Skip to playerSkip to main content
Sabay sa pag-usad ng panahon ang pagbabago ng anyo ng EDSA kung saan nagtipon ang milyon-milyong Pilipino halos 40 taon na ang nakalipas.


Apat na dekada man ang nagdaan, sariwa pa rin sa alaala ng mga lumahok sa 1986 EDSA People Power Revolution ang mga pangyayaring nagpatalsik sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagbigay ng bagong pag-asa sa mga Pilipino.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:30Ang mga pangyayaring nagpatalsik sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagbigay ng bagong pag-asa sa mga
00:39Pilipino.
00:40Tunghaya natin yan sa special report ni Ian Cruz.
00:55Sa loob ng apat na araw, apat na dekada lang ang nakakaraan.
01:00Hindi mga sasakyan kundi mga tao ang pumuno sa isang bahagi ng EDSA.
01:05Silang sumunod sa nooy panawagan ng simbahan na protektahan ang mga paksyon ng militar na nooy pumaligtad sa rehmeng Ferdinand
01:14Marcos Sr.
01:15Walang pati ng dating na mga ordinaryong Pilipino noon na sa isang punto ay umabot sa mahigit 2 milyon.
01:24Ito ang EDSA People Power Revolution, ang mapayapang revolusyong hinangaan sa buong mundo.
01:34Matapos magdala ng bagong pag-asa sa mga Pilipino
01:42At naging mitsa ng pagkatapos ng dalawampung taon sa kapangyarihan ng isang diktador.
01:52Apat na pung taon na ang nakakaraan ng magtipon-tipon dito sa EDSA.
01:56Ang milyon-milyong tao, wala pa yung mga flyover dito at wala pa rin yung matataas na gusali.
02:03Ang matayog lang, ang kanilang pag-asam na magkaroon ng pagbabago at ng kalayaan.
02:09Ang kanilang pagkakaisa dito sa EDSA, nagdulot ng pagtatapos ng diktadorya.
02:18Sa mga nasa EDSA noong 1986, tulad ng nooy 35 taong gulang na si Sister Terry Burias.
02:27Mahirap malimutan ang revolusyon.
02:2975 taon na siya ngayon habang 6 na taon na mula nang pumanaw ang kasama niya noon na si Sister
02:36Pingping Ocariza.
02:39Pero tanda pa niya ang mga nangyari ng alalahanin ng lugar kung saan sila nakuhanan ng litrato.
02:46Mahinila kami ng mga tao.
02:49Sabi niya wala naman kayong asawa, sister.
02:51Lumood daw kami doon sa harapan ng tangke.
02:54Sabi nila, sabi na lumood kami doon sa harapan ng tangke.
02:57Sulad naman kami sa mga tao.
02:59Dinig na dinig nila ang madiing pag-apak noon sa silinyador ng tangke habang nakatingin sa kanila ang nooy kumandante
03:07ng Philippine Marines.
03:09Aandar na malapit na sa amin.
03:11Pina-stop niya, pina-stop niya.
03:14Parang nakonsensya siya na hindi lang kami, maraming mga tao rin masasagasaan.
03:19Humarang din sa tangke ang nooy 24 anyos na UP Policize student na si Ernesto Naget Aquino.
03:27Sa pagbabalik niya sa Ortega Slyover Eastbound kung saan naganap ang tensyo noon,
03:33nagbalik din ang maraming alaala sa ngayon senior citizen ng pastor.
03:38So, may konting naging negosyasyon sa harap na wag-wag inaawad sila.
03:46So, doon na ako nag-isip na symbolic resistance.
03:51Tumulak na ako sa tangke and then after that, sumunod na yung iba-ibang tao.
03:57Si Volt Bohol na 14 anyos lang noon,
04:01pinanghahawakan ang nasaksihan sa huling araw ng EDSA revolution.
04:05Noong gabi ng February 25, nagsa-celebrate na lahat sa kali.
04:10Hindi ko makakalimutan sinabi ng tatay ko, yung daddy ko, sabi niya,
04:15remember this day, this night, it will never happen again.
04:19Ngayon, baga managkakaedad, pinanatili niya ang alaala ng EDSA
04:24sa pamagitan ng pamumuno sa August 21 movement.
04:28Ang pecha ng pagpaslang kay Sen. Ninoy Aquino,
04:32na isa sa mga unang mitsang unti-unting nagpaalab sa galit sa mga Pilipino.
04:40Pero sa mga nakaraang taon, napalitan ang ingay ng revolusyon,
04:45nagbabago ang anyo ng EDSA sabay sa pag-usan ng kasaysayan.
04:51Hanggang ang pamilyang minsan pinatalsik,
04:55Ako, si Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,
05:00nagbalik sa Malacanang sa pamagitan ng suporta ng mayorya
05:04ng mga butanting Pilipino.
05:06Bilang Pangulo ng Pilipinas.
05:08Sa tila pagbaligtad ng kasaysayan
05:12at pagpaanaw pa ng mga personalidad na naging mahalaga ang papel
05:16sa 1986 revolusyon.
05:20Ang alaala ng EDSA noong 1986,
05:23tuluyan bang mabubura?
05:25Hindi ko na pumala.
05:26Ay, hindi ko po naalala, sir.
05:28Yun lang yung regala, ali.
05:30O people power, sabihin po yun,
05:33kakuanan yan.
05:36Ano ba yung kuya?
05:41Ang diwa ng pagkakapit-bisig noon.
05:44Hanggang sabantayog sa isang panulukan na lang ba ng EDSA?
05:49Nakakapanghinayang.
05:50Saan nagpunta yung one brief shining moment
05:54sa history ng Pilipinas?
05:56So, sayang.
06:00Nakapanghinayang lalot ang mga problema noon.
06:03Pareho sa mga isyong umaaling-aung-aung ngayon.
06:07Mulong-ayan!
06:09Bakit ba yung mga kalaban natin noong panahon ng diktadura,
06:13hindi lang yung mga pangalan,
06:14kundi yung mga isyo noon,
06:16yung korupsyon,
06:16yung paglabag sa karapatang pantao,
06:18bakit naranasan natin yun noon?
06:20Yung kasi yung nawala eh, sa pagitan ng unang Marcos at saka nitong ikalawang Marcos. Dahil doon, lumamig, bumalik yung
06:29dating problema. Kaya sana painitan ulit yung sinisimbolo ng EDSA, ang mamamaya na nagbabantay. Pag pinabayaan natin yung leaders, gagawin
06:41nila yung gusto nilang gawin.
06:43Kung tutuusin, hindi na iisang bes nagbigay daan ng EDSA sa pag-iit ng mga Pilipino sa pagbabago. Naulit ito
06:52noong 2001 at sa iba pang mga pagpitipon ng mga gustong may ipaglaban.
07:00At muli, noong nakarang taon, nang rumagasa rito ang baha ng galit ng mga mamamayan sa pangungupit ng ilan sa
07:09pondo para sa mga proyekto kontrabaha.
07:14Patunay na ang diwa ng 1986 revolution, patuloy na mag-aalab kung ating papayagan.
07:22Buhay na buhay. Kita mo yung nakaraan. Kita mo, ang mga tao, tumitindig pa rin para sa katotohanan.
07:30Yung mga mali ay gusto nang itama, sama-sama. May pag-asa pa kung to heal our country.
07:43Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatuto. 24 horas.
07:49Iung mga Marks.
Comments

Recommended