ang mga may comorbidities, Anya, tulad ng hika, sakit sa puso at COPD o chronic obstructive pulmonary disease,
01:46dapat magpakonsulta agad kung limang araw nang may respiratory illness.
01:51Kung umuubo na ng dalawang linggo o higit pa, mag-ingat din sa posibilidad ng tuberculosis.
01:56Ang bansa natin ay endemic for tuberculosis. Kailangan iisipin namin ang TB para ma-diagnose natin kaagad.
02:05So para mas ma-treat natin at ma-control natin ang tuberculosis.
02:10Dahil flu season ngayon, ayon sa DOH, dapat mag-ingat lalo na sa pabago-bagong panahon.
02:16Pag nag-iba kasi yung humidity ng hangin, nakakairita rin yan dun sa ating lalamunan, sa ating ilong.
02:22Kaya minsan iisipin natin, ala, ano ba ito? Virus ba ito? Pero actually, baka yung marami sa atin ay naiirita
02:28lang yung mga respiratory lining sa sinasabi.
02:31Payo ng DOH, uminom ng sapat na tubig maliban kung nagdadialisis, magkaroon ng healthy lifestyle at magpabakuna laban sa flu
02:40at pneumonia.
02:41Prutas at gulay, mas marami. Andun po yung mga vitamins and minerals na siyang pagpapalakas sa ating immune system.
02:47Eheresisyo, ganoon rin po, para hindi tayo madaling mapagod. At yung disiplina, huwag na humag-vape, huwag na humag-sigarilyo.
02:55Itong unang balita, Von Aquino para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended